Ng makapasok si Zylven sa loob ng Villa marami ng patay na nakakalat sa paligid. Nasulyapan nya pa sina Keros at Griffin na nakikipaglaban. Napatutok ang mga mata nya kay Keros, napakabilis nitong kumilos kahit na pinapalibutan ito ng sampong armadong kalalakihan parang wala lang dito, magaling humawak ng katana si Keros tila tali lang ang hawak nito kung makahampas sa mga sumusugod ditong kalaban, ni hindi man lang ito kumukurap.
"Zylven!" Isang sigaw ang nagpabalik ng katinuan nya. At sa paglingon nya sa kanyang likuran isang putok ang umalingawngaw.
"Blaire!" Nanlalaki ang mga mata nyang nakatitig kay Blaire na halos napayakap sa kanya. Nagulat sya ng may lalaking biglang humandusay sa tabi nila at sa likuran naman ng lalaki ay may nakatayong babae na nakasuot ng black leather suit, may takip ang mukha, hindi nakaligtas sa paningin nya ang magkaibang kulay ng mga mata nito, may hawak itong pana. Yun ang neregalo nya sa pinsan nung makahiligan nitong maglaro ng archery. 'Star'.
"Ouch! Shit.." Sapo ni Blaire ang nabaril na balikat. Lumingon ito para sana pasalamatan kung sinuman ang pumana sa lalaking nakahandusay sa tabi nila ni Zylven. Nakatingin pa rin sa kanila ang tagapagligtas nya. Kumunot ang noo ni Blaire ng mapansing babae ito. Akma sana nyang lalapitan ito ng bigla na lang syang hilahin ni Zylven palayo sa lugar na yun.
"T - Teka lang Bro, magpapasalamat lang ako dun sa nagligtas satin!"
Panay ang piksi ni Blaire, pero hindi talaga sya binitawan ni Zylven.
'Hindi nito maaaring makita ang tunay na anyo ni Star, wala itong gamit na contact lenses kaya hindi maaari.'
Kinaladkad na nya ito hanggang 2nd Floor. Dipa sila tuluyang nakakaakyat pinaulanan na sila ng bala kaya pareho silang napauklo sa hagdan para di tamaan.
"Aeris, ilan ang kalaban sa 2nd floor?" Agad na tanong ni Zylven habang hinuhugot ang dalawang katana na nakatali sa likod nito.
"Limampu lahat, pero dyan sa pwesto nyu, kense lang ang nakaabang sa pag akyat nyu." Imporma ni Aeris sa kanila.
"Thanks Bro, " Pagkasabi nun ni Zylven kaagad syang gumapang ng ilang baytang pa sa hagdan at ng marating ang 2nd floor gumulong sya habang mahigpit na hawak ang katana. Ng maabot nyang gitnang bahagi ng ikalawang palapag, kaagad syang tumayo at ginawa nyang pananggalang ang sandata para makalapit pa lalo sa kanilang kalaban, panay ang wasiwas nya sa kanyang katana ganun din si Blaire na di alintana ang dumudugong balikat. Hindi sila tumigil hanggat may nakatayo pa sa kanilang mga kalaban. Ng ang lahat ay nakahandusay na sa lapag tinakbo nila ang pinanggagalingan ng ingay.
"Zylven, ang sugat mo! Sigirado bumukang tahi mo, dito kana lang ako ng bahala. Baka maubusan ka ng dugo Bro." Nag aalalang pigil ni Blaire sa kaibigan.
"Kaya ko pa, kaya halika na dali!" Tinakbo nito ang nagkukumpulang mga armadong lalaki. Tila wala na sa sarili si Zylven habang sinasagupa ang mahigit tatlumpong kalaban.
"Zylven!" Natataranta namang sinundan ni Blaire ang kaibigan. Nahindik sya ng makita itong buwis buhay na nakikipaglaban. Nakatayo lang ito sa gitna habang walang tigil sa pagwasiwas ng katana, hindi nito masyadong ginagalaw ang katawan, tanging paa at kamay lang nito ang ginagamit. At sa kinatatayuan nito ay umaagos ang dugo mula sa sugat nito. Patakbong sinaklolohan na ito ni Blaire. Sinisigurado nyang sa bawat kalabang tamaan nya ay tigok na ito para dina makabangon pa.
"Blaire, go! Hanapin mo si Tamara ako ng bahala dito." Hinihingal na sabi ni Zylven sa kaibigan.
"Hindi kita iiwang mag isa dito. Tatapusin natin itong magkasama."
Tuloy lang ang pakikipaglaban ng dalawa hanggang sa mga lima na lang ang natitirang kalaban. Akmang susugurin na sana ito ni Blaire ng sabay sabay na bumagsak sa sahig ang mga kalaban nila puro may tama ng pana sa ulo.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard🗡Assassin Series7✔💯
Adventure⚔ Zylven Canox ⚔ The Bodyguard🕶 I am who I am. I never said that you need to like me and whatever I do in my life, I never said that I need your opinion, I don't care about your hates because in the other hand I'm busy figuring my success on my ow...