1

581 97 230
                                    

1










Gweynth's POV

I was not really into a lonely person, pero ayoko na talaga na may kasama sa buhay ko. Sa 'BUONG BUHAY KO!' iyan capslock para dama, ayoko naman kase talaga na may pakielamero at pakielamera sa buhay ko.

'AYOKO NANG GANON!'

Kaya heto ako ngayon at tulala mag isa sa classroom, habang ang iba ay nagkakasaya sa kanilang buhay. Hindi ko maintindihan ang sarili ko na kahit wala ng Estudyante ay nandito pa rin ako, Eh...Basta! ewan ko ba.
Gusto ko lang mapag isa ngayon.

Tapos ng tumunog ang school bell, pero ngayon ko palang napagpasyahan na kumilos. Kinuha ko na ang bag ko at nagsimula na mag lakad.

Usually ay naglalakad lang talaga ako pag uuwi, para tipid sa pera.

Ayoko kase gumastos ng pera ko, kuripot na kung kuripot. But my money, my rules.

But i am not kuripot talaga, i just need to do it kase mag isa na lang ako sa buhay. Ako na nga rin ang nagpa pa-aral sa sarili ko, dahil iniwan na ako nga magulang ko. I am just ulirang maganda.

Habang naglalakad ako sa eskinita namin, ay maryoong sasakyan na dumaan. Sa isang banda ay bigla akong napangisi. Mukhang naliligaw ito dito samin, ngunit pagka dating ko pa lang sa trabaho ko ay natanawan kona na maraming tao.

yung totoo, may artista ba dito?

Nakita ko naman si Ate at isa sya sa mga katrabaho ko dito, na batid kong nagmamadali na humahangos papunta saakin dahil sa dami ng tao.

"Mabuti at nandito kana Gweynth! medyo marami customer ngayon. Kailangan mag madali, sumunod kana rin." Pagpasok ko sa tinatrabahuhan ko ay ito na agad ang naging bungad saakin.

Nuong una nga ay nagtaka talaga ako,kasi masyadong marami ang tao. Hindi naman linggo, kasi may pasok kami kanina. So nagtataka talaga ako, promise.

"Sige at magpapalit lang ako ng damit,siguraduhin mo lang na mataas ang ibibigay mo ah?! " Saad ko sa babae na muka namang manager, i may sound demanding pero kailangan sa buhay iyon.Medyo may katangkaran sya at masasabi kong maganda sya.

Pwede na nga sya maging model, sa kinis ng kanyang kutis, at sa hubog ng kanyang katawan. A perfect one na talagang suitable sa modeling career. Ewan koba d'yan at pinili ang ganitong trabaho.

"Oo na at ako na bahala duon, kaya hala sige na mag bihis kana at kailangan talaga kita. masyadong maraming customer ngayon! " Saad nito saakin at pagkatapos ay tinaboy nya ako papunta sa kitchen.

Napangiti na lang ako dahil duon,hindi ko alam kung bakit basta napangiti ako. Pagpunta ko sa pinaka kitchen room ay duon agad ako nagbihis at nagsimula na ako mag trabaho.

Part time lang naman ako dito, hindi pwedeng mga full time dahil nag-aaral ako. Kaya ako nagtatrabaho for my school fees at pagkain ko sa araw-araw. Wala naman ng ibang gagawa nuon, bukod sakin.

Mahigit ilang oras ang lumipas bago ako tuluyang matapos sa trabaho, binigay na rin agad ang sahod ko ni Ate. Minsan lang kase ako pumasok dito dahil naka focus ako sa pinaka trabaho ko.

At the park...

Pagtapos ko sa trabaho ay dumertso muna ako dito sa park, kung saan malalanghap ko ang malamig na simoy ng hangin. Bumili din ako ng ice cream, malapit lang din dito sa parke. Naging gawain ko na ito, malapit kuna nga kaibiganin ang ice cream vendor. Malay mo maka libre, sayang naman.

Pagka tapos ko na lasapin ang ice cream ay pinapanood ko lang ang mga bata dito na nag lalaro. Mga batang hindi pa alam ang tunay na takbo ng mundo.

Pag namimiss ko kase sina Papa at Mama ay pumupunta ako dito, lagi kase nila ako dinadala dito nuong bata pa ako.

FOREVER LONELY ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon