Dalawa

9 5 0
                                    

Jisoo's Pov

"Hoy sandali!"

Binilisan ko ang lakad ko ng marinig kong muli ang boses nya. Simula ng magkita kami kanina ay hindi na nya ako tinigilan na para bang anino ko na kanina pa sunod ng sunod. Ito ang isa sa pinaka-iniiwasan kong mangyari, ang makakita ng kagaya nya na iisa lamang ang tanging pakay, ang tulungan sila.

Yan lagi ang hinihingi ng multong nakikita ko. Kadalasan ay hindi nila ako tinitigilan hangga't hindi ko sila napag-bibigyan sa gusto nila. Kaya naman, nangako na ko sa sarili kong hinding-hindi na ko tutulong sa katulad nila dahil na rin sa ayokong mapahamak ang sarili ko.

"Sandali lang sabi! Gusto kitang ma-kausap!" sigaw nya muli pero hindi ko pa rin sya nililingon.

Ang kaninang lakad ko'y naging takbo upang mabilis akong makarating sa aming room. Kailangan ko ng makabalik dahil simula na rin ng klase at panigurado'y mapapagalitan ako. Hindi naman dapat ako mahuhuli sa klase kung hindi nangyari iyon kanina.

"Gusto kitang tulungan!"

Napahinto ako sa pagtakbo ng marinig ko ang sinabi nya. Hindi ko alam kung mali ba ko ng rinig dahil ito ang unang beses na naka-rinig ako sa isang kagaya nya na gusto akong tulungan. Madalas na ako ang gumagawa nun sa kagaya nya pero baliktad ata ata ngayon.

Teka.

Anong ibig nyang sabihin?

Lilingon sana ako pero nangamba ako na marahil ay niloloko nya lang ako. Imposible kasi ang sinabi nya at pano naman nya gagawin yun? Anong tulong ang sinasabi nya?

"Ms. Kim? What are you doing here?"

Nanlaki ang mata ko ng biglang lumabas si ma'am Park galing sa room habang seryosong naka-tingin sakin. May hawak itong white board marker na hudyat na nagka-klase na sya ng makit nya ako.

"S-sorry ma'am. N-nag cr l-lang po" nauutal kong sabi habang naka-yuko.

"Cr? The first class just started then you're telling me you went to cr? Why didn't you go to cr before class?" tanong nya muli.

Halata sa boses nya na naiinis sya sakin.

Hindi na ko naka-sagot dahil kahit ano namang sabihin ko ay hindi sya naniniwala. Halos lahat ng teacher ko ay naging ganto ang turing sakin simula ng mangyari ang insidenteng hindi ko naman ginawa.

Kelan ba matatapos to?

Alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan.

"See? Next time to come up a reason, make sure it's believable okay? Stay here until end of the period" sabi ni ma'am at umalis sa harap ko. Nagsimula na ulit syang magturo sa aming klase habang ako, nasa labas.

Napatingin ako sa loob ng room at halos nasa akin ang atensyon ng mga kaklase ko habang pinag-tatawanan ako. Umiwas na lamang ako ng tingin at pumunta sa tabi ng room para maupo.

Napa-buntong hininga ako at napatingin sa kalangitan. Lagi kong pina-panalangin na matapos na ang lahat at maging inosente ako sa pangin ng lahat dahil yun naman ang totoo. Kung may tao lang na makakatulong sakin para mapa-tunayan na wala akong kasalanan ay hahanapin ko saan mang lupalop ng mundo.

Ngunit wala.

Wala kahit isa.

"Bingi ka ba? Kanina pa kita tinatawag ah!"

Napa-tingin ako sa aking kaliwa at nagulat ako ng makita ko na naman ang multong ayaw akong tigilan. Naka-upo ito sa gilid ko habang naka-simangot na marahil resulta ng hindi ko pagpansin sa kanya.

Mabilis akong umiwas ng tingin dahil hindi ko pwedeng ipakita na talagang nakikita ko sya. Hangga't maaari ay iwasan ko sya para tigilan na nya rin ako. Ayoko ng dumagdag sa kalbaryo ako ang katulad nya.

"Alam kong nakikita mo ko kaya wag ka ng mag-panggap. Nang mag-tama pa lang tayo ng mata kanina, alam kong nakakakita ng kagaya ko"

Hindi ko sya pinansin at nagbingi-bingihan ako. Tinuloy ko lang akong pagtitig sa magandang kalangitan.

"Snobber. Mukhang wala ka talagang balak pansinin ako no? Wala na naman akong kailangan sayo kung yan ang iniisip mo"

Sinungaling. Alam kong may kailangan ka sakin kaya ayaw mo kong tigilan. Hindi mo naman ako susundan dahil trip mo lang. Di na gagana sakin ang mga ganyang palusot.

"Sinasabi na nga ba. Linawin ko lang, hindi ko kailangan ang tulong mo. Sa totoo lang, ikaw ang may kailangan sakin kaya kung ako sayo, tigilan mo na yang pag-papanggap mo"

Na-ikuyom ko ang aking kanang kamao na naka-lagay sa ilalim ng aking palda. Naiinis na ako kanya dahil sa kadaldalan at kakulitan nya.

Kelan ba aalis ang isang to?!

Lubayan mo na ko please lang...

"Gusto mo bang malaman bakit kita sinusundan?"

Hindi.

Wala akong panahon para sa walang kwentang bagay ka please lang, umalis ka na.

"Tutulungan kitang mahinto ang kalbaryong nararanasan mo ngayon"

Napa-kunot ang aking noo ng marinig ko ang sinabi nya. Hindi na maganda ang kutob ko at naguguluhan na ko sa kanya. Hindi ko alam kung pinag t-tripan nya lang ba ako o totoo talaga ang sinasabi nya.

Nagulat ako ng bigla syang lumipat sa harap ko dahilan para manlaki ang mata ko. Bumungad sakin ang seryoso nyang mukha habang mariin na naka-titig sakin.

A-ano bang problema ng isang to?!

"Tignan mo, nakikita mo namna talaga ako. Bakit kailangan pang mag-panggap?"

Napa-lunok ako at napa-hawak ng mahigpit sa aking palda. Ramdam ko rin ang pawis sa noo ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Tatanungin kita, oo at hindi lang ang sagot. Gusto mo bang tulungan kita?"

Hindi ko na alam ang gagawin ko at para akong napipi. Wala akong ma-isagot dahil na rin sa halo halo ang nararamdaman ko.

Tulungan ako?

Pero paano-

*Plok*

"Ah!"

Napa-tigil ako sa pagsasalita ng biglang may sumipa sakin ng bahagya. Napa-angat ako ng tingin ng makita ko si Jennie na naka-ngiti ng nakakaloko.

"Opps, sorry. I didn't know that there's a trash in here. My bad" maarte at natatawa nyang sabi bago umalis.

Napa-kagat ako sa aking labi at na-ikuyom ang aking kamao. Isa sya sa pinaka-nagpapahirap at may malaking galit sakin.

Hindi ko sya masisisi.

Nawalan sya ng kaibigan.

Pero hindi ako ang may sala.

Alam nya yun at ng iba nya pang kaibigan dahil nandun sila ng mangayari ang aksidente yun.

"Kaibigan sya ni Rose diba?"

Walang ano-ano'y napa-lingon ako sa multong nasa harap ko ng marinig ko ang sinabi nya. Naka-tingin sya kay Jennie na naglalakad di kalayuan.

"T-teka p-pano mo n-nalaman?" gulat kong tanong sa kanya dahilan para tumingin sya sakin.

Ngumiti sya sakin ng nakakaloko at dahan dahan na inilapit ang mukha nya sakin na ikinagulat ko. Agad kong ini-layo ang aking mukha pero hindi sya huminto hanggang sa ilang inches na lamang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

"Kagaya ng sinabi ko sayo kanina, tutulungan kita. Ano, payag ka?"

~~~~~

Make Me Innocent /JiminXJisoo ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon