001

48 0 0
                                    

"𝐜𝐮𝐩𝐜𝐚𝐤𝐞"

➠ plagiarism is a crime, don't plagiarize the work of others.

––

Napa-angat ako ng ulo sa narinig kong sigaw, ano ba naman 'yan?! Natutulog 'yung tao uh-oh!

"Iyong Favorite Cupcake koooo!? nasaan, sino kumuhaaaaa?!" sigaw ni Yngrid.

"Bes, kumalma ka nga. na-misplace mo lang iyon." pagpapakalma sa kanya ng kaibigan niya.

Napangisi naman ako, siguro nga kay Yngrid iyong itinabi ko. Mukhang makaka 'the moves' na ako sa kanya.
Umayos ako ng upo at ikinuha ko ang cupcake sa bag, At saka tinawag si Yngrid.

"Yngrid!" sigaw ko.

Lumingon lamang ito at tinaasan ako ng kilay. Naku po naguusok ang kanyang mga ilong.

"Yngrid, anong hinahanap mo?" tanong ko
"Bakit? May pake ka?" pagbabalik niya sa'kin ng tanong.
"A-ah, eh. Oo, basta tungkol sa'yo may pake ako. Ikaw lang naman 'tong walang pake sa nararamdaman ko eh."

Biglang nagkantsawan ang aming mga kamag-aral, 'ung iba tumitili pa.

"Tse, nagugutom na ako. Paborito kong cupcake ang baon ko, tapos mawawala pa?!" pasigaw na sabi ni Yngrid. At saka nag-cross arms.
"uhmm, nagugutom kana?"
"bingi ka ba? kasasabi ko lang inuulit mo pa!?"
"kung gayon, maaari mo naman akong kainin." at saka ko siya kinindatan.
"ngunit 'wag dito" pabulong kong dagdag

Muli, nag-ingay sa kilig ang mga kamag-aral namin. Pinalo naman ako ni Yngrid sa braso na ikinatuwa ko.
Inakbayan ko siya at naglakad palabas ng silid-aralan.

"Bibilhan nalang kita sa Cafeteria ng Cupcake." pag-aaya ko sa kanya.
"Paborito ko iyon, pwede ba Bryle lumayo ka nga" tinulak naman niya ako ng marahan ngunit bakas sa kanyang mukha ang kilig.

"Ano bang gusto mo? ang cupcake na solusyon sa kumakalam mong tiyan? Oh ang maging 'cupcake' ko?" banat ko na mas lalo niyang ikinapula.
"Oo na, Gusto kong maging 'cupcake' kita" at sa kilig tinalikuran niya ako.

Iniabot ko sa kanya patalikod ang 'pagkaing cupcake' na kanina niya pa hinahanap at saka sinabing...

"I love you my cupcake"

Naghiyawan naman ang mga kaklase namin, at nagulat ako ng biglang halikan ako ni Sheina sa pisnge.

"I love you too Bryle my cupcake."

short stories (compilation)Where stories live. Discover now