3

223 75 138
                                    

3 ( Continuation )









Gweynth's POV

Pagtapos kong tulungan iyong pilay sa paglalakad, ay umupo na agad ako sa upuan ko. Sakto naman na binigay ko na sa konduktor ang bayad ko. Tapos nag cellphone na lang ako, para malibang ang sarili ko at may pagkaka abalahan.

Medyo malayo kase dito ang sementeryo eh.

Tapos nakita ko pa ang sasakyan ng tukmol sa harap ng bus. Saan naman kaya punta neto? Haist! Ba't ko nga pala sya pinapakelaman?

Naglaro lang ako sa phone ko hanggang sa mabored, tapos tumigil itong sinasakyan ko sa kung saan. Kaya't nacurious ako.

Bumaba pala si kuyang gwapo haha!

Konti na lang at malapit na ako sa sementeryo. Tinignan ko ang orasan ko at Alas dos kinse pa lang ng hapon. Kaunti lang talaga ang oras namin sa school.

" Kuya d'yan na lang po sa may kanto. Pwede po ba? "

" Ah sige po sandali lang po! " Saad naman ng konduktor sakin kaya't napa tango-tango nalang ako. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na din ito.

Kaya bumaba na din ako, tapos nagitla ako ng bababa din pala yung pilay. Kaya't tinulungan ko na ito.

" Salamat po. " Saad nito saakin, nuong tuluyan na siyang nakababa.

" Wala po iyon. Sige po alis na po ako. " Saad ko habang naka ngiti. Tapos umalis na ako at nagsimula ng maglakad.

Kahit mag isa na lang ako ay matulungin pa rin ako. Ganon ako pinalaki ng magulang ko. Dahil pinalaki nila ako sa tama at hindi sa mali.

Naglakad pa ako ng ilang minuto dahil malayo sa entrance ang pinaglibingan nina Lolo at Lola.

Puntod...

" Lolo, Lola sorry po ah? Kung ngayon lang po ako naka dalaw. Madami po kaseng gawain sa school. " saad ko habang hawak ko ang pangalan nila dito.

Dahil ng makaupo ako dito ay nagsimula na agad akong mag kwento sa kanila.

" La miss kona po kayo. Sana ganon din po kayo, Ganon din po sana kayo Lo. " saad ko pa. Miss kona kase sila Lolo at Lola.

Sobra pa sa sobra!

" Alam nyo po Lolo Lola? Never ko po kayong kinalimutan. Kahit nagiging busy ako ay nami-miss ko pa rin kayo. " saad ko at diko na mamalayan na umiiyak na pala ako.

Siguro ganto talaga ang mangulila sa pumanaw na pamilya, bakit kase di na lang ako eh! Edi sana buhay pa sila.

Even my mom and dad.

Edi sana buhay pa sila hanggang ngayon. Edi sana nakakasama ko pa sila. Masaya kame, hindi yung nag dudusa akong mag isa na lang.

Bakit sa lahat sila pa. Bakit di na lang ako! Ako?!

" Lola alagaan nyo po d'yan sina Mommy at Daddy ah? Miss ko na rin po sila eh. " saad ko habang umiiiyak.

" Lolo sana kayo din, alagaan nyo po si Lola dyan ah? " saad ko. Hanggang ngayon hawak hawak ko pa din ang pangalan nila.

At the last time

Hinawakan ko ang pangalan nila at pinunasan kona ang luha ko.

" Alis na po ako Lolo at Lola, sa susunod na lang po ulit. " at umalis na din ako. Nag sindi naman ako nang kandila eh. May dala din akong bulaklak para sa kanila.

Naglakad na ako at saktong may tumawag sa akin.

" Hello? " saad ko habang nag lalakad. Tinignan ko ito at register account lang ang nakalagay.

FOREVER LONELY ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon