CHAPTER 26

2.4K 36 1
                                    

I don't wanna hurt Joshua, but I need to para bumalik pagmamahal ang mang-aagaw diyan. 😒


****

PAGOD NA inimulat ko ang dalawa kong mata at walang ganang tumayo sa kama.

Sana nandito siya. Para kahit pagod ako, lalakas ako.

Agad akong dumiretso sa banyo para maligo, ilang minuto ang ginugol ko sa banyo.

Lumabas na ako nang matapos kong gamitin ang banyo. Pumuntang closet at nagsuot ng damit. Nang masoot kona ang damit ay tamad akong lumabas sa kuwarto at pumunta sa unang palapag ng bahay at dumiretso sa kusina dahil nakaramdam ako ng gutom.

I stopped when i smell something familliar. That perfume.

"Ang dami niyang naiwan dito sa bahay, ah.." usal ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Akmang malapit na ako sa kusina nang huminto ulit ako, dahil ang amoy na iyon. Pabango na nang pabango.

'Wag kang umasa, Joshua.

Walang ganang naglakad ako ulit at paulit-ulit na tinatak ko sa isip ko na imposibleng nandito siya.. hindi na 'yun pwede dahil nandito na si Jomarie.

Alam kong nandito si Lovrin at Adolph sa bahay dahil sila ang naging karamay ko kagabi. Ang naging balikat ko.

Pumasok ako sa kusina at napatigil ako na isang malaking ngiti ang bumungad sa akin na kinabilis nang tibok ng puso ko.

It couldn't be...

"J-Jonah?" Mahinang usal ko pero nanabik na ito. May sa loob-loob kona umaasa na hindi ito panaginip o namamalikmata.

Agad namang ngumiti ang dalaga. "The one and only!" She happily said na mas lalong kinabilis nang tibok ng puso ko. She is totally real. "Let's eat, Joshua. Lovrin told me that you didn't eat." She calmly said.

Nakalutang ang isip na naglakad ako sa harapan nito at walang sabing hinawakan ang mukha nito. "Are you real?" Mahinang usal ko.

The woman smiled. "I am."

Dahil sa pagkasabik ko ay walang sabing hinalikan ko ito sa labi, mabagal. 'Yung halik na may pagmamahal, hindi ako pinigilan ni Jonah kaya mas lalo kung pinalalim ang halik.

Ito 'yung unang halik ko na hindi pilit. Nagpahalik siya sa akin dahil ako si Joshua at hindi si Jomarie.

My heart is filled with love.

Damn! Is this fucking true? Her lips is fucking tasty and delicious!Naghiwalay lamang ang aming labi nang kapusin kaming dalawa ng hininga. Agad kong idinantay ang noo ko sa noo nang dalaga.

"Are you for real?" Habol hiningang usal ko. "Dahil kung hindi ayaw ko nang magising pa." Mahinang asik ko.

"I am real, Joshua..." seryosong usal nito. "I am fucking real.."

Hindi kona napigilan ang sarili kong yakapin nang mahigpit ang dalaga! Namiss ko siya ng sobra!

"Ahh.. Joshua! I can't breathe! Bitawan mo na ako!" Usal nito.

HIS SECRET (COMPLETED)Where stories live. Discover now