"Samantha!"
I slowly open my eye's. A bit blurry at first. Pero ng masanay na ang mga mata ko, naging malinaw na. Tiningnan ko ang aking orasan na nasa tabi ng kama, mag aalas-ocho na pala. Bumangon na ako. Tapos ginawa ang aking nakasagaraan na gawain.
Nang matapos na akong ma ligo ay kinuha ko yung damit na hinanda ko kagabi pa. Puting long sleeve, na pinartner sa isang skinny jeens. Linugay ko lang ang buhok ko. Basa pa kasi, nag suot nalang ako ng flat shoes.
Nang makontento na ako sa itsura ko. Bumaba na ako at nakita si Mama na nasa lamesa. Tumigil naman siya sa pag-aayos. Ngumiti s'ya ng makita ako. Di ko kayang ngumiti pabalik. Umiwas nalang ako ng tingin. At nag madaling kinuha ang susi ng scooter ko.
"I'm going" sabi ko
"Di kaba kakain?" pagtatanong ni Mama "Sa cafeteria nalang ako kakain, baka ma late ako" Well totoo naman. Mas ma igi na sa school nalang ako kakain.
Hitting two birds in one stone; Makaka iwas ako kay Mama at hindi pa ako ma lalate sa klase. Nakita ko naman s'ya nag madaling pumunta sa kusina at sumigaw ng 'sandali lang'.
Pag balik niya, may dala-dala siyang supot. At isang bote ng tubig
"Oh ayan 'nak, binalot ko nalang. Para makatipid ka" nag-dalawang isip pa ako kung kukunini ko o hindi. Pero napaisip ako na, tama siya makakatipid ako. Kaya yun kinuha ko din sa huli. Nagpaalam na ako sa kanya. At madaling sumakay sa scooter. Mga labing limang minuto siguro bago ako makarating sa school. Sana lang hindi traffic, kung hindi baka ma abutan ako ng bell.
Nang makarating ako sa school. Nakita kong maraming studyanteng sa hall at field. Marami din naka kalat na mga booths and banners. Anong meron?
Tila naman nasagot ka agad ang tanong ko. Nakita ko kasi yung isang tarpulin na naka sabit sa hall, binasa ko yun "Welcome to St. Celestine Grand Fair Day"
Lagot! nakalimutan ko, ngayon pala yung Fair Day. Akala ko next week pa. Tsk! Nahahalata tuloy na di ako nakikinig sa klase. Nag lakad nalang ako, papunta sa cafeteria. Bahala na, kakainin ko muna to'ng pagkain ko. Sana lang di ako makita ni Da---
"Sam!!!!!!!" Tsk! Kung sinuswerta nga naman.
Gusto ko sanang ipagpatuloy nalang ang paglalakad ko at kunwareng wala akong narinig. Pero wala eh, nahawakan na niya yung balikat ko.
"Andito ka lang pala Sam. Hay naku! Kanina pa kita hinahanap. Alam mo bang ma pupudpod na tong CLN kong sapatos sa kakalibot ng St. Celestine para lang makita at hanapin ang nag-iisang Samantha Marquez. Slash ang nagiisang tao na kulang nalang sa ating grupo? Tsk Tara na sa booth natin!" Sabay hila ng kalakas-lakas.
Ang daming sinabi, pwedi naman ishortcut nalang sa "Sam tara na sa booth". Sabagay ano paba ang aasahan ko sa bunganga ni Dana. Kulang nalang ilagay siya sa isang radio show. Eh talo pa niya yung mga nag sasalita doon, sa sobrang dal-dal.
"Hoy! Dana, bitawan muna kamay ko kaya kong mag lakad" sabi ko, ayaw ko kasing may humahawak sa kamay ko.
Hahawakin pagkatapos bibitaw at di sasaluhin. Lintek! humuhugot ng di oras.
"Ay! Sorry naman Sam. Ayaw mo palang may humahawak sa kamay mo. Ang lamig pa naman ng kamay mo. Feel ko tuloy nasa North Pole ako. Hihi Anyways, bilisan muna yung paglalakad mo excited na kasi akong mag bantay sa booth" Masanay na kayo sa kadaldalan niyan. Walang araw na hindi mahahaba ang sinasabi niyang linya. Kahit umiiyak, nalulungkot o natatakot. Minsan nga sarap batukan tapos lagyan ng stapler yang bunga-nga niya. Rat-rat ng rat, di na uubusan ng bala.