Pagdating ko sa harapan ng College of Engineering, di ko matigil mag-warm up ng katawan, excited na ako sa eksenang mangyayari.
“Maghintay ka lang, heto paparating na si Boyfie.”
Not wasting my time, hinanap ko agad ang Department where she belongs. Konting tiis nalang, malapit na tayong magkita. Habang papalapit ako na ako, nakita ko ang isang student na nakatayo sa labas ng department. She looks familiar, then I remembered na ka-block pala yun nung tang inang babae.
Hindi na ako nagdalawang isip na tanungin ang babae, sa tingin ko naman kilala niya yun “Uh, miss?” snapping her.
“Yes?”
Aba’y hanep! English!
“Alam mo ba kung asan si Aren C. Perez?”
“Yeah, I’ve seen her going to CBAA Canteen with her bo—”
Langya! Nasa canteen pala ng college ko ang bruha. Sa walang pagdadalawang isip, pumunta agad ako sa College of Business Administration and Accountancy Canteen, dahil sa pagmamadali nalimutan ko tuloy magpasalamat doon sa englisherang dilag.
“Shit. Isa pa naman yun sa mga type –”
Napatigil ako nung makita ko ang target ko.
“Humanda ka ngayon dahil dito na magsisimula ang plano ko.” Tumayo ako sa counter at hinintay ang hinayupak na mapansin ako. At doon na ako nagpakita. “Hi, girlfie! Di mo ba na miss itong boyfie mo?” turo ko sa sarili ko at nagpout.
She cocked an eyebrow at tinitigan lang ako na aakalain mong di niya ako nakikilala, Aba’y ang putang ito! Pinasok niyang kamay niya sa bulsa niya na para bang may masamang ilalabas, then the next thing happened.
“Ay, boyfie. Pasensya kana ah, di kita nakilala kasi parang mas gumwapo ka ata.” She smiled at me, yung ngiting alam mong pinilit lang niya. Ang pekeng ito.
“Oh, talaga?” sumabay na rin ako sa kalokohan niya sabay hawak sa mukha ko, akala mo siguro ikaw lang marunong umarte, ano? “ikaw rin, mas gumanda ka ngayon.” Kinurot kong pisngi niya at siniguradong mararamdaman niya ang sakit tsaka tinanggal ang kamay ko “oh, nag-blush ka ata?”
“ah, ganun ba? Ang gwapo mo kasi.” Hinawakan niyang kaliwang pisngi ko at gumanti ng mas masakit. Ang sakit. “Oh, ikaw nga tong namumula eh.”
“HOY KAYONG DALAWA! KUNG MAGLALANDIAN DIN LANG NAMAN KAYO, DOON KAYO SA TABLE HINDI DITO SA COUNTER! MARAMI PANG NAKAPILA OH!”
Tumingin ako sa likod at nakompirmang marami nga talaga ang nakasunod. Ang sasama rin makatingin, yung gustong gilitan sa leeg agad. Tiningnan ko ulit ang putek at nakitang ngumiti na parang baliw.
“Ano?!”
Iritang tanong ko. Akala mo siguro malilimutan kong ginawa mo sa akin ha.
“Di ba, boyfie naman kita? Diba?” ano na naman kaya ang iniisip ng bruhang ito? “Naiwan ko kasi ang wallet ko sa room. Hehehe! Ikaw muna magbayad nito, bayaran kita after kong kumain. K?”
“Ano ka hel—”
Di ko matapos ang sasabihin ko ng tingnan ako ng tindera na parang sasaksakin niya ako gamit ang hawak niyang kutsilyo. Nak ng daga! Kinuha ko ang wallet ko at nung tingnan ko ang mga inorder niya, halos maiyak ako. Ang rami, ang mamahal pa.
“499.50 pesos lahat.” Binunot nung tindera ang five hundred ko, di ko sana gustong bitawan ang pera ngunit nagreklamo na lahat yung nakapila. “Ayan, sukli mo.” Di na siguro maguhit ang mukha ko nung candy lang ang binigay nung tindera. One week ko rin yung allowance.
Gusto ko na talaga manuntok at mambug-bog. Hihilahin ko na sana ang demonya nang maka-alis na kami rito, ngunit tumayo lang siya doon.
“Ano ba? Tara na!” sabi ko “Ano pa hinihintay mo?”
“4 seasons.”
Ano ba pinagsasabi nitong bruha “ano?!” galit kong tanong.
“Gusto mo ba mabilaukan ang girlfie mo? Alam mo naman na 4 seasons ang favorite drink ko.” Aba’y matinde! Ang kapal! May gana pang humingi pa ng pantulak ang hinayupak na ito. “Diba, mahal mo ako?” dagdag niya.
“Oo naman, mahal na mahal nga kita diba? At kailan ko pa malilimutan na 4 seasons ang favorite drink ng girlfie ko. Pa yakap nga.” Niyakap ko siya ng mahigpit yung halos din a siya makahinga. “Mahal na mahal kita.”
“Mahal din kita.” Niyakap niya ako ng mas mahigpit, sobrang higpit na kamuntikan ko ng malimutan ang pakiramdam na huminga. “Mahal na mahal.” Ako na mismo ang unang kumiwalag dahil di na ako makahinga.
“Ayan. Fifty yan! Bayaran niyo! Bilisan niyo nga! Kung mag-lalandian din lang naman kayo, pumunta kayo sa tamang lugar, di yung kung saan-saan kayo nagpapakita ng kalibugan niyo!”
Binilisan kong kumuha ng fifty at binigay sa tindera dahil medyo umiinit na ang atmosphere, paglingon ko para e-check ang bruha “saan na yung—” pagtalikod ko, nakita ko siyang naka-upo sa table na may katabing lalaki.
Sinuri kong mabuti yung kasama niya at napansing iyon yung lalaking tinawag siyang ‘babe’, so he must be her boyfriend. Staring at them made me smirk. Mas pinadali niyo lang ang paghihigante ko.
With so much confidence, I walked towards them flawlessly and—
“How could you, Perez?!”
Umiyak ako sa harap nilang dalawa at nagsitinginan lahat ng tao sa canteen sa amin. Just like what I planned.
“Akala ko ba ako lang boyfriend mo?! Kaninang umaga lang nalaman kong nagloloko ka na naman, pinatawad kita kasi lumuhod ka at nag-makaawa na di ka na man-lalalalake pero ngayon, meron na namang iba? Sumusobra ka na.”
Both of them were shocked, tumingin yung lalaki sa bruha giving her a weird look. Ano ka ngayon, ha? Iiyak kana?
FREAKachu~
BINABASA MO ANG
Our Failed Tale
General FictionI'm never a fan of Fairy Tales, but I wish it happened to us.