Jisoo's Pov
"Totoo bang nakita mo talaga yung nangyari?" tanong ko kasabay ng duyan ko sa aking inuupuan.
Nandito kami ngayon sa park na malapit sa school. Wala gaanong tao nakatambay dito dahil na rin sa kalumaan nito at napabayaan na ng may-ari nito. Dito kagad kami dumiretso ng matapos ng aking klase at dito namin napag-pasyan na mag-usap tungkol sa sinasabi nya sakin kanina.
Gusto kong malaman kung totoo ang sinasabi nya.
"Ayaw mo talagang maniwala? Ilang beses ko ng sinabi na nandun ako nung nangyari yun. Nagkaroon kayo ng pagtatalo ni Rose diba?" tanong nya habang pinag-lalaruan ang maliit na bato na nakuha nya dito sa park.
Napataas ang aking dalawang kilay dahil tama ang sinabi nya. Nagkaroon kami ng pagtatalo dahil sa boyfriend nyang si Jin na dahilan para mangyari ang hindi namin inaasahan.
Nagsasabi nga sya ng totoo.
"Naniniwala ka na ba? Hindi kita niloloko dahil wala akong panahon para don" sabi nya habang patuloy na pinaglalaruan ang bato sa kanyang kamay.
Nakaupo sya sa damuhan habang ako ay naka-upo sa swing.
"Alam mo lahat lahat? Simula ng makarating kami sa rooftop hanggang sa mahulog si Rose?" tanong ko.
Lumingon sya sakin at nginitian ako. "Mismo. Kaya alam kong wala kang kasalanan dahil nakita ko ang buong pangyayari" sagot nya.
Napa-buntong hininga ako at napatingin sa ibaba. Sa wakas ay may magpapatunay na wala akong kasalanan dahil yun naman ang totoo. Itinuro lamang ako ng kaibigan ni Rose para ibaling ang lahat ng sisi at parusa sa akin kahit hindi ako ang may kalasanan.
Pinilit nila akong papuntahin at kausapin sa rooftop dahil ang sabi nila ay may importante silang sasabihin. Ang hindi ko alam, kokomprontahin nila ako at mauuwi sa pisikalan ang lahat.
Hindi na dapat ako pumunta sa rooftop ng araw na yun.
"Hindi ko alam kung paano ko mapapatunayan na wala akong sala" mahina kong sabi.
Kahit na may isa akong testigo na alam ang buong pangyayari, hindi nya kayang ipag-tanggol ako.
Isa lamang syang multo na tanging ako lang ang nakakakita at nakakarinig.
Paano na ito?
"Wag kang mag-alala. Tutulungan kita ang gagawa tayo ng paraan para mapatunayang wala kang kasalanan. Ako ang bahala" sabi nya na nagpa-kunot ng noo ko.
"Pero paano? Isa ka lamang multo-"
"Aish! Pwede ba wag mo kong tawagin na multo? Masakit sa damdamin yon. Alam ko naman na kaya wag mo ng ipa-mukha pwede?" sabi nya habang naka-simangot.
"May pakiramdam ka pa?" takang tanong ko at nagulat ako ng bigla syang tumayo at sinamaan ako ng tingin.
Kung ibang tao ang nakakakita ng itsura nya ngayon ay siguradong matatakot at tatakbo na pero ako ay sanay na dahil ilang beses na akong naka-kita ng tulad nya.
" Nang-aasar ka ba? Gusto mo bang hindi kita tulungan?" inis nyang sabi.
Natawa naman ako sa reaksyon nya. "Binibiro ka lang eh. Sorry" paumanhin ko.
"Tsk. Hindi ka nakakatuwang mag-biro" sabi nya at ngumuso. Natawa na lamang ako sa reaksyon nya.
"Ano nga pa lang pangalan mo?" tanong ko nagpa-lingon sa kanya.
"Secret" sagot nya.
"Ah secret, ilang taon ka na-"
"Aish! Jimin! Yun ang pangalan ko" sagot nya at naglaro muli ng bato na hawak nya.
Sasabihin din pala ang dami pang pasikot sikot eh.
"Jimin, bakit ka nga pala pagala gala sa school? Tsaka paano ka nawala ng maaga?" tanong ko na nagpa-lingon sa kanya.
Ilang segundo ang lumipas bago sya sumagot. "Ayoko ng ikwento ng buo ang nangyari sa buhay ko pero ito lang ang masasabi ko. Katulad mo rin ako, napag-bintangan. Pero ma-swerte ka dahil buhay ka pa" sagot nya at tumayo sabay pagpag ng kanyang pants na dumihan mula sa pagkakaupo sa damuhan.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong nya. Napa-tingin ako sa aking relo at nagulat ako dahil 7:30 pm na.
7:00 pm tapos ng aking klase at malamang ay hinahanap na ako ni nanay.
Tatayo pa lang ako ng biglang mag-ring ang cp ko. Gaya ng sinabi ko, hinahanap na ako ni nanay at ngayon ay tumatawag na sya.
"Uuwi na ko. Paalam, Jimin. Bukas na lang ulit." sabi ko at tumayo sabay suot ng aking bag.
"Paalam na rin. Bukas magkita tayo pagtapos ng klase mo. Simulan na nating ibalik ang dati mong buhay. Mag-ingat ka" sabi nya at naglaho na lamang bigla.
Sinagot ako ang tawag ni nanay at dumiretso na ng uwi.
~~~~~
"Bakit ang tagal mo? Saan ka galing aber?" tanong ni nanay at naka-pamewang ng salubungin ako.
"Nagpa-hangin lamang sa park nay. Nakaka-stress po kasi sa school dahil ang daming pinapagawa" sagot ko at hinubad ang aking bag. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.
Naramdaman kong sumunod si nanay at nakita kong tumabi sya sakin. Inubos ko ang isang basong tubig at lumingon kay nanay.
"May problema ba anak? Sabihin mo lang kung meron ha? Andito lang si nanay para tulungan ka" sabi ni mama at napangiti na lamang ako. Niyakap ko sya ng mahigpit at napa-pikit.
"Wala po nay. Malalagpasan ko po rin ito at darating din ang araw na lalabas din ang katotohanan. Wag po kayong mag-alala sa akin." sagot ko.
Hinaplos ni nanay ang likod ko pati na rin ang aking buhok.
"Oo anak. Alam kong wala kang kasalanan dahil kilala kita. Napaka-bait mong tao kaya hindi mo magagawa yun. Mahal na mahal kita anak." sabi ni nanay na nagpa-iyak sa akin.
Napaka-swerte ko sa nanay ko. Lahat ay ginagawa nya para sa akin at laging pinaparamdam na mahal na mahal nya ako. Ang sarap lang sa feeling.
Ilang mins pa ang nag-tagal bago kami kumalas sa yakap.
"Magbihis na at ng maka-kain na. Sge na" sabi ni nanay at tumango ako bilang pag-sagot.
Umakyat ako sa aking kwarto at nag-palit ng damit. Naka-suot ako ngayon ng pajama at sando dahil matutulog na rin ako maya-maya.
Baba na sana ako ng biglang mag vibrate ang cp ko. Kinuha ko ito para tinignan at nagulat na lamang ako ng makita ko ang taong nag-message sakin.
From Jin:
Magkita tayo please? May sasabihin ako. Bukas pagtapos ng klase mo, antayin kita sa labas ng school.
Si Jin.
Ang boyfriend ni Rose.
~~~~~
BINABASA MO ANG
Make Me Innocent /JiminXJisoo ff
FanfictionA girl named Jisoo is acussed of killing her classmate but eventually denied and ignored all the accusations they throw at her. No one believes her except herself and she needs someone who will help her to prove her innocence. Luckily, there was thi...