Truth or Lies

89 2 2
                                    

Habang naghihintay ng flight namin sa airport pabalik ng Pinas ay naglaro muna ako ng paborito kong laro na Clash of Clans. Ito ang kinaaadikan ko na laro simula nang magkaroon ako ng apple device. Dalawa kami ng kapatid ko na naglalaro nito at para hindi ako ma-bore ay naglaro muna ako. Madaling araw pa lang dito sa HK at ilang oras pa ang hihintayin namin bago magbukas ang mga counter. Naging masaya naman kami sa tour namin sa HK. Tatlong araw kaming namalagi sa hotel at sa loob ng tatlong araw na iyon ay sumakit ang mga paa ko kakalakad. Kahit maliit lang ang HK ay masasabi kong maraming atraksyon na pwedeng pasyalan. Sayang nga lang at hindi namin nalibot lahat dahil na rin wala kaming tour guide at naubos ang oras namin sa paglalakad.

Pagkabukas na pagkabukas ng counters ay agad kaming pumila at ilang oras din ang hinintay namin sa boarding section ng airport. Kahit na saglit lang ang naging bakasyon namin sa HK ay naging memorable ang experience namin dito. Sabi nga ng kaibigan ko, hindi ka maliligaw sa HK dahil kumpleto sila sa mapa at signs. Kung mabibigyan ako ng isa pang chance para makabalik dito ay babalik talaga ako. Hindi ko pa nalilibot lahat eh.

Excited na akong makauwi sa Pinas. Bukod naman kasi sa namiss ko ang kama ko ay namiss ko din syempre... sino pa ba? Kundi ang bebe ko. Ilang araw din kaming hindi nagkausap. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako kinontak noon kahit sa fb man lang. Nag-aalala tuloy ako sa kanya. Ano na nga kaya ang nangyari doon? Talagang tinodo niya ang pagpapamiss sa akin ah.

Medyo natagalan ang paglapag ng eroplano namin sa airport ng HK. Bawat minuto na lumilipas ay naiisip ko si Marcus. Hindi kasi talaga siya nagparamdam sa akin. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ako or matutuwa ako dahil talagang tinotoo niya ang sinabi niya bago kami umalis na magpapamiss daw siya para daw pagbalik ko ay ako mismo ang kokontak sa kanya. Nakakainis talaga ang lalaki na ‘yon. Alam naman niya na kahit magparamdam siya ay mamimiss ko pa rin siya.

Napabuntong-hininga na lang ako nang maisip ko ulit si Marcus kahit na nasa eroplano na kami. Nakatitig ako sa kalangitan habang sakay ng eroplano na maghahatid sa amin pabalik sa Pinas. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko para hindi ko na maisip si Marcus pero wala, kahit nakapikit ako ay siya pa rin ang naiisip ko. Naloloka na nga ako kakaisip sa kanya. Hay, di bale, Ace. Malapit ka na makauwi sa bahay niyo. Makakausap mo na rin si Marcus at kung wala siyang duty ay makikita mo pa siya.

Pagkalapag ng eroplano namin ay agad kaming dumiretso sa baggage area para kunin ang mga bagahe namin pagkatapos noon ay lumabas na kami ng airport at sobrang nanibago kami sa panahon. Medyo malamig kasi sa HK at pagdating dito sa Pinas ay sobrang init naman ng panahon dahil summer season na at bumalik sobrang traffic na rin ng mga kalsada hindi tulad sa HK na walang ka-traffic traffic. Halos lahat ng tao doon ay naglalakad o sumasakay ng tren para mas mabilis makarating sa pupuntahan nila.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong humiga sa kama ko at niyakap ang unan ko. Parang gusto ko matulog ulit dahil maaga kami nagising kanina. Pero bago ako matulog ulit ay nagpalit muna ako ng damit at nag-ayos ng mga gamit. Back to reality na, tapos na ang bakasyon. Agad ko naman nilagay sa labahan ang mga damit na ginamit ko sa loob ng tatlong araw. May bayad kasi kapag magpapa-laundry ka ng damit sa hotel kaya inuwi na lang namin para hindi na kami gagastos pa. Nang maayos ko na lahat ay humiga ulit ako sa kama ko, hawak-hawak ko ang cellphone ko at naghihintay ng text mula kay Marcus. Ilang minuto pa ako naghintay at wala talaga ako natanggap ni tawag. Mas lalo akong nag-alala kaya ako na mismo ang tumawag sa kanya.

Matiyaga akong naghintay na sagutin niya ang tawag ko pero hanggang sa operator na mismo ang pumutol sa tawag ko. Nasa duty kaya siya ngayon? Chineck ko ang schedule ng duty niya sa shop na naka-save sa cellphone ko pero wala naman siyang pasok ngayon. Nasaan na kaya si Marcus? Sinubukan ko ulit na tawagan siya at pagkalipas ng ilang ring ay sinagot na niya ang tawag.

Kuya Barista (Short Story) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon