❤41: Taming The Electric Element Dragon And Finding The Electric Magic Crystal❤

2.6K 101 44
                                    

Samantha point of view

Nagtagumpay ako na makuha ang air element dragon at ang air magic crystal grabe ang naging laban namin ng air element dragon pero in the end ako pa rin ang nanalo pagkalabas ko sa illusion na ginawa ng air element dragon grabe ang sumalubong sa akin ang walang malay na si daniela at ryder bumungad din sa akin si zeus na galit na galit nakakatakot siya bakas ang galit sa mga mata niya at sobrang blangko ng mukha niya at napalibutan din siya ng itim na aura

bumungad din sakin si khaxiecka na walang malay tinanong ko si aeros kung ano ang nangyari kay khaxiecka ang sabi ni aeros sinalag ni khaxiecka ang malaking black electric energy ball na para kay zeus kaya si khaxiecka ang natamaan ng malaking black electric energy ball na naging dahilan para mawalan ito ng malay

napaslang ni zeus ang black witch kaya pala galit na galit si zeus dahil napahamak si khaxiecka that's so sweet inlove ang aming leader na si zeus he change a lot hindi na siya yung sobrang tahimik na kapag nagsalita ay mabibilang mo sa darili ang sasabihin niya at nagkakaroon na siya ng pakealam sa ibang tao dati kasi wala siyang pakealam kapag hindi ka niya kilala itatrato ka niya na parang hangin nararamdaman niya pero hindi niya nakikita

iba talaga ang nagagawa ng pagibig nga pala tatlong araw na ang lumipas simula ng makuha ko ang air element dragon at ang air magic crystal at sa tatlong araw na yan wala pa ring malay si khaxiecka mukhang hinigop ng malaking black electric energy ball ang lahat ng lakas niya tatlong araw na naming ipinagpaliban ang mission

nandito kami sa electeria kingdom sa labas ng abandonandong bayan kung saan matatagpuan ang electric sub element dragon pati na rin ang electric magic crystal si aeros lang ang pwedeng pumasok sa loob dahil siya lang ang may kakayahan na labanan ang napakalakas na boltahe ng kuryente sa loob ng abandonandong bayan

Hindi na tayo pwedeng magpaliban ng mission nasasayang ang oras natin kailangan na nating ipagpatuloy ang mission seryosong sabi ni aeros tama si aeros nasasayang nga ang oras namin kaya kailangan naming ipagpatuloy ang mission nakatingin kami kay zeus na sobrang seryoso ang mukha sa lumipas na tatlong araw walang ibang ginawa si zeus kundi bantayan at alagaan si khaxiecka nakakakilig pero kailangan na muna yung isantabi


Zeus ano ang desisyon mo? Tanong ko

Geh ipagpatuloy na natin ang mission seryosong tugon niya na hindi man lang tumingin sa amin nakatuon ang buong atensyon niya kay khaxiecka at bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala

sige papasok na ako sa loob paalam ni aeros nagsitango kami bilang tugon

Goodluck aeros magiingat ka sabi ko nginitian niya ako bilang tugon

Nakakatouch naman yon sammy nangaasar na sabi niya sinamaan ko siya ng tingin

Gawin mo na nga ang mission mo pumasok ka na sa loob sabi ko tinawanan naman ako ng loko tumalikod na siya at naglakad papasok sa loob napangiti ako hindi ko alam kung bakit basta napangiti ako

❤️The Long Lost Powerful Princess Of Melfiore Kingdom❤️(Under Revision)Where stories live. Discover now