'Chapter Five'

35 23 6
                                    

The Eclipse Couple (T.E.C) 'Chapter Five'

'Swayze' (Point Of View)

"Anak, anak"-Pag gising saakin ni mama, onti onti kong minulat ang aking mga mata at dahan dahang bumangon "Ok kalang ba?"-Tanong nito

Paano ako napunta dito? Huling pagkakaalalanko ay nasa labas ako naglilibot paanong umaga na at andito ako? "Naguguluhan kaba? Nahimatay ka nak, doon malapit sa malaking puno na pinuntahan mo bakit ka nahimatay nak? Buti nalang at may nakakita kaagad sayo doon"-Sabi ni mama saakin at napawi rin mga tanong sa isipan ko

"Bigla nalang po sumakit yung ulo ko ng sobra at nahilo ako ma, don rin siguro ako nawalan ng malay sa sobrang sakit"-Sagot ko sakanya at agad naman itong nag alala

"Gusto moba pacheck up kita? Baka napano nanaman yung ulo mo baka nabagok ka nung nahimatay ka"-Pag aalala nito at tinitignan kung may bukol ba ako

"Mama ok napo ako wala na po ako nararamdaman ngayon, tsaka kailangan ko napo umalis may trabaho pa po ako"-Saad ko at agad na akong naligo at nag ayos para umalis na dahil may work pa ako, pero hindi ko parin makakalimutan yung mga alaala na sumagi sa isipan ko nung sumakit ulo ko, alaala ba talaga yun o gawa gawa lang ng utak ko?

__________

Nakabalik na ako sa condo ko at papasok na ako sa work ngayon, I know late ako pero mag oot naman ako kaya goods na yun, "Angas ng late mo ah 5hours"-Salubong ni Ms. Yoon sakin

"Sorry Ms. Yoon, tinulongan ko kasi pamilya ko lumipat sa villanueva kahapon tapos hinimatay naman ako roaming ko sa lugar doon"-Sagot ko

"Kasalanan ko? Mag trabaho kana"-Actually mabait naman si Ms. Yoon masungit nga lang

At eto na nga nakita kona ang my love from the star ko "Hi Doc Axel!"-Pagbati ko sa busy kong doctor

"Hey Ms. Luna I thought mag sisick leave ka nanaman e"-Aniya na parang nang aasar, way back time nagpaalam ako mag sick leave tapos nahuli ako ni Ms. Yoon sa mall nag shoshopping.

"Dina mauulit yun noh, hinimatay lang ako kahapon pwede mo ba ako icheck later doc? Di talaga normal naramdaman kong sakit sa ulo ko kahapon e"-Sabi ko sakanya at may action pang pahawak sa ulo na super sakit

"Sure, I'll check on you later uunahin ko muna mga patients ko, naturingang nurse ikaw pa naging pasyente"-Aniya na naasar ako bwisit.

......

Papunta ako ngayon sa kwarto ni Director Imperial para i check siya "Hi po Director Imperial, ichecheck ko lang po kayo"-Pagpapaalam ko at tumango naman ito "All goods po director, pwedeng pwede napo pala kayo lumabas ng hospital"

"Talaga ba? Hayy nako antagal konang inaantay to pero ayaw akong palabasin ng asawa ko"-Saad nito

"Baka po kasi gusto niya fully recovered po kayo bago makalabas, pero ngayon po fully recovered na kayo kaya pwedeng pwede na po"- nakangiting sabi ko sakanya at nagpaalam narin akong umalis para iupdate sa doctor niya yung lagay niya.

"Ms. Luna, halika na ichecheck kona yung walang laman mong ulo"-Pabirong sabi ni Doc Axel sakin kaya nakasimangot akong sumunod sakanya "Nagka amnesia kana ba noon?"-Tanong nito sakin

"Hindi pa ah"

"Naalala ko lang na wala kang alaala noong bata ka, kahit isa right? If may amnesia kana noon pwedeng yan ang cause ng migraine mo ngayon, nag rereact yung brain mo bawat memories na bumabalik sayo"-Sabi niya na ikinagulo lalo ng isipan ko, wala naman kasing nasabi sakin si mama na nagka amnesia ako kaya alam ko wala

"Ganon ba? Tatanongin ko si mama about jan, never niya kasi sinagot yung tanong ko about sa kabataan ko e"

Nang matapos ang shift ko ay agad agad kong tinawagan si mama "Ma, may tanong lang ako nagka amnesia ba ako noong bata ako kaya wala akong maalala ni isa sa childhood memories ko?"-bigla rin nag sink in saakin yung yung alaala na nasa isip ko nung sumasakit yung ulo ko.

Isa kaya yun sa alaala ko noon? Dapat bang pumunta ako sa lugar na familiar ako para maalala ko lahat? Pero sobrang labo non at hindi ako sigurado

"Anong sinasabi mo anak? Anong amnesia?"-nag aalangang sabi nito saakin

"May tinatago ba kayo sakin ma?"-Diretsahang tanong ko dahil dina ako makapag hintay pa

"Pag usapan nalang natin yan pag nakauwi kana dito ulit"-Agad niya akong binabaan at dina muli sinagot ang tawag ko, so meron talaga akong hindi alam? Isang linggo pa aantayin ko bago ako makauwi saamin.

-
-
-
@MysthG

Hi my Mystic's!!!Thank you for Reading my story, dont forget to vote!!!

The Eclipse Couple (T.E.C Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon