CHAPTER 11

3.6K 68 2
                                    

"ANO kabang bata ka?! What have you done? Are you out of your mind?!" Napayuko ako nang biglang galit na nagsalita si Mommy.

Hindi ako makapagsalita. Para akong napipi sa aking kinauupuan.

"Jonah.. hindi ka namin pinalaki na sinungaling! Did you see his pain?! Ha?! Nakukuha niya pa 'ring ngumiti kahit nasasaktan na siya!" Galit na sigaw ni Mommy. Mas lalo akong napayuko. "Sana hindi ka nalang nagsinungaling, sana... sinabi mo nalang ang totoo! Hindi kita pinalaking sinungaling... hindi ako.. kami nagkulang, Jonah!" Dagdag pa nito.

Pigil ang luhang inangat ko ang ulo ko at tumingin kay Mommy na galit. "Mom..." nasaad ko nalang.

"I'm leaving! Kay bait na bata ni Joshua, pinaasa mo.. hay," anas nito at tumalikod na.

Unting-unting tumulo ang luha sa mata ko. "M-Mommy..." nasabi ko. Hindi ako makapagsalita ng iba, tila'y naputol ng aking dila.

Huminto ito ngunit nakatalikod. "Jonah... ang bait na bata ni Joshua, wala siyang kasalanan sa'yo.. nakita moba kung gaano siya kasaya kanina na buntis ka at akala niya ay siya ang ama?" Garalgal ang boses ni mommy. "He's happy... but you ruined it by telling him lies. Sana hindi mo nalang siya pinaasa.. sana sinabi mo nalang ang totoong si Jomarie ang ama niyang anak mo."

"Mom..."

"Aalis na kami, mag-iingat ka nalang. Tayo na, honey..." anas ni Mommy at walang sabing tumalikod at diretso ang lakad sa labas ng kwarto.

Naiwan ako, si Jomarie at Daddy na nakatingin sa pintuang nilabasan ni mommy.

"Daddy..." tawag ko rito.

"Mmm.. pagpasensyahan muna ang mommy mo, hindi 'yun galit. Nagtatampo lang 'yun, we'll get going, princess. Take care... hijo, alis na kami." anas ni Daddy kay Jomarie at hinalikan ako sa noo.

Nag-usap pa kami nang ilang segundo bago nagpaalam si Daddy sa'kin at tumalikod na ito at dumiretso sa pintuang nilabasan ni mommy.

"Baby... mawawala rin 'yang tampo nang Mommy mo. All she need is time, hindi 'yun makakatiis... lalo't pa't magkakaanak na tayo!" Pagpapagaan ni Jomarie sa kanuang loob.

Napatungo naman ako. Inangat ni Jomarie ang mukha ko gamit ang dalawang kamay nito.

"Jonah Leviticus... mahal na mahal kita, huwag kana mag-isip.. makakasama sa baby na'tin." Anas pa nito at hinalikan ako sa noo.

"We will leave together... three of us," asik ni Jomarie at napatungo naman ako.

"Jonah... ako ang ama ng batang iyan, naiintindihan mo?" Malambing ngunit may diin na anas nito, hindi ako nakapagsalita.

"Jonah.." diin nitong saad kaya agad akong napatango.

What can I do?

"Good. You... me, and the baby.. we'll be a happy family, together..." anas pa nito at ako naman ay tango lang ang naisagot.










LOVRIN POV'S

"ADOLPH.. ano ba?! Tutunganga ka nalang diyan?! Tatlong araw na simula nang hindi kumakain si Joshua! Ano ba ang gagawin niya?! Magpapakamatay?!" Inis na singhal ko kay Adolph.

Nandito kami ngayon sa sala nakaupo, nasa bahay kami ngayon ni Joshua dahil ilang araw na hindi itong lumabas sa bahay. Nasa kwarto pa 'rin ito. Hindi mapakain at hindi rin umiinom ng tubig. Nag-aalala at naiinis na ako sa binata!

"Darling... hindi ko rin alam," halatang frustrated na saad ni Adolph.

Parehas kaming nag-aalala sa lagay ni Joshua. Hindi mapilit ang binata kahit na anong gawin namin. Nakakasugat sa lalamunan ang pag sigaw niya rito pero hindi pa rin ito bumabangon. Parang tulog ito at iyon ang nakakainis!

HIS SECRET (COMPLETED)Where stories live. Discover now