Chapter 02

31 7 1
                                    

— Chapter 02: Past

“Hintayin ko na lang po si Iya na magising, usapan din po kasi namin sabay kaming babalik sa Apartment po eh”


“Sige iha, pakibantayan muna si Iya, call me if there's a problem, and tawagan mo agad ako pag nagising na ang anak ko, pwedeng dito kana rin matulog tapos bukas ko na lang kayo ipahahatid kay Mang Resi kailangan n'yong magpahinga, thankyou Risheleyn, pasensya na talaga sa abala”


“Naku, ayos lang po hehe, sige po tatawagan ko po kayo ingat”


Naputol na ang paguusap na naririnig ko ngayon dito sa loob, napamulat ako ng aking mga mata at nakita ko naman si She na sinasara ang pintuan ng aking kwarto.


"Omg! Sa wakas Iya nagising kana kaaalis lang ni tita! Wait I need to call Tita Innah!" sambit niya na pasigaw at saka nagpalabas ng aking kwarto. Ako naman ay pinilit kong makaupo sa aking kama upang abutin ang cellphone ko at tingnan kung anong oras na ba.


It's already 6 in the evening, and yet hindi pa kami nakakabalik sa apartment namin, masyadong gabi na. Matapos nang pagtawag ni She kay Mommy, bumalik naman siya dito sa kwarto.


“My gosh Iyana, sa wakas talaga naigising ka. “ naupo naman siya sa aking tabi at inalalayan akong mahiga muli.


“Nahilo kasi ako kahapon talaga eh, sorry.” Sambit ko habang inaalala ang mga nangyari kahapon


“Don’t be sorry my friend, it's okay and besides, aksidente ka namang nawalan nang malay kaya ganoon. Sa susunod mag sasabi kana sa akin kung nahihilo ka  ba o kung ano na ba ang nararamdaman mo okay?”


“Yeah yeah fine, I understand thankyou She. By the way, sino nga palang nagdala sa akin dito sa bahay, sa pag kakaalam ko naroon ako sa inyo.”


“Dzuh, edi si Isaac, tarantang taranta siya nang mawalan ka ng malay. Well hindi ko naman siya masisisi dahil ganoon din ang aking reaksyon noong una kitang nasaksihang nawalan ng malay, hmm last year?”


Napatawa na lamang ako sa pagkukuwento niya, she's right, hindi ito ang unang beses na nawalan ako ng malay, actually this is my 4th time.


“Yeah yeah, naalala ko pa ang itsura mo noon bago ako nawalan ng malay HAHAHAHA” hindi ko naman napigilan ang aking tawa sa pag kwekwento.


“Ano ba yan Iya! Wag na nga natin balikan ang nakaraan, jeje ko pa noon eh HAHAHAHA” napatawa na lamang kami parehas inaalala ang nangyari dati. Habang nag kwekwento at nagtatawanan dito sa aking kwarto, bigla namang pumasok ang isang lalaki dito.


“Hey hey hey, finally Iyana, you're awake! Hindi ko alam ang gagawin ko sayo kahapon noong nakita kitang nawalan ng malay. Oh eto prutas nagdala ako, makakain hehe” 


Saad niya habang binibigay sa amin ni She ang isang plastic ng prutas na binili niya, napailing na lamang ako sapagkat napakadaldal talaga ng kaibigan kong ito. Hindi ko alam kung ano bang nakain nito noong bata pa s'ya, hindi kasi tumino ang bibig.


"Thankyou, pa'no mo naman nalaman na gising na ako aber?" pagtataka kong tanong sa kaniya.


"Tinawagan ako nitong si She, sabi ko kasi sa kaniya na tawagan niya ako once na magising ka" kibit balikat niyang tugon saka naupo sa may study table ko. Napatango tango na lamang ako sa kaniyang mga sinabi.


“By the way, bukas na lang daw tayo bumalik sa apartment gabi na kasi, and Tita Innah told to me na you need to rest” napabaling naman ako kay She nang sabihin niya iyon.


Painful Past (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon