Paalam

0 0 0
                                    


𝓟𝓪𝓪𝓵𝓪𝓶

Ang mahabang panahon kasama ka
Ay sa akin ay sapat na
Upang tayong dalawa
Ay makabuo ng masasayang ala-ala
Sayo'y natuto ako na tumayo sa sariling paa
At buong ialay ang buhay sa kanya
Ika'y isa sa mga taong mahalaga sa akin
Di man tayo magkadugo, apo mo narin akong iturin
Asahan mo po mga pangarap ko aabutin
Gaya ng lagi mong bilin
Salamat at patawad po sa lahat
May pagkakataon man sayo ako'y di tapat
Ngunit nagawa mo paring magpatawad
Maging masaya ka po sana sa taas
Pangako wala akong sasayanging oras
Dahil ang oras ay napakahalaga sa tao
Kaya't hanggat may oras ka sa mundo
Matuto kang makuntento
At pahalagaan ang taong mahal mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

'Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now