8

153 57 48
                                    

8 ( Who could be Eya?... )











Gweynth's POV

Pagdating na pagdating namin sa bahay ay nakikita ko kay eya ang pagkamangha. Mukhang nagulat sya sa pagkatao ko. haha. Ang cute lang nya! konti na lang eh makukurot ko na ito sa pisnge.

nabasag ang katahimikan ng tanungin ko ito.

" Sampson ba talaga ang apelyido mo? " saad ko nakita ko naman na tumango ito. Hindi pa talaga mawala sa kanya ang pagkamangha.

" Ah eya dito ka muna ha? Ipagluluto muna kita para makakain ka. " saad ko aalis na sana ako ng may sinabi ito sakin.

" Grabe! Ang yaman yaman mo naman. Para saan pa at nagtrabaho ka sa Fast Food? " napatingin ako dito. Pinaliwanag ko din sa kanya ang nangyari sakin.

" Yun ba? Wala na kase mga magulang ko. Ako na lang mag isa kaya't kailangan ko kumayod para magkapera ako. Ito na nga lang nga ang kaisa isang alala ko sa mga magulang ko. Swerte mo nga eh may mga magulang ka. Ako wala! kaso nga lang mag kaiba ang ugali ng magulang natin. "

pag papaliwanag ko dito.

Nakita ko naman sa mga mata nya ang pagkagulat at lungkot ng malaman nya ang katotohanan.

" nakaka awa ka naman. Maaga kang iniwan ng mga magulang mo. Di bale nandito naman ako! Magiging maingay na rin bahay mo. " napa tawa naman ako dahil dun.

" oh sya dyan ka muna at magluluto ako. At pagkatapos mong kumain maliligo kana. " napa tango naman ito sa sinabi ko kaya gumayak na agad ako sa gawain.

siguro naman mabait si eya. Pero ang pinag tataka ko sino sya? malamang maganda ito. Hindi ako magtataka at magugulat sya.

pero kung maganda man sya.

Bakit ganon ang nararanasan nya? Baka naman pati sa school nya binubully sya? Grabe naman sila! Nako!

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng mag salita sya.

" Grabe ang gara talaga ng bahay mo. Parang mansyon lang " natawa ako ng mahina dahil dun. Ang cute lang nya mamangha.

" ay ahaha! ganon ba? thank you. " saad ko habang nakabaling sa niluluto ko. Naririnig ko naman sya kaya ito haha.

" nakaka inggit ka tuloy-- " diko sya pinatuloy ng marinig ko ang word na iyon.

" ops wag mona ituloy. Una hindi ka dapat maingit sakin. Dahil simpleng babae lang ako, pangalawa hindi ka dapat maingit sakin! Dahil hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ng inggit." pag papaliwanag ko dito.

kaya't napa tango ito sakin.

" mukhang masarap yata yang niluluto mo ah? gusto ko nang tikman. Nakaka gutom! " nakita ko naman sya sa pehriperal vision ko na hinimas nya ang tiyan nya.

ang cute lang talaga ng babaeng to!

" Wag ka mag alala sandali na lang to! " saad ko habang naka ngiti. Nakita ko naman syang ngumiti! Maganda sya pag ngumiti.

Feel ko nga mas maganda pa sya kesa sakin.

Sakto na tapos na rin ang niluluto ko. Nilagyan ko ang plato nya ng kanin. Nakita ko naman ang ginawa nya dahil ayaw nya pala ng ganon.

" wag na po ate nakakahiya naman po. Ako papo ang pinag sisilbihan nyo. " nahihiya nyang saad. Kinuha na nya ang sandok at sya na rin ang gumawa.

mabait naman pala sya.

" Nako wag mona ak -- * ding dong* -- sige Eya kain ka muna. Puntahan ko muna ito. " may sasabihin sana ako ng may nag door bell.

at iniwan ko muna sya dun!

FOREVER LONELY ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon