Name Plate

500 12 11
                                    

ACE'S POV

"Ma, saan kayo pupunta?" tanong ko dito nang makitang nakabihis ito pati na rin ang kapatid ko.

"Sa Robinson. Bakit?" Haist. Gusto ko din sumama! May pakiramdam ako na mag-shoshopping 'tong mga 'to.

"Sama ako!" sagot ko dito.

"E di, sumama ka." Sambit naman ni Mama. Ayos diba? Hahaha! Bumalik ako sa kwarto ko para magbihis. Wednesday ngayon at walang pasok ang kapatid ko. Bakit kamo? Dahil sa pumalpak na field trip nila kahapon.

Nasiraan ang ilan sa mga bus na nirentahan ng school para sa field trip nila at naiwan ang ilang estudyante doon sa lugar kung saan nasiraan ang bus. Kaya babalikan pa sila para lang makauwi. Nakakatakot. Mabuti na lang at hindi nasiraan ang bus na nasakyan ng kapatid ko kundi, naiwan din siya doon.

Pagkatapos magbihis ay sabay-sabay na kaming umalis papunta sa sakayan ng jeep papuntang Robinson. Hindi ko maiwasan mapansin ang dalawang bakla na magkalayo ng upuan. Magkakilala naman sila pero hindi nila alintana ang ilang tao na nasa pagitan nila at patuloy lang sila sa pagkwekwentuhan.

"Magkano ang binayad?" turan ng isang bading. May tattoo ito sa katawan at nakapusod ang buhok.

"1,2 aray aray." Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng 'aray aray' ng isa pang bading na nakasalamin. 'Yon ata ang term nila para sa zero? Hindi ko sure. Hehe. Nakakatuwa lang sila.

Pagkadating namin sa Robinson ay kumain muna kami ng lunch at agad na pinuntahan ang men's section ng department store pagkatapos.

Unfortunately, wala nang size ang kapatid ko sa gusto niyang pantalon. Pinipilit nga namin bumili ng ibang klase pero ayaw. Maarte eh.

Kaya pumunta na lang kami sa Fun Tee section. Natawa talaga ako ng mabasa ko ang nakasulat sa isang t-shirt.

KEEP CALM MO MUKHA MO.

Hahahahaha! Hindi ko alam kung bakit ako natatawa dito. Barado panigurado ang makakabasa noon. Nagsukat siya ng ilang t-shirt doon pero isa lang ang nagustuhan niya.

"Dalian niyo na." utos sa amin ni Mama. Lilipat daw kami ng mall para lang makabili ng pantalon ang kapatid ko.

Pagkalabas namin ng Robinson ay sumakay naman kami ng jeep na pa-SM.

Anak ng tokwa talaga.

Ang init!

Tumawid pa kami para lang makarating sa mall. Hindi kasi umikot ang jeep. So, no choice kami kundi ang tumawid.

Pagdating namin doon ay dumiretso kami sa men's shoes dahil bibili daw ng sapatos si kapatid at si mama.

Out of place ako diba? Puro malalaking size na kasi ang naka-display sa rack kaya wala akong nabili.

Nakakainis lang dahil kung ano pa 'yon gusto kong bilhin ay wala ng size.

Sumunod na pinuntahan namin ay ang men's wear kung saan bumili ulit siya ng t-shirt at pantalon. Nakakita na siya ng katulad ng gusto niya sa Robinson.

Shopping kung shopping ang kapatid ko.

"Ma, pupunta lang kaming cyberzone." Paalam ko dito dahil bibili daw itong kapatid ko ng screen protector. 

"Pumunta na kayo doon." Turan nito kaya pumunta kami. Pagdating naman namin doon, wala naman binili 'tong kapatid ko. Nag-grocery din kami ni kapatid dahil marami na akong kulang na supplies. Kaya bumaba na lang kami at kumain sa Starbucks.

Kuya Barista (Short Story) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon