❤CHAPTER ONE:Unlucky Day❤

10.2K 214 18
                                    

khaxiecka point of view

"Khaxiecka gising na hindi bat magpapaenroll ka ngayon" sabi ni mama habang ginigising ako iminulat ko yung mata ko sabay unat ng katawan ko.

"Good morning ma" bati ko sa kaniya.

"Good morning din nak bumangon ka na diyan at mag ayos kana para makakain ka na ng almusal" sabi ni mama.

"Opo ma"sagot ko.

"Sige na bangon ka na diyan hintayin na lang kita sa dinning area"sabi ni mama.

"Sige po ma" sabi ko.

nginitian ako ni mama bago siya lumabas ng kwarto ko, pagkalabas ni mama sa kwarto ko tumayo na ako sa hinihigaan ko, nga pala hindi pa pala ako nakakapagpakilala, ako nga pala si Khaxiecka shekhaina alcantara.

a simple girl masayahin at palangiti. nagiisang anak ng magasawang alcantara, hindi mahirap at hindi rin mayaman may kaya lang kami. nagkakapag-aral naman ako sa magandang paaralan at nakakain kami Ng tatlong beses sa isang araw, okey enough the introduction.

Pagkatayo ko sa hinihigaan ko dumiretso ako sa closet ko para maghanap ng maisusuot, simple lang naman ako manamit isang stretchable jeans at black fitted long sleeve. pagkakuha ko ng masusuot ko dumiretso na ako sa banyo para maligo, limang minuto lang ang nagamit kong oras sa paliligo ko, tapos na akong maligo kaya lumabas na ako ng banyo.

Pinatuyo ko yung buhok ko gamit yung tuwalya pagkatapos sinuklay ko ito, simpleng pagaayos lang naman yung ginagawa ko sa mukha ko, imbes na foundation bb cream ang gamit ko, papatungan ko ng pulbo tsaka ako maglalagay ng clay blush on, then lip balm at konting spray ng pabango.

Tapos na ako sa pagaayos ng itsura ko ngayon ay magsusuot na ako ng sapatos, isang black converse. ng matapos ako sa pagsasapatos lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba ng hagdan, pagkababa ko ng hagdan dumiretso ako sa dinning area at nadatnan ko si mama na nagbabasa ng magasin. napansin niya yung prisensya ko kaya napatingin siya sakin.

"Nandito ka na pala maupo ka na para makapagumpisa na tayong kumain" sabi ni mama sinunod ko yung sinabi ni mama, umupo ako sa isa mga upuan at nagumpisa na kaming kumain ni mama pero wala si papa.

"Ma si papa?" Tanong ko.

"Maaga siyang pumasok sa trabaho niya"tugon ni mama sa tanong ko.

"Okey po" nasabi ko na lang tahimik na kaming kumakain ni mama, lumipas ang limang minuto tapos na akong kumain.

"Ma tapos na po akong kumain alis na po ako" paalam ko kay mama.

"Sige magiingat ka nak" sabi ni mama.

"Opo ma"tugon ko humalik ako sa pisngi niya at naglakad na ako palabas ng bahay. pagkarating ko sa kanto pumara ako ng taxi, ng makapara ako ng taxi agad akong sumakay.

"Sa St,Claire University po kuya"sabi ko kay manong driver pinaandar niya na paalis yung taxi, kinuha ko yung cp at earphone ko at nagpatugtog. isang oras ang lumipas naramdaman kong huminto yung kotse na sinasakyan ko.

❤️The Long Lost Powerful Princess Of Melfiore Kingdom❤️(Under Revision)Where stories live. Discover now