Prologue

53 19 4
                                    




    Andito ako ngayon sa silid ni lola Selia.  Nililigpit ko na ang mga naiwan niyang gamit. Masasabi ko na puro classic at vintage lahat kasi hindi basta basta lang luma ang mga gamit nya pwedeng i benta or i auction pero ka bilin bilinan ni lola na huwag kong i be benta dahil mahalaga ito at magagamit ko daw sa aking pupuntahan.

Bigla akong nag balik sa nakaraaan kung saan nag u usap kami ni lola at di ko maunawaan noon ang kanyang nais iparating.

"Apo ko, ang napaka ganda kong apo. Salamat sa dalawampung taong pag a alaga di mo man lang na isipan na iwan ako upang ikaw ay mag ka asawa at magkaroon ng sariling pamilya."  Emosyonal na sabi ni lola.

Sa edad na 85 hindi kababakasan ng paghihirap si lola. Punong puno ng buhay si lola, laging masaya at parang laging fresh kahit pa kulubot na balat nya gawa ng katandaan.

"Asus si lola kayo pa ba? Kayo na lang ang nag i isang pamilya ko, simula ng iwan ako ni mama at  nagkaroon ng ibang pamilya." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

Natatandaan ko pa 10 taon pa lang ako noon nung paanong iniwan ako ni mama kay lola dahil sumama na sya sa asawa niyang foreigner. Si papa naman matagal na kaming iniwan 5 years old pa lang ako ng malaman ko na may ibang pamilya pala si papa at kami ni mama ay pangalawang pamilya lang. Kaya pala madalang naming makasama si papa sa mga importanteng okasyon tulad ng pasko at bagong taon.

Nag decide si mama na tapusin na ang relasyon nila ni papa basta huwag i hi hinto ang support ni papa sa akin. Nag trabaho si mama sa isang 5 Star Hotel at doon nya nakilala ang foreigner na naging asawa nya pero di alam ng foreigner na may anak sya kaya iniwan nya ako kay lola. Malaki ang tampo ko kay mama. Pero ng nagka isip na ako na intindihan ko naman sya at alam kong masayang masaya sya.

Noong una di ko maintihan bakit binilin ni lola ang kanyang lumang mga damit na nasa isang lumang wardrobe. Never ko pa nakita iyon pero sabi nya mahalaga at mamahalin mga iyon at bilang ako lang ang ka isa isahang apo niya na nag alaga sa kanya sa akin niya i iwan lahat ng laman ng buong kuwarto. 

Katatapos ng 40 days ni lola kahapon. 40 bigla akong natawa, 40 years old na ako, nalipasan na rin. Old maid kaya naman ito di na ako nagka boyfriend man lang o nakapag asawa. Nag ka crush naman ako at may mga nag tangkang manligaw pero tuwing su subok ako makipag relasyon biglang nadu duwag ako kaya hindi na ako nagka boyfriend pa. Si lola na lang inintindi ko.

"Apo kunin mo ang jewelry box ko." balik tanawa ko sa nakaraan.

" May ibibigay ako sa iyo apo, sana ingatan mo at gamitin mo sa iyong sariling kapalaran. Piliin mo palagi ang tama at kung ano ang makakapag pasaya sa iyo. Huwag mong intindihin ang ibang tao kahit pa ako na lola mo." Mahabang paliwanag ni lola.

Kinuha ko ang jewelry box at inabot sa kanya.

" Ano ba yan lola? Parang namama alam ka ahh ehehehe. " Ganting biro ko.

Nakita ko si lola ng buksan nya ang jewelry box at may ilabas na pocket watch. Lumang luma na yun pero uma andar pa, napaka ganda halatang mamahalin.

" Ito apo ay iiwan ko sa iyo, kasama ang lahat ng nasa kwartong ito. Huwag na huwag mong i be benta o ibibigay kahit kanino sa iyo lang lahat iyan pati na rin ang laman ng wardrobe ko. Nag kaka intindihan ba tayo? "

"Ito po lola?" Nanlalaki ang mata ko.

"Pero bakit lola?" Gulat pa rin ako.

" Maiintindihan mo rin sa takdang panahon apo ko."

Kaya naman ito ako ngayon sa kuwarto ni lola habang hawak ang sulat na bigay ng abogado niya.

Binuksan ko ang sulat.

Mahal kong apo Trina ,

Marahil wala na ako habang binabasa mo ito. Natatandaan mo ba ang bilin ko sa iyo? Buksan mo ang jewelry box ko at kunin mo ang pocket watch. Katulad ng sinabi ko apo
piliin mo palagi ang tama at kung ano ang makakapag pasaya sa iyo. Huwag mong intindihin ang ibang tao kahit pa ako na lola mo. Mai intindihan mo rin ako. Mahal na mahal kita apo ko. Mag i ingat ka palagi.

Nagmanahal,

Lola Selia

Akala ko maliliwanagan na ako sa sulat ni lola hindi pa pala hanggang sa pagpanaw nya ay napaka misteryosa ni lola.

Binuksan ko ang jewelry box ni lola gamit ang susi nito. Kinuha ko ang pocket watch at may kalakip na sulat ito.

"IF ONLY I COULD TURN BACK TIME"  iyun ang nakasulat.

May isa pa palang naka tiklop na sulat.

Mahal kong apo Trina,

Marahil marami kang tanong apo. Tulad ko noong ipinamana sa akin ito ng lola ko. Itong pocket watch ay nababalot ng hiwaga. Apo buksan mo ang wardrobe at kunin mo ang pocket watch. Isipin mo na lang na ito ang gantimpala sa walang kapaguran mo na pag aalaga sa akin. Sana maging masaya ka at i enjoy mo ang buhay. Mahal na mahal kita apo.

Sa maniwala ka at hindi pwede kang bumalik sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.

"Kung may babalikan ka sa nakaraan ano ang babalikan mo? "

"Choose wisely apo you only live once."

" 3 pagkakataon lang ang pag pipilian ang  nakaraan, ang kasakukuyan at ang hinaharap."

Good luck apo!

Nagmamahal,

Lola Selia

Napakunot ako ng noo ang weird ni lola pero may sense naman lahat mga sinabi niya. Wala naman siguro mawawala kung susubukan ko.

Kinuha ko ang pocket watch pati ang kalakip na sulat. Binuksan ko ang wardrobe. Namangha ako sa iba't ibang klase ng damit,from different occassions pati mga lingerie, bags and shoes. Hinawi ko ang mga damit nang walang anu ano may makapa akong pintuan at may tatlong butas na eksakto sa pocket watch.

20 years

"Past"  "Present"  "Future"

2015 na ngayon and I am 40 years old. Babalik ako sa 1995

Inilagay ko ang pocket watch sa "Past" . Sakto ang pocket watch. Binuksan ko ang pinto at pumasok  sa loob.

Bigla akong nahilo.

Nagising ako at tumingala sa kisame, bakit puro puti? Nasaan ako? Ang natatandaan ko nasa kuwarto ako ni lola at yun pocket watch, hinanap ko, naka hinga ak ng maluwag nasa kamay ko pa rin tinignan ko ang oras mag a alas 3 na pala ng hapon.

Dali dali akong bumangon. Nasapo ko ang ulo ko, bakit ako may gasa sa noo ko?

" Miss ok ka lang ba? " tanong ng pamilyar na boses.

Biglang nanlaki ang mata ko. Totoo ba ito? Bumalik ako 20 years ago sa time na nagka kilala kami ng crush ko?

Abangan

A/N

Nabuo ko rin ang story na ito. Sana suportahan nyo, medyo hirap ako sa pagbuo ng plot pero sana mapanindigan ko. I hope you can join me as we travel in time.

Love you all!!! 😍😍😍❤❤❤

If Only I Could Turn Back Time [ ONGOING ] SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon