"Blaire, bakit ka single until now?"
Naibuga ni Blaire ang iniinom nyang juice sa narinig na tanong ni Tamara sa kanya. Magkasama silang nagmemeryenda sa salas habang nanonood ng 'Prison Break' sa Netflix.
"Anubang klaseng tanong naman yan?"
"Bakit! Wala namang masama sa tanong ko sayo ah! normal lang na magtanong ako kasi 27 kana, tapos single kapa rin! Bakit?"
Uminom muna si Blaire bago humarap sa pinsan na makulit at sinagot ang tanong nito sa kanya. Sigurado naman kasi syang di ito titigil kakatanong kapag di nya 'to sinagot eh.
"Single ako kasi gusto ko yung taong mahal ko, at hindi mahal ako. Alam kong mahirap. Pero mas panatag ako dun. Di bale ng ako ang masaktan. Kesa ako ang makasakit. Mas kaya kong i absorb ang hirap, kesa sa ibang taong aasa sa pagmamahal na ibibigay ko sa kanila. Ayaw kong minamahal nila ko pero at the same time sa iba ako nakatingin."
"Ganun ka pala! Now I know why your still single hahaha."
"Tsss... yoko ng kausapin ka, wag ka ng magtanong ulit."
Natatawang nilapitan sya ni Tamara saka tinusok tusok ang tagiliran nya.. Sa kakaiwas nya sa pinsan nalaglag tuloy sya sa lapag mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Tigilan mo nga ako Tamara, napaka kulit mo talaga!"
"Titigilan lang kita kapag nagkwento ka ulit sakin hmmm.. Sige naaa.. Naiinip nako dito eh!"
Naiinis na tumayo si Blaire mula sa pagkakasalampak sa sahig saka bumalik ng upo sa sofa.
"Oo na! Sige na tama na! Umupo kana dun dali na!"
Kaagad namang bumalik sa pwesto nya si Tamara at niyakap ang teddy bear nyang dala dala kahit san man sya magpunta.
"Para ka talagang bata! Napaka kulit mo."
"Mag kwento kana kasi! Pinapatagal pa eh." Umirap pa sa kanya ang dalaga.
Isinandal nyang ulo sa sofa saka tumingin sa kesame. Ayaw nyang magsinungaling kaya mapipilitan syang magkwento ngayon.
"Alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan. Ilang beses ko ng naramdaman yun. Hindi na nga ko sineryoso eh. Dahil alam na masayahin akong tao. Pero di nila alam na ang mga masasayahing tao ang may pinakamabigat na dinadala na problema sa mga sarili nila. Patuloy na nakatago ang tunay na emosyon sa maskara na hindi alam kung paano matatanggal. Tipong ang susi eh nasa ibang tao para lumabas ang tunay na kaligayahan na dulot ng pagmamahalan. Mahirap maghanap ngayon. At nakakalungkot maghintay. Alam mo yung pakiramdam na wala kang idea sa hinihintay mo? Kung kailan dadating, kung ano itsura. Kasi ang hirap maghintay na wala kang prospect. Tipong mga prospects mo eh may iba ring gusto. At syempre alam mo na pasikot sikot dun. Bakit ka maghahabol sa taong may ibang gusto diba? Edi umasa ka na lang rin na tsatsamba ka sa taong magugustuhan mo eh gusto ka rin. Ganun na lang ngayon eh. Tsaka mararamdaman mo yun. Unang tingin mo sa tao. Masasabi mong “Mahal ko to.” o kaya naman masasabi mo biglang “Akin ka.” Pero syempre. Papatunayan mo yun sa kanya. Once na naramdaman mo yung pagmamahal na yun. Gagawin mo best mo. Magkakaroon ka ulit ng pagkakataon na sumaya ulit."
"Sana nga Blaire, sumaya ulit ang love life nating dalawa."
Napangiti si Blaire sa sinabi ni Tamara sa kanya. Makulit man ito at may katigasan ang ulo, malambing at mapagmahal din naman ito.
"At kapag hindi dumating sa punto na iyong inaasahan? Edi go with the flow. Tanggapin na ganun talaga ang pag-ibig. Tandaan mong may mga hindi ka ring pinansin na mga tao para sa taong mahal mo. Well, ganun din siya. Hindi ka niya pinansin dahil may tao rin siyang gusto. Ganyan ang cycle palagi eh. Ngayon.. Alam mo na? Ok. Goodluck!
"Yeah! Goodluck sating dalawa."
"Handa kana ba ulit magmahal, mmm Tamara?"
"Don't know yet. Kasi ako kapag nagmahal, tinatanong ko agad ang sarili ko “Bakit ko kaya siya mahal? Infatuation lang kaya to? Pero madalas yun yung tanong na hindi natin masagot."
Nakatingin lang si Blaire habang patuloy sa pagsasalita si Tamara. Pinapakinggan nyang mabuti ang bawat salitang sinasabi nito. Ngayon lang kasi silang dalawa nagkausap ng ganito ka seryoso at ikinatutuwa nyang pagiging malapit nila sa isa't isa.
"Paano kasi, mahirap mag-isip kapag sobrang sweet sa atin ng isang tao. Akala natin agad gusto nila tayo. Kasi iisipin mo agad hindi naman sila magiging sweet sa atin kung wala silang interes sa atin. Pero syempre, dun tayo nasasaktan. Kapag nag aassume tayo sa mga kinikilos at pinapakita nila. Syempre tayo si iniingatan ang nararamdaman. Pero kapag andun ka na sa puntong yun, hindi mo na mapigilan eh. Kasi nararamdaman mo na naman yung kasiyahan eh, at yung kasiyahan na yun yung ayaw mong mawala. So nagiging makasarili ka na gusto mo na angkinin yung tao. Syempre, gusto mo siya eh, kaya ayaw mo siyang mapunta sa iba. Pero nakakalungkot na yung kasiyahan naman na gusto niya eh nasa ibang tao din. Kaya ayun, sa huli. Ikaw lang ang nasaktan. Syempre. Ikaw lang yung nag assume eh. Well, that’s life. Kailangan minsan sa buhay yan eh."
Napatango tango si Blaire sa pananaw ni Tamara pagdating sa pag ibig. Napapahanga sya sa disposisyon nito sa buhay. Pero may gusto pa rin syang tiyakin mula dito.
"Naiintindihan naman kita dyan kasi halos magkapareho lang naman tayo ng naranasan, ang tanong masaya ka ba Tamara?
"Oo, masaya ako."
Ngumiti ito yung klase ng ngiti na siguro yung iba hindi mahahalata pero si Blaire alam na alam nyang peke, kasi isa sa mga napag aralan nya bago pumasok bilang agent sa Hainsha ay ang bumasa sa bawat emosyong makikita sa mukha ng tao at yun ang nababasa nya ngayon sa mukha ni Tamara.
"Tamara, ako lang ito kaya dimu na kailangan pang magkunwari kapag ako ang kaharap at kasama mo. Relax ok! Chill lang!"
Napayuko na lang ang pinsan dahil siguro nahihiya ito sa kanya, pero maya maya nagsalita rin ulit ito.
"Nagpapanggap akong masaya pag may ibang tao para hindi nila ako pakialaman, para hindi nila mapansin na may mali sakin, para isipin nilang masaya ako. Pero kung alam lang nila na hirap na hirap akong matulog sa gabi, minsan hindi na talaga ako natutulog, Kung alam lang nila na halos di na ako kumain dahil wala akong gana at gusto kong gutumin ang sarili ko, kung alam lang nila na umiiyak ako gabi-gabi, kung alam lang nilang sawa na ako sa buhay ko, kung alam lang nila yung pakiramdam na walang nakakaintindi sakin kundi ang sarili ko lang, kung alam lang nila kung ano yung tunay na nararamadaman ko. kung alam lang nila, kung alam nyo lang, you won’t look at me the same way ever again.”
Nakaramdam bigla ng awa si Blaire kay Tamara at para makalimutan nitong sakit at lungkot na nararamdaman may naisip si Blaire na paraan para mapasaya kahit saglit ang pinsan.
"Tamara, magbihis ka! Punta tayong bar gusto mo?"
Kaagad na napabaling ang tingin ng dalaga kay Blaire, nagniningning ang mga mata nito sa tuwa't galak na napapalakpak pa nga habang tumatayo sa pagkakaupo sa sofa at bigla na lang syang dinamba nito at pinaghahalikan.
"Yesss! Give me a minute I'll just change my clothes.. Thank you so much cousin, mwah mwah."
Naiwang mag isa si Blaire sa sala, kinuha nyang cellphone sa bulsa saka tinawagan si Zylven.
"Bro, kita tayo sa Boyzone. Tandaan mo ha! Kaibigan kita, hindi pwedeng malaman ni Tamara ang tungkol sayo maliwanag?"
Napatay nya bigla ang tawag ng marinig ang sigaw ni Tamara mula sa taas. Excited talaga itong mag bar kasama sya. Ng mag beep ang message tone nya.
Zylven ☠️ 'All clear! I'm here already.'
Kaagad nyang pinatay at isinilid sa bulsa ang cellphone. Tamang tama naman ang pagsulpot ni Tamara sa kanyang tabi at kaagad syang hinila palabas ng condo.
💃MahikaNiAyana
BINABASA MO ANG
The Bodyguard🗡Assassin Series7✔💯
Adventure⚔ Zylven Canox ⚔ The Bodyguard🕶 I am who I am. I never said that you need to like me and whatever I do in my life, I never said that I need your opinion, I don't care about your hates because in the other hand I'm busy figuring my success on my ow...