"Sumama ka na muna sa tita camilla mo"
"p-po? Bakit po?"
"sya muna ang magbabantay sayo ngayon"
"mama, ano pong nangyayari? Bakit parang nagkakagulo po sa labas?"
"anak kasi--naalala mo yung mga bad guy na sinasabi ko? Pumunta kasi sila dito kaya kailangan ka naming ilayo"
"p-pero bakit ako lang po? Paano kayo?"
"anak hindi mo pa maiintindihan ngayon, hindi namin pwedeng iwan ang kaharian--"
"p-pero mama ayoko pong umalis dito! Ayaw kong iwan kayo dito!"
"sweetheart, your mom and I will be fine. Don't worry--"
"no! Hindi ko kayo iiwan dito! Ayokong umalis ng hindi kayo kasama! Please! mama? papa?"
"I'm sorry honey--"
"no! Please don't! Kapag inilayo nyo ako dito I promise! I will hate all of you forever!"
"I'm sorry sweetheart, but this was for your protection and for the sake of this world--camilla?"
"no dad! No!--tita camilla bitawan mo ako!"
"I'm sorry preslene pero kailangan muna talaga kitang ilayo dito"
"no! Please tita camilla! Pano na sila mama and papa!? Sila keith!?"
"baby, balang araw maiintindihan mo rin.... Ito ang itinadhanang maging katungkulan naming mga logfrin....we need to think of the others before ourselves"
"but tita camilla pleaseee!!.... Parang awa nyo na po.... Gusto ko pong makasama sila mama and papa...!"
"no! Look at me preslene! Madaming tao ang nagsasakripisyo ng buhay nila ngayon para sa buhay mo at sa kaharian! Inilalagay nila ang buhay nila sa panganib kahit na alam nilang may sarili silang pamilyang naghihintay sa kanila, don't you think of their sacrifices!? Gusto mo bang matapon lahat ng sakripisyo nila ng dahil lang sa gusto mo!? "
" n-no--"
"then be quiet and do what I say! Ginagawa ko din ito dahil ayokong masira ang future na kalalakihan ng mga anak ko--ni keith! Ayaw mo naman sigurong makita syang umiiyak at nasasaktan hindi ba!?"
"o-opo"
"see? Importante ang mga taong naiwan doon at lumalaban kaya huwag mong sayangin ang lahat ng sakripisyo nila"
Napuno ng katahimikan ang paligid habang lakad takbo ang ginagawa namin sa gitna ng kagubatan. Maliwanag ang buwan at malakas ang ihip ng hangin dahilan para tila magsayawan ang mga puno at damuhan. Ang mahabang bistida na suot ko ay may ilang punit na rin kaya't napilitan na akong buhatin ni tita camilla. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang kaming natumba at tumalsik ako palayo sa kanya.
"t-tita ca-camilla...." ramdam ko ang matinding pagsakit ng katawan ko mula ulo hanggang paa. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero masyadong malabo ang mga nakikita ko.
"Preslene!? Preslene!? Preslene gumising ka! Naririnig mo ba ako!?"
"t-tita camilla"
"mabuti naman at ligtas ka" tinulungan nya akong makatayo at ginamitan ng healing magic. Ilang minuto ang dumaan at tila gumaan na ang pakiramdam ko. Nawala ang sakit ng katawan ko.

YOU ARE READING
Your wish is my command
FantasíaThis story is all about a Royal wish from a Royal Blood and a Royal Command for a Royal blood.