The Eclipse Couple (T.E.C) 'Chapter Three'
'Swayze' (Point of View)
"The daughter of Amora Celeste Imperial and Mythion Astrillian Imperial was born at the time of 11:11 pm january 11 2007 on the blood moon night, Astraea Celeste Imperial"-Sabi ng greatest grandmother ng mag-papamilyang imperial na itinaas ang sanggol sa tapat ng dugong buwan, medyo weird pero baka tradition to ng pamilya nila.
'She's so special' noong oras na ipinanganak siya kanina ay pansin kaagad namin ang ganda ng mukha nito, sobrang puti, at may hazel brown eyes, halata na kaagad ang tangos ng ilong niya.
Sabi pa ng mag-pamilya ay nag-mana ito sa The greatest grandmother ng pamilya nila, which is yung matandang nag angat sakanya, agad kong tinignan yung itsura ng greatest grandmother nila and yes kahawig nga, kahit matanda na ito mukhang nasa 40's lang ang itsura.
"Swayze tara labas na tayo"-Sabi ni dr. lein...ng makalabas kami ay nakita ko nanaman si khazy na kekembot kembot na nag-lalakad palapit saakin..
"Balita ko nanganak na si Mrs. Imperial?"-Tanong niya..
"Oo kaya nga kami lumabas diba?"-Sagot ko sakanya..
"Balita korin na sobrang cutie nung baby? True ba?"-Tanong niya pa.
"Oo nag-mana daw kuno sa the greatest imperial ng pamilya nila"
"Talaga? may greatest imperial sila? grabe yung pamilya nila noh? masyadong bigtime ang gaganda ng tradisyon nila"-Sabi niya pa."Oo nga pala di kaba naiilang kanina kasi nakita mo yung lalaking biniktima ng kagagahan mo?"-Tanong niya, bakit kasi ang dami mong tanong talo mopa yung teacher.
"Oo, nasabihan pa nga ako ni Mr. Imperial ng stay away from his son kuno, kala naman niya may gusto ako sa anak niyang di alam ang pagiging maginoo sa mga babae, pamilya nila parang walang kasayahang nararamdaman lahat naka poker face ang pangit ng pamilya nila"- Sabi ko at pansin ko naman ang pag-nguso nguso ni khazy na parang sinasabing tumingin ako sa likoran ko.
dahan dahan akong humarap roon at laking gulat ko ng makita si Azrael na mag-kasalubong ang kilay na nakatingin sakin 'PATAY!'
"Stop being chismosa Miss"-Walang emosyong sabi nito sakin tsaka ito umalis.
"NAPAKASAKITTTT!!!KUYAA EDDIEEEE"-nang-aasar nanamang kanta ni khazy diko nalang siya pinansin at iniwan nalang.
Dahil konti lang naman ang mga pasyente at marami namang mga nurse at wala rin naman akong gagawin ngayon ay nag-tungo nalang ako sa rooftop para mag-pahangin at pag-masdan ang buwan, noon pa man ay paborito ko ng panoorin ang buwan.
hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang bagong pamilya ng mga imperial, buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng baby na ganoon winelcome ng pamilya dahil sa tradisyon, gusto ko tawagin itong himala dahil wala naman akong narinig sa balita na may lilitaw na blood moon ngayong gabi, biglaan nalang itong lumitaw noong nailabas na ang sanggol.
Naiinis ako dahil ang dami ko ng kahihiyang nagawa sa loob ng dalawang araw simula ng makita ko ang lalaking akala mo kung sino.
Napalingon ako sa cellphone ko na nasa tabi ko ng mag-ring ito.
'Mama'
Agad na dinampot ko ito at sinagot ang tawag "Hello ma?"
"Nasa hospital kapa rin ba ngayon?"-Tanong nito
"Opo bakit po?"-Tanong ko
"Ang sabi ni khazy kanina nung tinawagan ko, ikaw daw ang nurse noong nanganak si Mrs. Imperial totoo ba?"-Tanong nito na ikinakunot ng noo ko, may mali bang ako ang nurse noong nanganak si mrs. imperial?
"Ah. Opo bakit ma?"
"Umuwi kana agad sa condo mo, bukas na bukas lumipat kana ng condo naiintindihan mo!?"-Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni mama, may itatanong pa sana ako ng bigla niya nalang akong binabaan, tsaka nalang ako lilipat if need talaga pero ngayon no kasi mahirap.
'Anong nangyare dun?bat ganon yun?may problema kaya?'
Nang matapos na akong mag-pahangin at mag-palamig at mag-isip bumaba na ako at dumeretso sa locker ko para kunin ang mga gamit ko para narin makauwi na ako.
"Hoy Swayze! San ka punta? uuwi kana?"-Tanong ni khazy ng makita akong palabas na ng hospital.
"Oo"
"Waooo!!!halos walang ginawa buong araw ah, geh yun lang layas na"-Sabi niya, di ko na siya sinagot pa dahil wala naman akong maisip na isasagot sa 'Geh yun lang layas na' ...
"Ms. Swayze."-Napalingon ako sa likoran ko ng may tumawag sa pangalan ko. 'Si mr.imperial' ano nanaman kayang sasabihin nito.
"Po?"
"Remember to stay away from my Family"-Seryosong saad nito kaya tumango nalang ako, di naman mahirap yang sinasabi niya wala naman akong intensyon sa pamilya niya. "I know your whole story Ms. Luna, too dangerous to know but stay away from my family, for your safety"-Gaano ba kadelikado yang pamilya niyo?
___
Dahil day off ko bukas, hindi na muna ako umuwi sa condo ko, tuwing day off ko ay umuuwi ako sa bahay namin sa Cavite.
"Ma! Pa! nandito napo ako!"-Sigaw ko ng makapasok na ako sa bahay, at lumabas naman si mama at papa na galing sa kusina na mukhang niluluto ang paborito kong ulam.
"Ateeeeeee!!!!"-Tawag saakin ng bunso ko at agad na niyakap ako.
"Nandito na pala ang prinsesa namin"-Sabi ni papa agad ko naman itong nilapitan at niyakap
"Ako ba walang yakap jan galing sa prinsesa ko?"-Malambing na sabi ni mama na parang kanina ang sungit sungit noong tinawagan ako, nilapitan ko narin si mama at niyakap
sabay sabay kaming kumain "Ma bakit nga pala na parang ayaw niyo akong makalapit sa mga Imperial may problema ba?"-Kating kati na ang dila kong mag tanong.
"W-wala basta wag kana lang lumapit sakanila"-Sagot nito, feeling ko may itinatago silang hindi ko pwedeng malaman "Siya nga pala, yung may-ari ng lupa na tinitirhan ng lahat na narito pinapalayas na tayo dahil hindi na nakakabayad, doon nalang siguro kami sa probinsya"-Dagdag pa ni mama
"Wala tayo magagawa ma e, Squatter tayo huhu"-Sagot ko "Mas maganda nga ma na umuwi nalang muna kayo ng probinsya para naman hindi kayo mahirapan dito, magbibigay nalang po ako pera pampauwi niyo"
"Mahal, balik nalang tayo sa Villanueva"-sabi ni papa kay mama, ang villanueva ay ang lugar daw kung saan ako lumaki marami raw akong alaala doon nung bata pa ako pero hindi ko naman marecall ngayon.
-
-
-
-
@MysthGHi my Mystic's!!!Thank you for Reading my story, dont forget to vote!!!
(Kunware lang naman na may bloodmoon noong january 11 2007 hihi)
BINABASA MO ANG
The Eclipse Couple (T.E.C Series#1)
RomanceT.E.C Series#1- "You're my Moon and I'm your Sun, I died every night to let you breath" -MysthG