CHAPTER 1

14 3 0
                                    

SOMEONE'S POV....

"Anak!" isang sigaw na nagpagising sa aken,

At ng imulat ko ang aking mga mata ay bumungad ang mukha ng aking ama..

"anak binabangungot ka" alalang wika nito habang ako'y hingal na hingal na nakatingin sa kanya.

"ayos ka lang ba?"

"anak ayos ka lang ba? Anong nangyayari sayo at ba't ganyan ka makatingin?" kalaunay tanong nya at bakas ang pag aalala sa mukha nito ng hindi ako agad nakasagot.

Hindi ako makapagsalita, parang ayaw ng bibig ko.

"mabuti pa't magbihis ka na dahil ngayon ang unang araw ng pasok mo" tangka syang tumayo pero agad kong hinila ang braso nya

"anak ano ba?!"

"tay" napapalunok na usal ko

"ano bayon at tila wala ka sa sarili? Abat may pasok ka pa!"

"n-nanaginip po ako" sa wakas ay usal ko at muli naman syang umupo sa gilid ng kama ko ng may pag aalala sa mukha

"bangungot anak... Dahil nakita kita kanina, kaya nga kita agad ginising" alalang aniya

"m-may isang l-lalaki at b-babae ang nag aaway t-tapos-"

"tapos?" curious na tanong niya

"pinatay po yung b-babae tay" kwento ko na halatang ikinatigil nya

"b-bumagsak yung babae tay--"

"panaginip lang iyon anak hindi mangyayari yon tumayo ka na dyan at--"

"tay" putol ko sa kanya

"ang mga taong yon..... m-malapit sila sayo" mga salitang talaga namang ikinagulat ni itay. Kita ko ang pagkabalisa nya at di makatingin ng ayos sa aken.

"t-tamana ang kalokohang ito anak walang kwenta yang mga sinasabi m--"

"meron tay" kunot noong putol ko

"narinig ko po kayo ni inay nung isang gabi na nag uusap, ang sabi nyo po'y namana ko mula sa inyo ang kakayahang makita ang hinaharap"

"anak k--"

"ibig sabihin lahat ng nakita ko ay hindi panaginip kundi ang hinaharap tay" dagliang putol ko

"kalimutan mo na iyon maghanda ka na para pumasok" aniya bago tumayo

"nakita mo na ang buong mangyayari diba tay?" aniko na nagpatigil sa kanya

"ang babaeng yon..... Inosente sya" dagdag ko at agad naman nya akong hinarap

"oo anak" malungkot na usal nya na ikinataka ko

"nakita ko na ang buong mangyayari sa hinaharap lalo na sa babaeng tinutukoy mo pero wala tayong gagawin" agad tumaas ang isang kilay ko sa sinabi nya

"tay meron! pwede natin syang tulungan! Pwede nating sabihin sa kanya ang mangyayari sa kanya para mabago ang lahat ng nakita naten!"

"ibig sabihin ginawa naten iyon para mapanatag ang kalooban naten hindi para matulungan sya." seryosong aniya na ikinatigil ko, agad nangunot ang noo ko ng hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin

"patawarin mo ako anak pero....... ang mga taong iyon, Sila lang ang may kakayahang baguhin ang hinaharap nila ng hindi kinakailangan ng tulong naten" agad akong natigilan sa sinabing niyang iyon

Your wish is my commandWhere stories live. Discover now