𝓣𝓾𝓷𝓪𝔂 𝓷𝓪 𝓚𝓪𝓲𝓫𝓲𝓰𝓪𝓷
Matagal ko na syang kaibigan
Kapatid na ang aming turingan
Madalas man magkatampuhan
Ito'y inaayos namin sa magandang paraan
Prinoprotektahan namin ang isat-isa
Kadamay sa lahat ng problema
Wala na akong ibang hihilingin pa
Kundi mapatibay pa ang aming pagsasama
Maraming tao ang gusto kaming siraan
Pero pinilit na lamang namin magbingibingihan
Dahil alam ko tunay syang kaibigan
Kaibigan na hindi ako iiwan
Mahirap maghanap ng taong totoo
Dahil marami na ngayon ang manloloko
Natutuwang paglaruan ang nararamdaman ng isang tao
Walang paki kung masaktan nila ito
Kaya tayo'y pinagpala
Dahil meron at merong taong tatanggap sayo kung sino ka
At kung nakita mo na sya
Wag mo nang pakawalan pa
©jez
