Jisoo's Pov
"Argh!" singhal ko at sinipa ang bato na nasa tapat ko.
Sobrang naiinis ako at gusto ko na lamang manapak ng kahit ano para lamang malabas ko ang inis na nararamdaman dahil sa pairings na ginawa kanina.
Kinausap ko si Jungkook kung pwede bang kausapin nya si ma'am o makipag-palit na lamang sya ng partner at wag lang ako pero hindi sya pumayag.
Binantaan nya pa ko na isusumbong nya ko kapag nakipag-palit ako ng partner kaya eto, wala akong nagawa kundi ang pumayag na lamang pero nangangamba ako sa pwedeng gawin ni Jennie sakin.
Lalo lamang lumala ang sitwasyon dahil alam naman ng lahat na may gusto si Jennie kay Jungkook at sa minalas-malas, ako pa na kaaway nya ang naging partner ng gusto nya.
Ang saklap.
Ihahanda ko na lamang ang sarili ko sa maaring mangyari.
"Ano bang problema? May nangyari bang hindi maganda? May nanakit ba sayo?" tanong ni Jimin habang naka-upo sa damuhan.
Nandito kami sa playground ngayon na madalas na naming tambayan.
"Wala namang nanakit sakin. Naiinis lang ako dahil sa pairings namin kanina. Partner ko kasi yung kaklase ko na gusto ni Jennie." sabi ko at napa-buntong hininga na lamang.
Kasalanan to ni Jungkook.
Gusto ko syang sakalin sa sobrang inis.
Bakit kasi ako pa ang pinili nyang makalaban sa dinami-dami namin sa room.
Nakaka-gigil talaga.
"Natatakot ka na baka saktan ka nya dahil dun?" tanong ni Jimin.
Napa-tango ako. "Alam mo naman na malaki ang galit nya sakin dahil sa nangyari kay Rose kaya kinakabahan ako sa maari nyang gawin sakin." naka-yuko kong sabi.
Ayoko dumating sa point na ikaka-pahamak ko ang gagawin nila sakin kaya hangga't maaari ay lumabas na ang katotohanan.
"Sinabi ko naman sayo, hindi kita papabayaan kaya wag kang matakot. Mamuhay ka ng normal katulad nila at gawin ang mga bagay na mag-papasaya sayo." sabi ni Jimin na nagpa-ngiti sakin.
Minsan pinapanalangin ko na lang na sana, normal ding namumuhay si Jimin at mas maaga ko sana sya nakilala kung kelan buhay pa sya.
Kailangan ko ang kaibigan na katulad nya.
"Jimin, pwede mag-tanong?" sabi ko at tumango naman sya.
"Anong nangyari sayo?" tanong ko.
Bahagyanh nagulat sya at hindi sya naka-sagot.
Teka, may mali ba ko sinabi ko?
Pero...
Aish dapat talaga hindi ko na lang tinanong.
"Sasabihin ko sayo ang dahilan pero hindi muna ngayon. Pasensya na" sabi nya at napa-iwas ng tingin.
"Hindi ka dapat humingi ng sorry. Pasensya na rin dahil padalos-dalos ako" paumanhin ko.
"Okay lang. Sasabihin ko sayo sa tamang panahon" sabi nya at tumango na lamang ako.
"Nga pala, pag-usapan na natin ang plano" sabi ni Jimin.
"Paano natin sisimulan?" tanong ko.
"Sa totoo lang, alam ko na talaga kung paano kita tutulungan." sabi nya na ikina-gulat ko.
T-totoo ba ang sinasabi ni Jimin?!
Paano?!
"Talaga?! Paano natin gagawin?! Saan tayo magsisimula?! Sinong lalapitan natin?!" sunod-sunod kong tanong.
BINABASA MO ANG
Make Me Innocent /JiminXJisoo ff
FanfictionA girl named Jisoo is acussed of killing her classmate but eventually denied and ignored all the accusations they throw at her. No one believes her except herself and she needs someone who will help her to prove her innocence. Luckily, there was thi...