"Nakakamiss yung mga araw na may yayakap sayo kapag malungkot ka or nagtatampo ka. Yun bang hindi ka namomroblema maging malungkot dahil alam mong mamaya lang eh hindi ka matitiis ng taong kinakasama mo. Alam mong may lalambing sayo. Alam mong may nagmamahal sayo."
Napaangat ang tingin ni Zylven mula sa pagpipinta kay Tamara na nakaupo sa sofa habang malayo ang tingin nito. Kinaladkad lang sya ni Blaire dito sa condo unit nito para lang ipinta si Tamara. Nakukulitan na daw kasi ito sa pinsan kaya heto sya ngayon kahit ilang na ilang pilit pa ring ginagawa ang pagdi disguise nya sa dalaga. Dapat nextweek pang start nya bilang bodyguard nito pero napaaga dahil biglang nagka misyon si Blaire at walang kasa kasama si Tamara.
"Nakakamiss yung mga away na kinaiinisan mo nung meron pang “kayo". Tapos marerealize mo na yung away pala na yun ang pinaka lambing dahil may gusto kayong ayusin at may pinaglalaban kayong dalawa."
Ibinalik nyang atensyon sa pagguguhit ng katawan nito. Napapalatak sya ng lihim dahil sa kurba ng bewang ni Tamara sigurado syang 24 lang ang waistline nito dahil sa liit ng pagtantya nya.
"Nakakamiss na may taong laging nandyan para masabihan ng problema. Yun taong sasabihing :"Kasama mo ako, huwag ka mag-alala. Makakaya mo yan. Dalawa tayo dito". Nakakamiss maglakad na may kahawak kamay at kapag nakita mo siya sa tabi mo eh nakangiti siya sayo. Yung mga araw na sobrang higpit ng hawak niya sa kamay mo. Para bang ayaw niyang mawala. Yung ayaw niyang may makakahawak pang iba. Yung hawak na sosolohin ka lang niya. Yung hawak na wala na siyang hahawakan pang iba. Nakakamiss tumawa ng may kasama.
Nakakamiss gumising ng umaga na may lambing na mababasa o mararamdaman galing sa kanya."Di napigilan ni Zylven na lapitan ang dalaga at kunwari inayos nyang korona nitong suot. Hinawi hawi pa nyang mahaba nitong buhok na kaylambot. Napatingin tuloy sa kanya si Tamara.
"Masyado bakong malikot Zylven? Sorry ha kung very emotional ako ngayon!" Biglang nilingon ni Tamara ang binata at yun ang pagkakamali nya dahil napakalapit pala ng mukha nito sa kanya. Di man nila sinasadya nagkalapat ang mga labi nila. Parehong di nakakilos ang dalawa. Napatuwid bigla ng tayo si Zylven.
"S - sorry Tamara, diko sinasadya."
"Ok lang yun, kasalanan ko kasi bigla akong lumingon.. Saka anukaba! Wala yun noh!"
"Ok, sabi mo eh! Tuloy na natin." Isa pang hawi sa buhok ni Tamara ang ginawa nya bago ngumiti sa dalaga.
"Sige, di na'ko maglililikot para dika mahirapan sa pagguhit sakin. Pasensya na ha, ang daldal ko haha."
"No, ok lang, your doing great, saka sige lang magsalita ka lang, gusto mong mag kwento ok lang din yun sakin. Diba sabi ko naman sayo na kapag ako ang kasama mo gawin mong lahat ng makakapag pasaya sayo? Kaya ok lang yan hmm."
Nahihiyang ngumiti naman ang dalaga. Bahagya pang namula ang pisngi nito. Na lalong ikinaganda nito sa paningin ni Zylven.
"Oh sya balik nako sa pwesto ko ha! Para matapos ko ng pagpinta sayo."
Bahagya pa nyang kinurot ang pisngi nito bago naglakad pabalik sa ipinipinta nya.
"Tamara."
"Hmmm"
"Magsalita kana ulit para ganahan akong magpinta dito!"
"Sure kaba? Diba nakakainis dahil madaldal ako?"
Natatawang pinakatitigan nyang dalaga na mahaba ang nguso.
"Sure ako, kaya sige na wag ka ng mahiya." Pangungumbinsi pa nya dito. Nakita nyang pag ngiti ni Tamara saka ang pagwisik wisik nito sa mga daliri bago nagsalita ulit.
"Nakakamiss gumawa ng pangarap na pang dalawa. Nakakalungkot isipin na yung mga pangarap niyong binuo eh parang iniwan lang sa isang bodega at kahit kailan ay hindi na ito muling nabuksan. Para bang sariwa pa ang mga pangarap sayo pero sa kanya eh inaagiw na, At ang malungkot dun kaya pala hindi na napapansin eh gumagawa na ulit siya ng pangarap na ang kasama ay iba. "
BINABASA MO ANG
The Bodyguard🗡Assassin Series7✔💯
Adventure⚔ Zylven Canox ⚔ The Bodyguard🕶 I am who I am. I never said that you need to like me and whatever I do in my life, I never said that I need your opinion, I don't care about your hates because in the other hand I'm busy figuring my success on my ow...