Kinuha ni amanda ang mga labahan dahil tulog pa ang kanyang anak na si freyja at ang kanyang asawa naman nagtatrabaho sa construction site kaya silang dalawa lang ang natira sa bahay.
Nung nag pre-school palang si freya nakitaan na ito ng potensyal sa katalinuhan at ngayun Labing isang taon na siya at lumaki na siya sa isang pampublikong paaralan sa kanilang lugar, si freyja ang nag iisang anak ng Clad family.
“Maa.. Nasaan po si papa?”
Kinurot-kurot pa ni freyja ang kanyang mga mata na nakatayu sa harap ng kanyang ina na nag lalaba dahil bagong gising lang ito.
“Pumasok na anak, maligo kana para makakain kana at ihatid pa kita sa school mo.”
Kinuha ni freyja ang tabo at kumuha ng tubig sa mapunong tubig na nasa balde.
“Bilisan mo jan baka mahuli ka sa iyung klase, alam mo naman si Maam Therese napaka strikta baka pagalitan ka kapag malate ka..”
“Opo.” Munting sagot sa batang na si freyja
“Matapos mong magbihis sa iyung uniforme kumain kana dahil nandoon lang sa lamesa ang kanin at ulam mong paborito ang tortang talong.”
“Talaga maaa!!” Ang excitement ng bata kaya tumakbo na agad ito sa kwarto niya at nagbihis agad.
“Maa.. Asan po yung necktie ko?”
Tumayo nalang ang kanyang ina at pumasok sa kwarto ng bata dala-dala ang tuyong necktie na nilabhan pa niya kagabi
“Ito, ako na ang maglagay para mapabilis ang pag alis natin.”
“Salamat ma!” Sabay yakap saka tumakbo sa lamesa at agad kinuha ang takip at kumuha ng pinggan saka kumain agad
“Tawagin mo lang ako anak huh kung tapos kanang kumain at magsipilyo para aalis na tayu agad, mag 6:32 na kailangan umalis tayu ng 6:45 para maka attend ka nang flag ceremony ng 7:30”
Kahit bata pa si freyja ay ubod na ito ng katalinuhan, siya agad ang laging dinadala sa mga school competitions at laging panalo kaya sanay na ang bata na laging panalo at ayaw nang tumanggap ng talunan.
She is also active teakwando player at laging makasama sa mga competition's
"Maaaa tapos na ako.." tawag niya sakanyang ina sa labas
Pero walang lumapit kaya lumabas siya at nakita niya na may kausap na babae
“Bakit ayaw mong sundan? Sure talaga ako na si Armando yun at kahalikan ang foreman na babae sa tinatrabahuan niya.”
“Wag kang ganyan Rosa baka marinig ka ng anak ko, at alam ko na hindi magloloko ang asawa ko..”
“Maaa!!”
“Segi na kumare alis na ako.” Sabi ng kanilang kapit bahay na si Rosa
“Maa.. Ano po yun si tatay po ba?”
"Ha? wala yun, ano tapos kana ba para aalis na tayu?”
“Opo!”
“O segi, kunin mo nalang yung bag mo at tatawag ako ng masasakayan natin ha.”
Tumakbo sa loob si freyja at kinuha ang bag nito.
“Manong pwede doon tayu dadaan sa Pong street may titingnan lang ako saglit.”
"Segi." Sang ayun ang drayber ng motorseklo
Narinig ng bata na nagbitiw ng malalim na hininga ang kanyang ina
"Ma okay kalang po ba?"
Tumingin ang kanyang ina sakanya at ngumiti "Wala anak"
Pagkarating nila sa Pong street lumingon ang kanyang ina sa may nagtatrabaho
YOU ARE READING
Kasa Assasina - Freyja
RomansaFrom a little girl into a SARCASTIC Woman A woman who don't like to LOSE A woman who have a POWER but in different way A woman who played WELL A woman who DON'T believe in Love A woman whose ready to kill just to be her HAPPINESS Family. Lo...