Trina's POV
Pagkatapos kong ma i sinop ang pinagkainan namin ni lola nagmamdali na akong pumasok nang kuwarto at nag unat unat saglit pagkatapos naligo na ako para maghanda sa pag pasok sa eskuwela. Nag memorya muna ako nang mga kailangan kong i prisinta para sa demo ko sa mga estudyante ko habang naglalakad at di ko namalayan na nakarating na pala ako sa labas ng gate namin.
Nagulat ako nang mabungaran si Dexter na nag aabang sa labas nang sasakyan nito.
Nagka gulatan pa kami sapagkat hindi ko inaasahan na bubungad sa akin ang guwapo niyang mukha. Panaginip ba ito? Iniisip ko lamang siya kani kanina lamang pero ngayon ay bigla na lamang siya susulpot sa harapan ko. Hindi ako masiyadong handa. Tumingin na lang ako sa aking pala pulsuhang orasan.
"Magandang umaga sa iyo Trina," Bati ni Dexter na may malaking ngiti sa labi. Napangiti ako, pilit tinatago ang ngiti. Para akong tinedyer na nagtatago sa crush baka ma bisto.
"Magandang umaga naman Dexter. Ano ang nag tulak sa iyo para pumarito nang ganito kaaga, may sadys ka ba? Ganting bati at ngiti ko at ginawang pormal ang kilos at tono ko nang pagtatanong.
"Ahh, kasi napag isip ko kasi na sunduin ka na lang ngayon at baka hindi pa mabuti ang pakiramdam mo gawa nang insidente kahapon. " Nahihiyang bigkas ni Dexter.
Grabe kinilig ako, pero hindi ako nag pa halata. Pormal lang ang mukha ko at lihim na inayos ang buhok ko at blusa ko na mataas naman ang kuwelyo pero itinaas ko baka may masilip naman kahit wala.
" Ahh ganon ba, hindi ka na sana nag abala pa at maayos naman ako, sa totoo lang pagka hatid mo sa akin kahapon ay naka tulog na ako at kaninang umaga na nagising. Salamat sa pag a alala." Sabay ngiti ko sa kanya.
" Walang anuman Trina, gusto ko rin naman bumawi dahil sa nangyari sa iyo alam ko na marami kang na isantabi na mga leksiyon kahapon." Nahihiyang pahayag nito.
" Wala iyon aksidente naman ang nangyari at sigurado ako na mai intindihan iyon nang prof ko." Sabi ko na lang at pilit pinapagaan ang usapan.
" I insist Trina ihahatid na kita sa school para naman hindi ka na mahirapan mag commute." Sabi nito at pinagbuksan na ako nang pinto nang passenger's side.
Hindi na ako tumanggi at pumasok sa nakabukas na pinto nang sasakyan nito. Umikot naman si Dexter pag kasara nang pinto sa gawi ko at sumakay sa driver's seat.
Napatingin na lang ako sa kanya hanggang maka sakay siya at tumingin muna siya sa akin at lumapit. Biglang napigil ko ang aking hininga nag sobrang lapit na niya at may i turo sa gilid ko.
Pero nagulat ako nang maramdaman ko ang pisngi niya sa mukha ko. Napa pikit na lang ako at naamoy ang presko niyan pabango akala ko kung ano na iyon pala inayos niya lang ang seatbelt ko. Muntik ko nang batukan ang sarili ko at nag pigil humagalpak nang tawa. Napaka assuming sabi ko na lang sa loob loob ko.
Sinaway ko ang malanding isip ko habang inumpisahan nang i start ni Dexter ang sasakyan. Tumingin na lang ako sa bintana nang makita kong napangiti si Dexter habang minamaneho palayo sa bahay namin ang kaniyang sasakyan.
May 30 minutos rin ang ilalakbay namin bago makarating sa eskuwelahan, kaya parang nakaka ilang ang katahimikan sa aming dalawa lalo na nang maipit kami sa trapiko.
" Sa totoo lang Trina nahihiya ako sa iyo kahapon, gusto sana kitang tawagan sa telepono ang kaso nakalimutan kong itanong ang numero mo." Nagulat na lang ako nang mag salita siya. Hindi ako komportable pero pinilit kong kumilos nang normal.
"Ano? Bakit naman? Wala iyon nangyari na at ayos lang naman ako." Tipid kong sagot at ngumiti sa kanya.
" Baka kasi ma wirdohan ka sa akin pag sinabi ko sa iyo na matagal na kitang ino obserbahan mga 3 taon na ang nakakalipas. Hindi mo lang matandaan pero nagkita na tayo at hindi ina asahan ang pagkikita natin," Paliwanag nito at napa isip naman ako. Wala ako matandaan na nagkita o nagka usap kami.
Kahit minsan wala ako matandaan na may naka salamuha na lalaki maliban na lang doon sa lalaking naka bungguan ko sa flower shop na may bitbit na malaking bungkos nang bulaklak at nakalas kalas ang mga petals nito nang mapahiga ako mismo sa ibabaw nito.
Napatakip ako nang bibig nang maalala iyon. Nakakahiya at hindi man lang ako nakahingi nang pasensiya. Pinalakas ko ang loob ko at pilit na siniguro kung siya ba iyon.
" I i ikaw? Ikaw ba iyon sa flower shop? " Utal utal kong tanong sa kanya. Napa takip na lang ako nang mukha nang maalala iyon.
" Akala ko hindi mo na matatandaaan. Blessing in disguise iyon sa akin. Hindi ko masasabing bad luck kasi dahil doon nag break kami nang girlfriend ko for 3 years. Nang araw na iyon dahil nahuli ako nang dating sa tagpuan namin at ang dala dala ko na bungkos nang bulaklak ay nagka gutay gutay." Natatawang paliwanag niya.
Bigla naman akong nakunsensiya pero nawala bigla nang makita kong wala man lang bakas nang pagsi sisi si Dexter sa kuwento niya sa nakaraan.
" Bakit mukhang nasisiyahan ka pa at nag break kayo nang girlfriend mo? Ang tagal niyo na rin pero dahil doon o dahil sa akin nag break kayo? Kung gusto mo iharap mo siya sa akin ngayon at ako ang magpapaliwanag na aksidente lang ang lahat kaya nahuli ka sa inyong tagpuan." Dire diretso kong paliwanag baka may pag asa pa, hindi ko alam na sa sobrang pagka clumsy ko nang araw na iyo dahil may sorpresa kami nang kaibigan kong lalaki sa nililigawan nito at ako ang nautusan mag pa reserve nang paborito nitong bulaklak para sa sorpresa na i de deliver na lang sa school noong nililigawan niya.
Tuwang tuwa ang kaibigan ko dahil talagang na sorpresa ang nililigawan niya at nang alokin maging kasintahan sa maraming tao ay sinagot naman ito at ngayon nga ay mag ta tatlong taon na silang magkasintahan.
" Hindi mo kailangan gawin iyon Trina, laking pasalamat ko at nahuli ako nang dating sa tagpuan namin dahil nakita ko ang tunay niyang ugali. Hindi siya karapat dapat na maging kasintahan dahil masama ang ugali niya na saksihan mismo nang dalawang mata ko kung paano niya binuhusan nang tubig ang waiter sa restaurant na tagpuan namin" Sabi nito.
" Napaka sama naman pala nang babaeng iyon pero mahal mo at tatlong taon rin kayo di ba? Bakit hindi mo nakita ang tunay niyang ugali? " pang u usisa ko wala na akong hiya hiya tutal hiwalay na sila.
" Doon rin ako nagtataka kasi pag kami lang napaka bait at hinhin niya halos hindi kumikibo at mahiyain at hindi man lang kami naka abot sa mahalikan ko siya sa labi puro sa pisngi at hawak kamay. Hindi ko rin siya makitang magalit at mag mura." Pag ku kuwento nito.
" Pero nang araw na iyon ibang iba ang kilos niya, sumisigaw siya at puro mura ang maririnig ko, kaya imbes na lapitan siya at pigilan ay hinayaan ko siya at hindi na nagpakita sa kanya kahit kailan." Sabi nito na natatawa pa habang umiiling.
"Ayy maling mali ka naman doon Dexter sana naman nagkaroon kayo nang pormal na paghihiwalay para hindi naman nagtaka ang ex girlfriend mo kung bakit bigla mo siyang pinag taguan?" Tanong ko.
"Balak ko naman talaga siyang kausapin noon nag palipas lang ako nang ilang araw. Kaso nagulat na lang ako nang isang araw ay makita ko sila nang ka team mate ko sa basketball na naghahalikan mismo sa bleachers nang court, tsk tsk." Iling iling na lang ito.
" Ohh, wala akong masabi." Pagka sabi ko noon ay natahimik ako.
Nakarating na kami sa school nang tahimik pa rin kami at si Dexter ay biglang nag seryoso.
ITUTULOY

BINABASA MO ANG
If Only I Could Turn Back Time [ ONGOING ] SLOW UPDATE
FantasyThey say that life begins at 40. Si Trina Diaz ay isang old maid sa edad na 40 hindi man lang nakaranas mag ka boyfriend, magmahal at mahalin. Paano kaya kung ang kaisa isahang pinamana sa kanya ng kanyang lola isang pocket watch ay ang magpapa bago...