Chapter 1

52 17 6
                                    


Year 1995

        Sinakop ko ang mga gamit ko at dali daling nilisan ang college library namin. I checked my wrist watch it's almost 10 minutes to 2 in the afternoon. I am on my last year in college taking up Bachelor Of Science In Secondary Education BSEd Major in English.

I am now in my Student Practice Teaching as practicum or On-The-Job training. I just need to prepare some visual aids that's why I chose to do it in the library.

Wearing my usual black pencil cut skirt and white inner plain white sleeveless blouse and a black blazer na tinernuhan ko ng 2 inch heels. Lakad takbo ginawa ko para marating ko ang kabilang building kung saan ang high school na next class ko.

I was really in a hurry not minding mga sumisigaw sa gilid ng football field. Mas madali kasi makakarating kung doon ako da daan.

"Ahhh, Go Dexter! Go Dexter! Ahhh!!!" Sigaw ng mga cheerer sa background.

Nakaka binging sigawan ang maririnig kaya naman hindi ko na namalayan ang biglang pag tilapon ng bola at dire dirtsong lumabas papunta sa kinaroroonan ko. Huli na para makita ko kung saan tatama ang bola. Hanggang sa makarinig ako ng sumisigaw.

" Miss!!! Watch out!!!" pero napatigil ako at luminga sa paligid. Huli na para maka iwas ako sa mabilis na paglipad ng bola dire diretso hanggang

BLAG

Nawalan ako ng malay.

"Miss okay ka lang ba?" Tanong ng boses ng lalaki.

Pinilit kong magmulat ng mata medyo hilo pa rin ako at wala pa sa tamang pag i isip.
Binukas ko ulit mata ko at mas malinaw na paningin ko. Nagulat ako puting kisame ang nakita ko at bigla akong napabangon, tinignan ko ang wrist watch ko nalalaki ang mata ko mag a alas 3 na ng hapon.

"Miss okay ka lang ba?" Tanong ulit ng boses ng lalaki. Saka ko lang naalala at nakita ang lalaki.

"Sino ka? Anong ginagawa ko dito? " Gulat na tanong ko kahit pa conscious ako sa itsura ko dahil bagong gising ako, di kaya tulo laway ako. Nakakahiya ano ba nangyari isip isip ko. Bigla kong na sapo ang noo ko. Bakit may bukol ako?

"Ahh, miss my fault kasi napalakas ang pag sipa ko sa bola at dire diretso sa labas ng field then you came rushing di  mo na naiwasan ang pag tama ng bola sa iyo buti at di ganoon kalakas ang impact pero na black out ka pa rin. I am sorry talaga."  Nahihiyang pagpapaliwanag niya.

Ngayon ko lang na obserbahan ang kabuuan nya. Messy hair due to sweat matangos na ilong, deep set of  brown eyes, then naka uniform pa sya ng jersey stripes na red at black  at plain black shorts. Mala adonis sobrang gwapo. Ang hot nya tignan well built pangangatawan. Crush ko na yata sya. Kinilig ako sa isip isip ko.

Tumikhim siya. Biglang nahiya. Feeling nya nag init ang pisngi nya.

"It's okay, kasalanan ko rin hindi ko naisip na thursday pala today at may practice kayo." Sabi ko na lang para pagtakpan ang kilig at hiya ko.

" Nevermind that, are you sure you're okay?" Tanong nya ulit with sincerity in his eyes.

Tango lang ang iginanti ko then smiled faintly.

"By the way my name is Dexter Sta. Maria just call me Dex. " sabay lahad ng kamay nya sa akin.

" Trina, Trina Diaz." Sabay lahad rin ng kamay ko to shake his hand.

"Not to be arrogant but I am really thankful we met at the most unexpected situation." Sabay konting tawa ni Dex.

Natawa na rin ako pinamulahan sa sinabi nya.

"Ohh, sorry to make you embarassed. So friends? " Dex offered.

"Friends." Medyo nahihiya pa ako pero naging komportable na ako dahil napaka friendly ni Dex.

After 30 minutes. I was cleared from any serious head injuries kaya naman na discharge na ako. May konting bukol lang ako pero di naman masyadong halata namaga lang at namula konti.

" I will take you home Trina, para naman maka bawi sa abala na nagawa ko sa iyo."alok ni Dex na hindi ko na tinutulan.

Yayamanin, pinasakay nya ako sa kanyang white mercedes benz. Pagka pasok na ignorante ako kasi may cellular phone sya na bihira lang magkaroon ang ibang ordinaryong tao. Pager pa lang kasi ang nau uso ngayon at landline phone pero wala akong pager, telepono lang sa bahay ang meron ako.

Biglang lumapit si Dex na talagang ikinagulat ko, akala ko kung ano na gagawin nya, iyun pala ikakabit lang ang seatbelt ko.

"Thank you!" Sabay buga ng hininga ko na kanina ko pa pala pinipigilan.

After 30 minutes nasa village na kami.

"Paki hinto na lang sa tapat ng gate na green yun maraming roses." Sabi ko.

Dali dali akong lumabas pagka hinto ng sasakyan.

"Salamat sa paghatid Dex. Huwag kang mag alala no harm done." Sabay ngiti ko.

"Thank you! See you later Trina." Kaway nya sa loob ng sasakyan. Sabay saludo at pina andar na ang sasakyan. Hinintay ko pang makalayo sya bago ako nag desisyon pumasok sa loob ng gate.

"Apo, anjan ka na pala!" Boses sa likod na nagpa gulat sa akin.

"Ay kabayong pilay!" Sigaw ko sa gulat.

"Lola naman e, aatakihin ako sa puso sa inyo e. " sabi ko ulit.

"Naku ireng bata na ito, ke bata bata pa magugulatin na. Sino naghatid sa iyo?" Tanong ni lola Selia.

"Bagong kaibigan lola."sabay ngiti ko at nag mano sa kanya bago sya inakay paakyat ng bahay.

Si lola ang nag i isang magulang ko. Siya na ang tumayong gabay ko simula 10 taong gulang ako at ngayon na 20 taong gulang na ako. May sariling pamilya na si mama na naka base sa Amerika.

Nilihim ni mama sa asawa niyang foreigner ang tungkol sa akin. Di ko sya masisisi kasi naman bunga ako ng kasalanan nila ni papa. Anak ako ng kabit may legal na asawa pala si papa. Sino suportahan pa rin naman ako ni papa hanggang ngayon kaso, lumayo ang loob ko ng malaman ko ang kasinungalingan nila ni mama.

Nahiga ako sa kama ko pagkatapos ko maglinis ng katawan. Naisip ko ang nangyari ngayong araw. Hinimas ko ang bukol sa noo ko at napangiti.

Kinikilig pa rin ako ng maalala si Dex. Magkikita pa kaya kami? Kung may masasabi ako na magandang nangyari iyon ay ang makilala ko si Dex.

Itutuloy

If Only I Could Turn Back Time [ ONGOING ] SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon