Hot Air

300 12 13
                                    

“Ace, diba hindi ako late?” tanong ni Heart sa akin pagkasakay na pagkasakay ni Bud ng sasakyan. Papunta kami ngayon sa Hot Air Balloon Festival kasama ang barkada ng bestfriend ko na si Rochelle. Sabit lang kasi ako. Hahaha! Hindi ko naman inaasahan na mapapasama ako dito pero okay na rin dahil minsan lang naman ako makapunta sa mga ganitong event.

‘Yon nga lang, mga wala pa kaming tulog. Kamusta naman diba? 1:30 AM kasi ang usapan namin dito sa Mcdo para doon sa mga sasabay sa akin papunta sa meeting place kung saan namin kikitain ‘yon bestfriend ko at iba pang kasama. Nandoon na rin ang van na nirentahan namin papuntang Pampanga.

“Haha. Oo.” Sagot ko dito. Natatawa na lang ako dito kay Heart. Ang energetic kahit wala pang tulog. Nakausap ko pa siya kanina bago ako magpunta dito. Hindi rin siya nakatulog dahil sa hindi ko malamang kadahilanan. Mukhang excited din siya sa trip na ‘to.

Dumating si Bud na may dalang cake from Mary Grace. Syet! Mukhang masarap. Hahaha! Mahilig pa naman ako sa sweets. Maya-maya lang ay dumating na si Rin at may kasama itong lalaki at... may dala silang isang rectangle size na puno ng ferrero rocher chocolates! Whaaa! Chocolates.

Sa totoo lang, si Heart lang ang kilala ko sa barkada ni bff. Siya lang naman ang madalas kong makita noon sa university. Iisang university kasi kami nang pinasukan. Bukod pala kay Heart ay kilala ko rin ang isa pa nilang ka-barkada na si May at Al. Naging classmate ko pa si Al before bago ito nag-shift ng course.

Nang makumpleto kami ay pumunta na kami meeting place. Sa ibang branch lang din ng Mcdo para hindi kami mahirapan mag-meet. Madali kasi mag-meet doon lalo na’t 24 hours na open ang Mcdo. Pagkadating namin doon ay nagpaalam na ako sa pinsan ko na siyang nag-drive ng sasakyan namin.

After ng introductions para sa mga bagong kakilala ay sumakay na kami ng van. Dahil hindi namin kabisado ang daan papunta sa Clark ay ginamit ni Heart ang GPS niya sa phone. Hi-tech eh. Hindi na uso ang mapa sa mga panahon ngayon. Hehe.

Nasa dulong bahagi kami ng van nakaupo ni bff kasama ang boyfriend niyang si Jay. Habang ang mga couple naman ay nasa first two rows nakaupo. Si Heart, ay nakaupo muna sa passenger side dahil may dadaanan pa kaming isang ka-barkada nila.

Habang nasa biyahe ay hindi pa rin matigil sa pagiging energetic si Heart. Kami din naman ay wala rin tigil sa pagkwekwentuhan tungkol sa kung anu-ano. Nang masundo namin ang ka-barkada nilang si KC ay mas lalo pang naging maingay sa loob ng van. Wagas ang tawanan dahil sa mga banat ni KC. By the way, si KC ay kasapi ng federasyon pero sa unang tingin ay hindi mo aakalaing ganon siya. Ang gwapo kaya niya at isama mo pang maputi at matangkad siya.

“Kapag katabi ko si Ace, feeling ko, ang bait-bait ko na rin.” Turan ni Heart. Napangiti na lang ako sa tinuran niya. Hahaha! Tahimik lang ako. Mahiyain ako lalo na sa mga bagon kakilala ko pa lang.

“Talaga?” Mukhang tutol si KC sa sinabi ni Heart.

“Oo. Ang bait-bait kaya ni Ace.” Hirit pa ni Heart. O, kay Heart na mismo nanggaling ha? Mabait ako. Hehe. Kwentuhan pa kami ng kwentuhan hanggang sa mag-stopover kami. Nagugutom na rin kasi ang iba sa amin at gustong mag-take out ng pagkain. Bago ‘yon ay nag-CR muna kami at isa talaga sa mga napansin ko ay ang isang babae na lumabas ng CR na naka-life vest. Ang weird. Haha! I mean, bakit siya naka-life vest? Hindi naman siya malulunod sa CR. Whaa! Ang mean ko. Hehe.

Medyo tumahimik noon pagbalik namin sa sasakyan galing sa stopover. Bumili nga pala ako ng fries sa KFC. Kainis lang at naubos na ‘yon fun shots na paborito ko. Habang ngumangata ng fries ay biglang tumunog ang phone ko. Nilabas ko ‘yon sa bag ko at chineck kung sino ang nagtext.

From: Bebe M

Bebe, musta ang biyahe?

Ohmygash! Si Marcus pala ang nagtext. Teka, akala ko ba natulog ito ulit noon tinext ko siya na nasa biyahe na kami. Bakit gising pa ‘to? Lokong ‘to. May duty pa ito mamaya at dapat nagpapahinga siya ngayon. Opening shift kasi ito mamaya.

Kuya Barista (Short Story) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon