Chapter 2

49 16 14
                                    

Present

Kinabukasan na nagising si Trina sa lakas ng radyo ng kanyang lola, akala nya nasa isang teleserye siya habang dinuduyan ng musika sa saliw ng lumang tugtugun na naging alarm clock na niya sa araw araw.

Maalaala mo kaya

Ang sumpa mo sa akin

Na ang pag-ibig mo ay

Sadyang 'di magmamaliw

Kung nais mong matanto

Buksan ang aking puso

At tanging larawan mo

Ang doo'y nakatago

'Di ka kaya magbago

Sa iyong pagmamahal

Tunay kaya irog ko

Hanggang sa libingan

O, kay sarap mabuhay

Lalo na't...

Argghhh!!! Si lola talagaa!!!

Gustuhin man niyang ipagpatuloy ang kaniyang pagtulog di na maaari dahil kailangan niyang bumawi sa klase niya na kaniyang na iliban dahil sa sarili na rin niyang kapabayaan.

Nag muni muni muna siya habang nakikinig sa musika sa labas ng kuwarto niya.

Ang maka luma grabe talaga si lola walang kasawaan, sobrang senti sa inaraw araw simula ng dito na siya nanuluyan 10 taon na ang lumipas iyan ang bungad sa kanya tuwing gumigising siya sa umaga.

Sa tingin niya may ibig pakahulugan ang musika na laging pinapa tugtog ng lola niya. Siguro ito ang "theme song" ng love story nila lolo at lola. Makikita naman sa pungay ng mata at kilig ng lola niya na kahit 15 taon na simula ng pumanaw ang lolo niya ay parang napapa kilig pa rin nito ang lola niya.

Bumangon na siya at nag simulang mag ligpit ng higaan niya saka nag inat inat para tuluyan magising ang diwa niya. Ang haba ng tinulog niya simula kahapon ng maidlip siya ng alas 5 ng hapon pagka hatid sa kanya ni Dex.

Dex napatigil siya ng maisip ang binatang nakilala at biglang nanginig, grabe Trina daig mo pa teenager kung kiligin, natatawang isip niya.

Tuluyan na siyang lumabas at nakita ang kanyang lola na masayang nagluluto ng almusal na akala mo galing sa pakikipagharutan napangiti siya sa dumi ng isip sa kanyang lola.

Napatingin siya sa orasan sa dingding. Alas 4 pa lang ng umaga pero buhay na buhay si lola na akala mo hindi pa matanda sa edad na 65.

Bumaling si lola ng maramdaman na pumasok siya sa kumedor.

"Oh apo, napasarap tulog mo, pinipilit kita gumising kagabi para maka kain ng gabihan pero tila nasa ibang bansa ka na, oo lang sagot mo pero di ka naman nagising at bumangon kay hinayaan na kita. " Bungad na salita ng lola niya, bakas ang kasiyahan nito ng makita siya.

" Eh kasi lola napagod ako kahapon sa dinami dami na kailangan kong tapusin para sa practice teaching." Pag dadahilan ko di ko na binanggit ang disgrasya na inabot ko habang kinakapa ang bukol ko buti na lang hindi na ganoon kalakihan.

"O, siya kumain ka na alam kong gutom ka simula gabihan wala laman tiyan mo." Dagdag bilin ni lola.

Nakita ko mga nakahain sa hapag. May pritong dilis, itlog at hiniwang kamatis na may sawsawan na toyo at suka na may bawang. Biglang kumakam sikmura ko sa nakita.

Agad akong umupo at nag simulang sumandok sa sinangag na may bawang na ma init init pa. Grabee mapapa dami ako ng kain buti na lang di ako tabain sakto lang ang pangangatawan ko di masyadong payat na payat katamtaman lang na laging pinupuna ng mga kaibigan ko nakakainggit daw at hindi man lang nila nakita na tumaba ako tama lang sa taas ko. Diyosa lang hahaha.

If Only I Could Turn Back Time [ ONGOING ] SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon