"Hay Salamat!....Tapos na din ang fair week, akalain mo yun na kaya natin ang isang linggong pagtatrabaho sa booth, diba Sam?" Kahit kailan ang ingay talaga ni Dana. Tumango nalang ako bilang sagot.
Last day na kasi ng Fair. At mamayang hapon pa namin malalaman kung kaninong booth ang naka ipon ng maraming pera, na siyang tatangkiliking bilang The winner. Kailangan namin manalo, malaking tulong yun sa grade namin. Tsaka meron 20,000 pesos na money prize. Nangangailangan pa naman ako ng pera. Para sa next sem.
Papunta ngayon kami sa mall ni Dana para bumili ng garbage bag, para gamitin mamaya sa pag lilinis. Tsaka bibili na din kami ng lunch para sa grupo. Sila Jovelyn at Aleja muna yung pumalit sa pwesto namin.
Pagkapasok namin sa Mall ay agad-agad kami pumunta sa Super Market. Pagakatapos bumili ng garbage bag ay dali-daling hinatak ako ni Dana papasok sa Jollibee. Wag na kayong mag taka kung bakit sa Jollibee niya gusto, obvious naman yung rason. At sa kasalukuyan heto ako nasa ikatlong pwesto sa pila. Umalis muna saglit si Dana keso raw tinatawag siya ng kalikasan.
***
Kanina pa ako dito na iinis sa unahan ko. Ang tagal umorder, mga sampung minuto siguro ang nakakalipas na. Alam naman niyang may susunod pa sa pila. Tsk kaloka, sarap upakan. Pati si Dana ang tagal, sana naman di siya kinain ng bowl.
Bigla naman ako nakaramdam ng ihip ng hangin. Wierd, kasi nasa loob ako ng Mall.
Maraming Air Conditioner ang lugar so paano mag kakaroon ng hangin? (AN: Yung hangin kapag nasa beach ka)
Wala rin naman mga bukas na bintana sa mall. Pinalibot ko ang tingin sa loob ng restaurant. Hangang sa napako ang tingin ko sa labas ng mall. And swear! ubos na ako mapa mura sa nakita ko.
Nakita ko yung lalak. Yung nakita kong nakatingin kay Dana sa booth.
Nasa labas siya. Parang may hinahanap na tao sa loob. Baka si Dana?
"Uhm excuse me Miss?"
Nagulat naman ako kay ate. Di ko namalayan ako na pala yung sunod. "Ay sorry po" pagsosorry ko, nakakahiya kasi. Sinabi ko naman ka agad ang order ko. Ng maibigay na sa akin yung apat na supot. Lumabas ako ka agad. Baka sakaling ma abutan ko ulit yung lalake.
Pero wala na siya, ULIT. Kung minamalas nga naman. Siguro stalker yun ni Dana. O baka secret agent? na pinagutusan ni Tito. Mayaman kasi yung pamilya nila Dana kaya posible.
Tsk! ano bayan, ang dami ko ng naiisip!
Nakita ko naman si Dana na papalapit sa akin.
"Sam! Sorry kung natalagan. Napa rami kasi yung bukong nainom ko kanina sa booth"
Di ko siya pinansin, hangang ngayon kasi na cucurious ako kung sino yung lalake. Okay sana kung yung suot niya normal. Pero hindi eh, naka black hood siya palagi. Di ko tuloy ma point out kung masama ba s'ya o hindi.
"Uy! Sam nakikinig kaba sa akin? Malamang hindi. Akin na nga yan ibang supot. Baka na bibigatan kana. O baka! Teka! wag mong sabihin na ta-tae ka din? Hay naku! wag kanang mahiya Sam. Hintayin kita dito. Sige na mag cr kana." Tiningnan ko naman ng masama si Dana.
Lokang babae to! Binatukan ko ng malakas. Ang lakas ng trip din eh.
"Natatae ka diyan, wag mo kong itulad sayo di ba pweding may iniisip lang"
"Ha ha ha ha sorry naman Sam. Ano ba kasi yang iniisip mo? Oh my God! wag mong sabihin lalake yan? Yiee-- si Samantha lumalove life na"
-_-