CHAPTER 9

3.7K 83 3
                                    

"Expectation is the root of heartaches." - W.S

NAGISING ako sa hindi masyadong pamilyar na kuwarto. Kinapa ko ang sumasakit na ulo ko at dahan-dahang umupo sa tinulugan ko.

Inaalala ko ang nangyari at napaawang naman ang aking bibig. Nawalan ako ng malay! Agad akong nakaramdam ng gutom at pagkauhaw sa akong kalamnan

Dali-dali kong nilibot ang paningin sa kuwarto na iyon at nasa hospital ako!

Sino ang nagdala sa'kin dito?

Napatingin ako sa kabilang side ng kama ng maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko.

Napaawang ang labi ko ng magproseso sa isip ko ang buong nangyari... siya 'yung sumalo sa'kin noong muntik na akong mabuwal!

"Joshua..." mahinang anas ko.

Tiningnan ko ang buong mukha nito. Parang may humaplos sa puso ko na kahit tulog ito ay nakangiti. Masaya?

Sinaulo ko ang mukha ng binatang bumihag ng isip ko dalawang buwan na ang nakakalipas.

Not gonna deny it that.. he's handsome!

Shut up, Jonah! May boyfriend ka. Anas pa ng isip ko ngunit hindi ko pinakinggan iyon.

Tiningnan ko lang ang mukha nito, ilang minuto pa ay hahawakan kona sana ang mukha nito ng gumalaw ito, hudyat na gigising na.

Kaya, dali-dali kong kinuha ang kamay ko at na hinahawakan niya at umusod medyo malayo sa kanya at tumingin sa malayo.

Naramdaman kong nag-angat ito ng ulo kaya ngunit hindi ko pa rin siya tinitingnan.

"J-Jonah! Gising kana! Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Nagugutom kaba?" Bigla akong napatingin sa kanya ng sambitin niyang nagugutom ako.

Dali-dali akong napatango, "oo. Nagugutom ako."

"May binili ako para sa'yo," nakangiting saad nito at agad na tumayo at lumapit sa table kung nasaan ang mga pagkain.

"Here..." abot nito sa'kin ng pagkain. Kinuha ko agad iyon dahilan para mapatawa siya.

"You're so cute..." anas nito. Hindi nalang ako nagsalita at nilagay sa pagkain ang atensyon ko.

"Hindi kaba kumain kanina?" May pag-aalala sa boses nito.

Umiling naman ako. "Hindi." Simpleng anas ko at sa pagkain na ulit ang atensyon.

"Why do you need to be so pretty while eating? I want to kiss you.. badly..." anas pa nito dahilan para muntik na akong mabilaukan.

Ano bang pinagsasabi nito?

"I'm sorry." He apologized. "Are you okay?" He asked, worried.

"Yes." Simpleng saad ko.

Hindi na ito nagsalita kaya naman tinuon ko nalang ang buong atensyon ko sa pagkain, nang matapos kong kainin iyon napaisip ako.

Why do I feel easy at him? Hindi ako naa-akwardan sa sitwasyon namin. Dahil siguro sa tinulungan niya ako.

"Want some water?" Nakangiting anas nito. Tumango naman ako.

"Thank you," nakangiting saad ko ng abutan ako nito ng tubig.

Nang matapos kong inumin ang tubig na iyon ay ibibigay kona sana sa lalaking nasa kanan ko ng makita kong nakatulala ito.

"Pakilagay dun, please..." paki-usap ko kahit nagtataka. Dali-dali namang kinuha iyon ng binata at agad na tumingin ulit sa'kin.

Kunot-noo ko namang tiningnan ito sa mata. "May... problema ba?" Tanong ko.

HIS SECRET (COMPLETED)Where stories live. Discover now