- Chapter 3: Familiar"Oy, Iyana Larkyn uso kaya gumising noh? tanghali na oh! tirik na tirik na ang araw nakahiga ka pa! hindi na ako nagtataka kung bakit halos late ka araw araw"
Hindi alarm clock ang naririnig ko ngayon kung hindi ang bibig nitong si She na dumadada sa loob ng kwarto ko. Mumulat ako upang silipin kung anong oras na ba, nakita ko naman si She na bagong ligo at kalalabas lang ng banyo.
"Risheleyn, pagkaingay ingay mo naman ang aga aga pa kaya!" sigaw ko sa kaniya habang bumalik sa pagkakahiga at nagtakip ng unan dahil antok pa ako.
"Anong maaga pa, tingan mo kaya ang araw oh, ang liwanag na girl!" sambit naman niya na ngayon ay nakikipaghilahan ng kumot sa akin.
Wala din akong ngagawa, kaya bumangon na lamang ako. Kahit wala pang 8 AM naghanda na kaming dalawa, dadaan kasi kami sa simbahan dahil Linggo ngayon.
"Hintayin na lang kita sa labas ah, tatawagan ko lang si jem" tumango naman ako bilang sagot sa kaniya. Pumasok na ako ng cr at nagbabad sa shower. Habang umaagos sa aking katawaan ang tubig at sumasaboy sa aking mukha ito, napapapikit ako at sumisilay ang larawan ng nakaraan.
Naalala ko naman ang sinabi ni She kagabi, kung gusto kong maalala may tamang panahon para doon. Sana nga hindi masakit ang aking nakaraan.
Halos tatlong taon na ang nakalilipas mula nang mawalan ako ng alala, noong Grade 10 daw kasi ako'y naaksidente sa daan habang tumatawid, yon ang sabi ni Mommy. Matindi daw ang pagkakatama sa akin ng sasakyan mabuti na lamang at medyo nakapreno ang sasakyan na iyon kaya hindi ako natuluyan, halos kalahating buwan akong coma noon, mabuti na lamang at nakahabol ako ng pagpasok ng grade 11.
"Iyana! Tapos kana ba?" rinig kong sigaw ni She mula sa labas ng kwarto habang ako'y nag aayos sa harap ng salamin. Nang matapos ako rito, lumabas naman ako at nakita ko naman si She na nakaupo sa isang sofa habang hawak ang kaniyang cellphone.
"Gosh, siguro hindi na tayo aabot sa misa ne'to! Almost 1 hour kang nag-ayos girl" hindi ko na lag siya pinansin at dumiretso na sa labas upang sumakay ng SUV namin, saktong nakita naman ako ni Mang Resi kaya pinagbuksan at sumakay na rin siya sa unahan.
"Aabot pa naman siguro tayo, maybe late lng" palusot ko naman sa kaniya at nag peace sign.
"Hay nako, sa susunod hindi na talaga ako sasama sa'yo kung ganito lamang na palaging late, hmp" inirapan pa ako nitong si She nang makasakay siya dito sa SUV.
"Mang Resi sa Blessed Trinity Parish po muna dadaan lang po kami saglit doon, Linggo din po kasi eh" sambit ko kay Mang Resi na ngayon ay nagdadrive.
"Girl dadaan tayo sa Ciinco ah, kukunin ko lang kay Jem yung mga libro ko hiniram kasi niya no'ng isang araw eh" pagtukoy pa niya sa boyfriend niya ngayon na si Jeremie.
"Bakit naman sa Cinco pa, wala ba kayong date or what today?"
"None, yung cousin niyang taga Batangas kasi darating and siya ang susundo eh, magbabakasyon lang daw dito 'til New year."
"Aw okiiee" pag agree ko na lang sa sinabi niya
"Alam mo prend, bakit hindi mo itry ang magboyfriend no? Ang sarap kaya sa feeling, tipong may susundo sayo araw araw, may magpapakilig, may magpapangiti, may maghahatid ganoon!" aktong kinikilig pa. Tinaasan ko naman siya ng kilay sa pinag sasasabi niya.
"Tsaka na, marami pa namang oras para d'yan"
"Walang oras o wala lang mahanap?" Tiningnan ko na lang siya ng masama dahil sa sinabi niya.
"Girl, itry mo lang, masaya promise pero hindi naman lahat, minsan darating talaga sa point na may susuko tapos mag isang lalaban pero kakayanin para sa pag ibig hays. Bakit kasi hindi ka pa nag kakaboyfriend!"
Yeah, she's right. Hindi pa ako nag kakaboyfriend NBSB pero I dont know lang kung nagkaroon ako ng boyfriend from my past Co'z I didn't remember at all.
"Hmm, siguro darating ako d'yan sa point na mag kakaroon ako ng boyfriend pero siguro sa college pa, mahirap eh ang daming gawain" sambit ko sa kanya.
"Sabagay, you know girl buti na lang hindi ka katulad ng iba d'yan you know masyadong ano sila kahit walang mga jowa"
"Mga ano? ano sila?" nagtataka ko namang tanong sa kaniya habang nakataas ang aking kilay.
"Mga humaharot pero takot sa commitment kaya hindi nag lelabel HAHAHA" tatawa tawang sambit niya kaya napatawa na lang rin ako. Hays ang hirap talaga pag may kaibigang baliw.
"Alam mo tara na kaya sa loob ng simbahan at ipagdasal mo na lang akong makapasa sa quiz on Monday" biro ko pa sa kaniya habang pababa ng SUV nang makarating kami sa harap ng gate ng simbahan. Bumaba din nman siya at nagsimula na kaming mag lakad papalapit.
Ngunit bago kami makapasok sa may gate, papalapit naman sa aming dalawa ang grupo ni Anika, bullies or sabihin na rin nating mga malalandi. Hindi sa sinisiraan ko sila pero 'yon nman talaga ang totoo tss, nakakainis sila isa sa nilandi nila ay ang boyfriend ni She kahit alam nilang may girlfriend ito.,
"Oh wow, look at these two ugly ducklings spoiled brat of Poblacion. Pakalat kalat at dito pa talaga sa may harap ng simbahan hindi na nahiya" maarte saad ni Anika Abrea, hmm the leader I guess. Katawa sila
"Nahiya naman kami sa inyo, dito pa nag hahanap ng lalandiin sa may labas ng Simbahan, tss" sagot ni She na nasa tabi ko.
"Girl, can't you see? Nandito kami para sumimba hindi para lumandi okay? Nakikita mo bang may kasama kami?" saad ng nasa likod niyang si Shanel, tss naturingang grade 12 na and graduating pa ganito ugali.
Mag sasalita na sana ako nang pigilan ako nitong si She, well hindi ko nman siya masisisi dahil pag may ganitong mga bullies na humaharang sa amin ayaw niya akong pagsalitain dahil marami masyado akong mapupuna tsk.
"Oh, ganon ba? Akala ko kasi nag hahanap ng kayo ng kalandian, so Im sorry for that and please excuse us" harap ni She sa kanila
"Hindi kami humaharang para patabihin n'yo, kami yung dadaan pero pahara hara kayo" Palaban talaga tong si Anika eh, naiinis na ako
"Wow Anika, saan mo naman kinuha ang kapal ng mukha mo para pagsalitaan mo kami ng ganiyan, kayo ang humarang kaya kayo ang tumabi, sa susunod na haharang kayo sa dinadaan namin, sa korte na tayo maghaharap harap" hindi ko na natiis ang aking inis kaya nagsalita na ako, naglakad na kami papalayo roon pero nakita ko pa rin sa mukha nila ang pagkairita, dapat lang
"Girl sabi ko sayo ako na lang eh kaya ko naman" bulong bulong pa nitong si She sa akin. Binaliwala ko na lamang siya at pumasok na kami sa simbahan.
Nang matapos ang misa, lumabas naman kami kaagad ng simbahan dahil marami rin ang tao, sumakay kaagad kami ng sasakyan at nagpahatid na sa Cinco kung saan mag kikita ang dalawa
"Mah pren, ako na lang ang bababa ah, wait me here na lng may kukunin lng naman ako kay Jem" paalam ni She sabay baba sa SUV at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Jem.
Mula rito sa sasakyan tanaw ko si Jem na nakatayo at naghihintay sa may kotse niya at may kausap na isang lalaki. Napasingkit naman ang aking mga mata at pilit inaalam kung sino 'yon kahit nakatalikod ay parang lamilyar sa akin.
Nakalapit si She sa kanila kaya umalis ang lalaki at pumasok sa kotsre ni Jem, nakita ko naman ng kaunti ang mukha niya, masasabi kong.... gwapo sa malayuan.
Pero familiar talaga.....
End of Chapter 3-
BINABASA MO ANG
Painful Past (On-Going)
Romance"I just want to sleep, a coma would be nice or amnesia. Anything, just to get rid this, these thoughts in my mind and pain in my heart. Suddenly it happened, I loss my memories because of an accident. And now, I'm living without it" Wanna hear the s...