Kiss and Hug

141 6 4
                                    

“Good morning, Ma'am.” Ito ang bati sa akin ni Marcus pagpasok ko pa ng Starbucks. Naglilinis kasi ito ng isang mesa malapit sa may pinto kaya agad akong nakita nito. Nagpunta ako ngayon sa mall para mamili ng mga dadalhin para sa family trip namin to Hong Kong. Ito ang kauna-unahang beses na lalabas kami ng bansa na pamilya kaya excited na kaming lahat.

“Good morning.” Bati ko din dito. Pinigilan ko talaga ang sarili ko na halikan siya sa pisngi tulad nang nakasanayan na namin gawin tuwing magkikita kami. Syempre naman, nakakahiya no. Ang dami pa naman tao ngayon sa shop. Isa pa, kahit na alam ng mga kasamahan niya na kami na ay nahihiya pa rin ako.

Pero, kita niyo naman isang ito. Hindi nagpapigil. Niyakap at hinalikan niya ako sa ulo in public. Syet! Nakakakilig lang. E, ano... Syempre, niyakap ko na din siya. Kumalas din naman ako kaagad dahil may trabaho pa siya. Pumunta na ako sa cashier para umorder ng favorite drink ko, subalit walang tao sa cashier. Nasaan na 'yon mga staffs kanina na nakita ko? Ilang minuto pa akong naghintay at nasa harap ko na si Marcus.

“The usual, Ma'am?” Tanong nito sa akin. Tuwing pumupunta ako dito sa shop ay siya palagi ang nag-seserve sa akin at alam na alam na niya kung ano ang paborito kong drink. Ang hindi ko lang talaga malaman ay bakit siya palagi ang nag-seserve samantalang may iba pa naman staffs dito. Hmmm. Tatanong ko na lang siya mamaya.

“Hmmm. No. I want to try the Mocha Cookie Crumble Frap. Make it grande.” Ngumiti lang siya sa akin pagkatapos ko mag-order. May mga kasunod na rin ako sa pila at puro sila babae. Lumingon ako sa gawi nila at kitang-kita na nangingiti sila noon nakita nila si Marcus. Nakooo. Alam ko na ang mga tingin na 'yan. Tsk. Oh, well. Wala naman din ako magagawa. Pinanganak na gwapo ang bebe ko kaya hindi ko rin sila masisisi.

Inabot ko na 'yon bayad ko sa kanya pero hindi niya tinanggap. Ito na naman kami. Mukhang sa kanya na naman niya i-chacharge ang drink ko. Sinaway ko siya dahil alam kong mababawasan ang sweldo niya for this month. May pinag-iipunan pa naman siyang sapatos ngayon. Sayang din kaya 'yon 200.00 na mababawas sa sweldo niya no.

“Marcus...” Turan ko bago siya pinaningkitan ng mata. Hehe. Alam naman niya na kapag ganito ang itsura ko ay hindi ako nakikipagbiruan sa kanya. Kinuha na niya ang bayad ko. Hinintay kong ibigay niya ang sukli bago umalis sa harap ng cashier para hintayin ang drink ko. After ko umorder ay saka naman sumulpot ang ka-trabaho ni Marcus para kunin ang order ng mga kasunod ko na babae sa pila. Halata sa mga mukha nila ang disappointment nang hindi si Marcus ang kumuha ng order nila. Busy na kasi si Marcus sa pag-prepare ng drink ko. Ilang minuto din akong naghintay bago niya binigay sa akin ang drink ko.

“One mocha cookie crumble for my bebe.” Sambit nito pagkaabot niya sa akin ng drink ko. Napangiti na lang ako dahil hindi ko naman akalain na gagamitin niya ang endearment namin. Syempre, lihim naman akong kinikilig dahil doon. Sino bang hindi diba? Pagkakuha ko ng drink ay agad akong pumunta sa isang corner at umupo sa bakanteng upuan. Pinanood ko lang maglabas-pasok ang mga tao sa shop. Pinanood ko din magtrabaho si Marcus. This is actually the first time na mapapanood ko siyang mag-trabaho. Madalas kasi ay tinatake-out ko ang drink at iniinom ko habang nasa biyahe pauwi.

Tuwing magtatama ang mga paningin namin ay kikindatan niya ako na mas lalong nagpapakilig sa akin. Mabuti nga at hindi siya nadidistract sa pagtratrabaho habang nandito ako kundi, patay kami sa manager niya. Haha! Bago ko pa maubos ang drink ko ay nag-desisyon na akong lumabas ng shop. Uuwi na ako dahil hapon na rin. Pagkalabas ko ay hinintay ko ay sumandal ako sa railing at hinintay na lumabas si Marcus. Pagkalabas niya ay kinuha niya ang drink ko at uminom nang kaunti dito. Kita niyo naman. Parang parehas sila ni Raymond. Mahilig sumipsip sa may drink ng may drink. Haha!

Kuya Barista (Short Story) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon