Chapter 14

795 51 4
                                    

(warning: UNEDITED)

Steph's POV

Kinabukasan ay tumigil na ang ulan at umayos narin ang pakiramdam ko kaya napagdesisyunan ko na pumasok kahit tinatamad pa 'ko.

Hindi ako nag suot nang uniform dahil makikita nila ang sugat ko. Sa dami dami bang pwedeng sugatan sa legs pa tss, ung kutis kong makinis wala na huhu.

Iniisip ko ang mga itsura nila, lahat kase sila nakatikim ng suntok sakin kaya siguro halos sila ay may pasa sa mukha haha. Ano na kaya mga itsura ng mga gunggong na yon?

Kalabanin ba naman nila ako? Halata naman kase sa title ko na wala pang nakakatalo sa akin. Hindi pa ata napanganak ang makakatalo sa akin haha, I guess?

Bumaba na ako para kumain ng almusal.

Naabutan ko si mommy na nanonood ng balita. Tinignan ko ang nasa balita at ikinabigla ko to.

Patay na siya.

Patay na si Cindy Lee.

Nabalitaan ko noon na na-coma siya dahil sa pagkaka untog niya noon. Kasalanan ko ba 'to?

Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko kahit na siya pa ang nagsimulang ng away non. Ang bata nya pa para mawala na mundong 'to.

Alam ko naman na may bad side din ako pero never kong hihilingin na may mamatay. Kung nagbiro man ako ay hanggang biro lang yon.

Napansin ni mommy na nakatingin pala ako sa tv, kaya pinatay nya 'to agad. Ano pang sense ng pag off sa tv kung nakita kona mom?

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Pinunas nya ang luha ko na hindi ko napansin na tumulo na pala.

"Hindi mo kasalanan 'yon" sabi nya. Paano mom? Paano mo nasabi? Kahit saan mo tignan ay ako ang mga kasalanan non. Hindi ako sumagot sa kanya dahil sinabi ko lang 'to sa isip ko.

"Remember, everything happens for a reason anak or maybe karma is a bitch, alam mo namang marami na din silang napatay na inosenteng tao diba? Kasalanan nila 'yon. Karma nila 'yon ngunit ang malas lang dahil ang anak nila ang naging kabayaran sa mga kasalanan ng magulang niya" sabi ni Mom.

At napaisip naman ako. Oo madami na silang napatay na inosenteng tao pero deserved ba talaga ni Cindy yon?

Deserve nya bang akuin ang mga kasalanan ng mga magulang nya?

Papunta na 'ko sa school at nagpahatid nalang ako sa driver namin dahil wala ako ganang mag lakad or mag drive.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang pagkamatay niya. Pero alam ko naman na may plano ang Diyos sa kanila and I believe na everything happens for a reason.

Pero, hindi kaya nila ako balikan? Dahil alam naman nilang ako ang may kasalanan sa nangyari.

"Ma'am andito na po tayo"

Sa lalim ng iniisip ko ay di 'ko na napansin na nasa school na 'ko. Nagpasalamat nalang ako kay manong at lumabas na ng kotse.

Kapasok ko ng room. Nabigla ako sa mga itsura nila.

"pfft- HAHAHAHAHA" at ayun na nga. Hindi ko na napigilan ang tawa ko.

Napatingin silang lahat sa akin na may halong pag tataka. Kase naman no, halos sa kanila ay may black eye o kaya naman ay pa ika-ika na naglalakad haha kalabanin ba naman ako?

"HAHAHAHAHA" patuloy ko paring pagtawa at napahawak pa sa tiyan ko.

Napatigil ako sa pag-tawa ng may pumunta sa harapan ko. Si Noah.

Ang Section D (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon