Chapter 6

30 0 0
                                    

 Lily's POV

Maaga akong gumising para pumasok sa school. naghanda: ligo, bihis at konting ayos ng mukha.

After that, pumunta na ako sa garage para pumunta sa school. oo may kaya kami. mayaman. kaya nga ako nasama sa GEMS eh. I have my own car and a license. So i normally go to school by myself. While i'm driving napatingin ako sa digital clock.

oh. it's 6:43 am

naku, for sure may iilan ilan ng students dun. sigh

pero ok lang. wag lang SILA.

Nang makarating ako sa school. Payuko akong bumaba at naglakad ng diretso papunta sa mga lockers. Alam ko pinagtitinginan ako ng mga ito eh. pero no care, di naman ako gagalawin ng mga ito kung wala ang gems.

Pag-open ko ng locker ko, may nalaglag na violet na papel. pinulot ko ito at binasa.

Dear Lily,

Kung nakahanap ka man ng bagong mga kakampi, then we will destroy this wall that protects you and turn it into rubbles!

with full of Love,

GEMS

Nanlaki ang mga mata ko, at kinabahan. Hindi para sa akin kundi para kay Gerome. alam kong siya ang tinutukoy sa sulat, pati na din si Sir Bryson. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito. Noon masaya kaming nagkwekwentuhan pero dahil sa simpleng pagpaalis ko sa teacher na yun, nawala sa isang iglap. karma ba ito?

di ko namalayan tumulo nanaman ang luha ko. Napapadalas na itong pag-iyak ko ah. Pero kasi, di ko lang matanggap na ganto ang nangyayari. di lang talaga.

"Lily? Umiiyak ka ba?"

bigla akong nagulat, at nang harapin ko; Si Gerome pala.

Agad kong pinunasan ang mga mata ko gamit ang sleeves ng uniform ko at pasimpleng ipit ng sulat ng GEMS sa physics book ko. Ayokong malaman niya ito.

"Umiiyak ka nanaman?"-Gerome

"Hindi ah, napuling lang ako."

sabay iling-iling ko pa. pero tiningnan niya lang ako at tinaasan ng kilay. Well i know laos na ang palusot na yun pero sana maintindihan niya. nagkatinginan lang kami at medyo umiwas iwas ako sa mga mata niya. haaayst ano ba ito siya.

"Gusto mo ihipan ko?"-Gerome

Napangiti ako at umiling. Kaya maaasahan talaga tong Bestfriend kong si Gerome Santiago. Gwapo yan, mayaman kaso di halata kasi natatakpan ng malaking mga salamin niya. Siya ang knight and shining armor ko kahit nung bata pa kami hanggang ngayon. Siya lang ang tanging kaibigan ko na hindi ako iniwan.

"Hindi na, okay na ako."

"Oshaa, tara na pasok na tayo sa room." - Gerome

at sabay nga kaming pumunta sa classroom. Inilipat na pala ako sa class D ni Sir Bryson for my own safety. Mahirap na kasi sa Class A este Class J, kung nasaan ang mga GEMS. Nung nandun pa ako, impyerno ang bawat araw ko. May teacher man o wala tuloy ang pambubully nila. That class is the most powerful yet worst na section in our year. Buti na lang at nasa kabilang building sila. Atleast bihira na kaming magtatagpo ng landas.

Umupo agad ako sa chair ko na malapit sa window. Kitang-kita rito ang main gate ng school na matagal-tagal ko nag di nadadaanan. sa likod na kasi ako dumadaan para makaiwas.

Nakita kong nagsitabi yung mga estudyante at mga sasakyan. Nariyan na pala ang GEMS. sakay sa kani-kanila nilang mga kotse. Pinagmasdan ko silang bumaba at pano tila naglakad sila sa red carpet. haaayst. Kung alam lang nila.

"Uy, Lily, ok ka lang? Kanina pa kita kinakausap?" - Gerome

 "Ha? a e, pasensya na. ano nga sinasabi mo?"

tanong ko sa kanya. hayan. kakaisip ko sa mga bagay-bagay. Napatingin siya sa bintana at siguro nakita niya ang GEMS. Napkunot noo siya pero agad din naman nawala e. pasensya na Gerome. :(

"Ang sabi ko, may quiz daw tayo sa physics, Dali mag-review ka na dun. mahina ka pa naman." - Gerome

Hinampas ko siya ng ballpen, sarcasm na kasi e.  haayts gumagawa lang siya ng paraan para pasayahin ako. Ayun bumalik na siya sa puan niya na nasa harap ko. Nagreview na ata.

Sa pagbabasa ko, nakita ko yung "love letter" ng GEMS, inikot ko pa ang mata ko para makasigurado na walang ibang makakapansin. Paulit-ulit kong binasa ang letter.

*kriii-iiing*

time na.  nilukot ko ang violet na papel at inilagay sa desk ko.

Kung gagalawin nila si Gerome, ibang usapan na yan.

Subukan lang nilang saktan sya.

Handa ako.

Handa akong harapin kayo, GEMS.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So called QueenbeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon