❤CHAPTER SIX:Meaning And Purpose Of Rankings❤

4.6K 152 1
                                    

Khaxiecka point of view

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng lamig. bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinignan ang oras mula sa suot kong wristwatch, alas sais na pala ng gabi ang haba rin pala ng
itinulog ko. napahawak ako sa tiyan ko gutom na ako tuluyan na akong bumangon sa higaan ko, at inayos yung mga damit ko isang oras ang itinagal ko sa pag-aayos ng damit at sobrang gutom na ako.

lumabas ako ng kwarto ko inilibot ko yung tingin ko sa buong sala pero hindi ko makita si cheska, yung kadormmate ko pumunta ako sa kusina para tinignan ko kung nandon siya pero pagkasalip ko walang tao. gutom na talaga ako balak ko sanang magpasama sa kaniya sa cafeteria pero wala siya ehh, kaya maghahanap na lang ako ng pagkain dito sa kusina. sa kalahating minuto kong paghahanap puro chitchirya at chocolate yung nakita ko, wala man lang siyang stock ng matinong pagkain dito.

"Gising ka na pala" sabi ng isang babae mula sa likuran ko. nagulat ako at nabitawan ko yung hawak kong baso na may lamang tubig, natapon ito sa sahig.

"Sorry kung nagulat kita" paghingi niya ng paumanhin.

"Ayos lang" tugon ko habang nililinis yung natapon na tubig sa sahig.

"Tulungan na kita" prisinta niya.

"Hindi na kaya ko na to tsaka tapos na rin ehh "pagtanggi ko.

nginitian niya ako at nginitian ko siya pabalik. Inilagay ko sa planggana yung basahan na pinanlinis ko tsaka ko nilabhan, pagkatapos kong labhan isinampay ko sa sampayan para matuyo.

"Ahm cheska pwede ba akong magpasama sayo sa cafeteria nagugutom na kasi ako ehh" nahihiya kong sabi kay cheska.

"Oo naman" tugon niya.

"Salamat" pasalamat ko sa kaniya.

"Tara na" pagyaya niyang umalis tumango ako.

naglakad na kami palabas ng kusina padiretso palabas ng dorm. maraming estudyante na nakatambay sa labas at masayang naguusap. mas lalong naging magical ang paligid dahil sa makukulay na mga alitaptap na lumilipad lipad, at tsaka may kung anong lumalabas mula sa lupa nagliliwanag ito at hugis bituwin. maliliit na bituwin at makukulay rin ito.

"Mukhang nageenjoy ka sa pagmamasid sa paligid" sabi ni cheska.

"Ahm oo hindi ako makapaniwala na nageexit pala ang ganitong mundo, sa mundo kasi ng tao ang mundong ito ay isa lang alamat at mababasa sa mga fantasy stories" sabi ko.

"Ganon ba ngayon maniwala ka na dahil totoong nageexist ang mundong ito" sabi niya napatango na lang ako.

"Nandito na tayo sa cafeteria" sabi niya. pumasok na kami sa loob ngayon ko lang napansin pinagtitinginan pala ako ng mga estudyante, bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang.

❤️The Long Lost Powerful Princess Of Melfiore Kingdom❤️(Under Revision)Where stories live. Discover now