Lima

6 1 0
                                    

Jisoo's Pov

"Pa!" tawag ni Jin sa isang lalaking may edad na hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.

Lumingon ito samin pero agad ding inalis ang tingin at itinuon ang atensyon sa kanyang ginagawa. Hindi man lang ito ngumiti o kumaway samin at parang hindi sya natuwa ng makita ang anak nya.

Nakakapag-taka dahil hindi normal na reaksyon ng isang magulang

Bakit ganun?

Hindi ba sila close?

"Tara, dun tayo" sabi ni Jin at halata sa mukha ang kanyang lungkot. Tumango na lamang at sumunod sa kanya.

Hindi kalakihan ang restaurant nila pero maganda ang ambiance at nag-kalat ang mga poster ng iba't ibang celebrities and kpop artist na magandang marketing strategy dahil sa panahon ngayon, nahihilig ang mga tao lalo na ang kabataan sa korean drama at kpop group. Kagaya ko, kaya natuwa ako ng makarating kami.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Jin pag-upo namin.

"Ah... kahit ramen lang okay na ko" sagot ko.

"Hindi pwede. Dinala kita rito pala bumawi sa pag-hihintay mo sakin kanina kaya wag kang mahiya mag-sabi sakin. O ako na lang mag s-suggest ng kakainin natin" sabi nya at tumawag ng waiter.

"Yes po, sir?" sabi ng waiter na naka-suot ng hanbok.

Ang cute nya!

Gusto ko rin maka-suot ng hanbok pero wala akong pang-bili o nahihiraman.

"Jajangmyeon, dumplings, ramyeon and patbingsu for the two us" sabi nya at ikinagulat ko.

Wait, hindi ko kayang ubusin yun!

"Ah teka, ang dami ata—"

"Mas okay ng marami at masamang tumanggi sa pagkain" sabi nya.

Hindi na lamang ako naka-sagot at hinayaan sya sa gusto nyang gawin. Hindi ako malakas kumain pero pipilitin kong maubos ang mga pagkain na ihahain.

Magka-harap ang pwesto namin habang si Jimin naman ay nasa kabilang table. Pinag-mamasdan at binabantayan kami, i mean, si Jin sa mga maaaring nyang gawin pero sa tingin ko naman ay mapagkaka-tiwalaan sya.

"Kamusta ka pala?" tanong nya.

Hindi ako agad naka-sagot dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoong nangyayari sakin. At tsaka, hindi naman nya ako matutulungan dahil nasa ibang eskwelahan sya.

"Okay naman. Nakaka-yanan ko at patuloy na lumalaban" sagot ko.

Biglang dumating yung server at nag-dala ng ice tea para sa aming dalawa. Nagpa-salamat naman kami ng makq-alis sya.

"Yung totoo? Mag-sabi ka lang sakin kapag may kailangan ka dahil tutulungan kita" sabi nya at nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko naka-patong sa lamesa.

Aalisin ko sana ang kamay ko ng biglang...

"Ow sh*t!" singhal ni Jin ng matapon ang ice tea na naka-serve sa lamesa at natapunan ang kanyang pants.

Hindi ko alam kung bakit ito natumba ng walang sumasagi o nakaka-galaw man lang pero bigla itong natumba.

"Tss. Dapat lang yan sayo"

Napa-lingon ako kay Jimin ng bigla syang mag-salita.

Teka, sya ba yung...

Tinaas nya ang dalawa nyang kilay at ngumisi sa akin na parang nabasa nya ang nasa utak ko.

Teka, bakit nya yun ginawa!

"Geez... Mabuti na lamang at hindi marami ang natapon" sabi nya at halata sa boses nya ang inis. "Ah sorry nga pala... gusto ko lang iparamdam na nandito lang ako. Wag ka sanang magalit." sabi nya.

Make Me Innocent /JiminXJisoo ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon