Pag-umibig ka

0 0 0
                                    

𝓟𝓪𝓰-𝓾𝓶𝓲𝓫𝓲𝓰 𝓚𝓪

Naaalala ko pa ng unang beses kitang nasilayan
Puso ko'y sumasayaw sa kasiyahan
Ng sandaling ako'y iyong tignan
Tila ang aking diwa ay naglaho na ng tuluyan

Ng araw na iyon pakiramdam ko'y iba
Ang kasiyahan sa aking mukha
Ay di na mabura
Ng dahil sa iyong simpleng ngiti na abot hanggang mata

Sa twing tawa mo'y aking nahihimigan
Ako'y napapangiti sa kawalan
Tawa mo'y kayasarap pakinggan
Tila ako'y nakalutang sa kalangitan

Ito'y senyales na ako'y umiibig na
Sa taong di naman ako kilala
Ngunit di ko maitago ang saya
Ganito pala ang pakiramdam pag-umibig ka.

©jez

'Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now