❤Chapter Forty: The Revelation❤

2.7K 110 2
                                    

Matteo point of view

Isang linggo na akong nandito sa mundo ng mga mortal at isang linggo ko na ring kinukulit si mira at jacob na sabihin sa akin ang totoong pagkatao ni khaxiecka pero nanatili silang tahimik

Pwede ba matteo tantanan mo na kami naiinis na sabi ni mira at pilit akong iniiwasan hinaharangan ko kasi siya sa tuwing nagtatangka siyang talikuran ako

Hindi ko kayo titigilang magasawa hangga't hindi niyo inaamin ang totoo tungkol sa totoong pagkatao ni khaxiecka totoo naman hindi ba hindi niyo tunay na anak si khaxiecka ang totoo ay anak ng mahal na reyna na si queen saffira at ng mahal na hari na si king khaizer si khaxiecka bakit ba hindi niyo na lang aminin ang totoo naiinis na rin na sabi ko nuubos na ang pasensiya ko sa kanilang dalawa

Wala kaming aaminin dahil wala namang dapat aminin pagmamatigas ni mira

MIRA sigaw na banggit ko sa pangalan niya nagulat siya dahil sa pagsigaw ko

Wag niyong ubusin ang pasensiya ko naiiritang dugtong ko sa sinabi ko at tinignan siya ng matalim

Umalis ka na pakiusap lang matteo tigilan mo na ang pangungulit sa amin dahil wala kang mapapala galit niyang sabi at tinulak ako para makadaan siya hinawakan ko siya sa braso at hinila paharap sa akin

Malapit ng maganap ang ikaapat na digmaan mira ano mang araw ay maaari itong maganap wala na kaming sapat na oras kailangan niya pang dumaan sa matinding pagsasanay alam mo bang nasa mahirap na mission ngayon si khaxiecka kasama ang royalties maaari niya yong ikamatay dahil wala na talaga kaming sapat na oras kaya minamadali na namin ang lahat kaya mira parang awa mo na sabihin mo na ang totoo na si khaxiecka ang nawawalang prinsesa nagtitimpi ng galit na sabi ko may tumulak sa akin palayo kay mira tsk jacob

Hindi mo ba talaga kami tatantanan hah matteo? Nanggagalaiting tanong ni jacob

Wala ba kayong konsensiyang magasawa hindi ba kayo naaawa sa mahal na reyna at mahal na hari ang tagal na nilang nangungulila sa anak nila inilayo niyo ang anak nila sa kanila ng labing pitong taon isa kayong taksil galit at sigaw kong sabi sa kanila hindi ko na napigilan ang sarili ko

Gusto mong malaman ang totoo galit na sabi ni mira at naluluha na rin siya

Mira pigil sa kaniya ni jacob pero hindi siya pinakinggan ni mira

Oo tama ang hinala mo hindi ko anak si khaxiecka at tama rin ang hinala mo na si khaxiecka ang nawawalang prinsesa ng melfiore kingdom siya si princess brianna sapphire luxford ang anak ni queen saffira at king khaizer

ano masaya ka na alam mo na ang totoo at hindi totoo na isa kaming taksil nagawa namin yon para iligtas ang prinsesa mula sa mga taga dark kingdom kung hindi ko kinuha ang mahal na prinsesa at inalayo sa malamang ay patay na siya ngayon umiiyak na sabi ni mira nagulat at natulala ako sa ipinagtapat ni mira tama nga ang hinala ko si khaxiecka ang nawawalang prinsesa ng melfiore kingdom kailangan itong malaman ni axel at ng Queens and Kings tumalikod ako at gumawa ng portal pabalik sa melfiore academy

❤️The Long Lost Powerful Princess Of Melfiore Kingdom❤️(Under Revision)Where stories live. Discover now