47

9 0 1
                                    


3 Years Later

Aray ang sakit ng ulo ko.

Bumangon na ako sa pagkakahiga, pero wrong move. Mas lalong sumakit ang ulo ko! 

Ughh!!

"Tsk! Di naman ako naka inom ha? bat masakit ulo ko?"

Tumayo na ako at naligo. Sakaling mawala tong sakit tsaka sabado ngayon kaya wala akong pasok

Habang naliligo, may napansin ako.

.

.


Teka! Paano ako nagkaroon ng ganito?

Hinawakan ko ang kaliwa kong kamay. Kinuha ko yung sabon. Kinuskoskos ko ng kinuskos.

Shit! Bat ayaw matangal?

Kinuskos ko ulit, nag babakasaakaling mawala pero sh*t wala pa din. Lumabas na ako sa banyo at sinuot ang white v-neck shirt, shorts at ang aking hood.

.


"Saan ka pupunta?" Bungad sa akin ni Mama pagkababa ko palang

"D'yan lang, I'll be back" At lumabas na ng bahay. Tiningnan ko ulit ang kanang kamay ko, sh*t! ano bato?

Pinaandar ko na ang scooter ko at pumunta sa kakilala kong tao makakapagsabi kung ano 'to.

.

.

Nang makarating ako sa Galen Library. Pinarada ko na ka agad ang scooter ko.

"Teka po Ma'am Samantha. Bawal po kayong pumasok" Tumaas naman ang kilay ko. Bakit bawal? Eh dati nga kahit hindi pa bukas tong Library pinapapasok na ako ni Kuya Eeperk. Si Kuya Eeperk yung guard ng library

"Bakit naman?" Nakataas kong kilay na tanong

"Miss Samantha sabado po ngayon, ayaw po ni Sir Dmitri na may pumupunta sa Library ng maaga, diba?" Nakalimutan ko.. Tsk! ano bang meron sa Sabado at mamaya pang 11am ang bukas?

"Aish! Kuya Eeperk, importanteng bagay kasi ang pinunta ko dito" Sabay pa cute. Sa tagal ko ng nagpupunta dito. Kilala ko na si Kuya Eeperk. hahaha at ang kahinaan niya ay mga cute na bagay. Di lang halata. Malaki kasi katawan ni Kuya. Pang bouncer sa club.

"Ano bayan! Samantha naman. Ginagamit mo kahinaan ko" sabi ko sa inyo eh

"Please?" sabay pout. Sana mag work bulong ko

3

2

1

"O sige na nga" Yehey! at hinug ko si Kuya Eeperk

"Basta sabihin mo kay Sir Dmitri di ako ang nagpapasok sayo ha?" Kaya love ko tong si Kuya Eeperk eh.

"Promise!"

"oh siya, pasok na" at pumasok na nga ako

Pumunta kaagad ako sa second floor ng Galen Library dahil dun ang kwarto ni Sir Dmitri. Pero napahinto ako sa tapat ng pinto.

May tao sa loob.


.


.


"Nahanap niyo naba siya?" sigurado akong boses to ni Sir Dmitri.

"I'm sorry Sir Dmitri...." Teka may bisita si Sir? Bago yun ha. Ngayon ko palang nakita na meron bumibisita kay Sir. Ito ba ang rason kung bakit kapag 11 ng sabado pa ang bukas ng library?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hunters: Shaitan HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon