4

203 71 113
                                    

4








Gweynth's POV

Pagpasok ko sa school ay nagkakagulo ang mga studyante. Ewan ko ba?! Ano ba meron dun? Sa sobrang curious ko naman ay may hinatak ako.

" Sandali nga lang, ano ba meron at nagkakaguluhan kayo? " Saad ko sa estudyanteng hinatak ko.

Ano ba talaga meron?

Tapos diko pa makita si Gavin. Lokong yun! Pinagtataguan nanaman yata ako.

" Ah yun ba? Si de dios kase tatalon sa building. " sa sobrang gulat ko ay tumakbo na ako. Putik loko loko talaga eh.

Tumakbo ako papunta sa main prod at nakita ko nga sya dun. Nasa tuktok putik yan!

" Hoy de dios!! Bumaba ka nga diyan?! Para kang siraulo!! Nandito na ako?! Bumaba ka!! " sigaw ko ng makasiksik ako sa mga studyante.

Inang yan!

" Hindi! Hindi ako aalis dito hangga't di ako sinasagot ni ally. " huh? Napakang timang talaga.

Teka?

Alam na ba nya?

Wag mong sabihin na magpapa kamatay si De dios?!

" Ambobo mo! Wala pa si Ally at malalate?! Bumaba kana dyan at pag uusapan na natin ang plano!! " sa ginagawa kong to. Mapapaos talaga ako.

Nakita ko naman sya na nagulat.

Mukhang nakita ako ah?

" Macaspaaaac! Hulog ka talaga ng langiiiiitt! Pumarito kaaaaa?! " so ako ang hinihintay? Loko loko talaga ang lalakeng to!

" Bumaba ka dyan?! Di ako pupunta dyan hangga't dika bumaba! " sige sigaw lang.

Parang ako lang yung tao diba?

Hibang lang po talaga kame, sigawan lang kame dito. Kaya't pinagtitinginan kame dito ng mga estudyante.

Isa dun si Grey, na mahahalata mo sa mukha eh nagseselos.

Selos? Talagang selos? Bakit ba?

Wala naman kameng ginagawang masama ah? Hindi pa rin sya nag babago. Napakang seloso pa rin eh? haha.

Umalis ako dun at pumunta sa kinaroroonan ni Gavin.

" Gavin! Pare! Wag mona ituloy yang binabalak mo?! Papunta na dyan si Macaspac! " rinig ko sa mga kaibigan nya.

Bago pa ako tuluyang maka alis dun.

Tumakbo na ako papunta sa roof top. Ewan koba kung bakit loko loko yang si De dios. Minsan tililing, minsan naman ang hirap espilingin. Eh?!

Tapos pag mag j-joke pa ay corny! ewan koba sa lalakeng itoh!

Rooftop...

" Hoy tukmol! Nandito na ako wag kana tumuloy d'yan sa binabalak mo. Haha " saad ko ng makadating ako dun.

At hingal din at the same time.

" Macaspac " saad nya pero parang ang lungkot ng boses nya. What's with the sad voice? Okay lang ba sya? Paniguradong hindi! Sa tono pa lang ng pananalita nya eh.

" Bakit? Halika nga dito. Ano ba nangyayare sayo? " saad ko at pag sabi ko nun ay niyakap nya ako.

Dina ako mag tataka alam na nya.

" Ayos ka lang? May problema kaba? Ayos lang yan may mga kaibigan kapa dyan. Nandun sa baba nag aalala sila sayo. "

" Gweynth si Ally. " sabi ko na nga ba alam na nya. Pero paano? paano naman nangyare yun? Hinagod ko na lang likod nya.

FOREVER LONELY ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon