MS. SILVA'S POV......
"Kamahalan, heto ang lugar ng lilinisin ninyo" kunot noo kong tinititigan ang dalawa habang itinuturo ni xai sa kamahalan ang parte ng arena na dapat linisin.
"mama bakit ba ako nandito?! wala naman akong ginawang labag sa akademya, ah?!" kanina pa ito tanong ng tanong pero hindi ko ito masagot dahil maging ako ay nagtataka kung bakit siya nandito at hindi ang bruhang sumakal sa akin.
"bakit tinuturuan pa ni papa ang isang yan? bat di nalang siya paglinisin sa buong arena nato-- kayang kaya naman ni papa yon"
"manahimik ka kung ayaw mong mawalan ng buhay dyan sa kinatatayuan mo"
"what?!" inis na sigaw nito kaya agad ko itong tiningnan ng masama
"bakit ba sinisigawan mo ako?! akala mo ba gusto kong kasama ang isang yan?!"
"oh bakit nga kasama ako dito?! wala nga akong ginawang masama!" nagmamaktol na anito ngunit hindi ko na ito sinagot pa ng lumapit na sila sa pwesto namin.
Tuwing tititigan ko ang mukha ng babaeng ito kahit siya pa ang kamahalan kinikilabutan talaga ako, lalo na kapag malapit siya sakin. Ni hindi ako makagalaw ni makapagsalita ng ayos kapag wala akong kasama at nakikita ko siya.
"this highness infront of yours, will kill you in no time"
"shit"
"what is it honey?" agad na tanong ni xai ng makitang pailing iling ako. Tuwing naaalala ko ang mga salitang ibinulong niya sa akin noon para akong masu-suffocate.
"wala naman" tiningnan ko ito ngunit nakatingin lang din ito sa akin ng walang nababasang ekspresyon sa mukha. Ibang iba sa yco na estudyanteng nakaharap ko noon. Nung mga oras na iyon ay para siyang ibang tao, nakakatakot,.... sobrang nakakatakot na ayaw ko na ulit siyang makita pa pero heto kami ngayon at magkakasama.
"naipaliwanag ko na sa kamahalan ang mga dapat niyang linisin, sumama na kayo sa akin ipapakita ko sa inyo ang mga lilinisin ninyo--"
"papa bakit ako kasama dito? atsaka anong kamahalan? sinong kamahalan?" agad na tanong ni elaine na ikinatahimik ni xai dahilan para magtaka ako.
"xai anong meron? bakit kasama ang anak natin dito?" tanong ko pero umiling lang ito.
"sumama na muna kayo"
"pero pa-- osige po" agad na tugon ni elaine ng makitang nagbago ang ekspresyon ng ama bago sumunod na sinundan ko rin. At habang naglalakad ay ipinapaliwanag nito ang lilinisin namin.
"xai may problema ba?" bulong ko at bumuntong hininga naman muna ito bago sumilip sa kamahalan at harapin kami.
"kilala na niya tayo"
"ano?!"
"a-ano? anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.
"alam na niya kung anong uri tayo ng tao" sagot nito na ikinagulat ko.
"ano?! sinabi mo papa?!"
"hindi ko sinabi--"
"oh, eh, pano niya nalaman?!"
"elaine siya ang kamahalan"
"a-anong--"
"Elaine,.. siya ang nag iisang anak ng mga Guillen. Bago ko pa malaman ang katauhan niya kilala na niya tayo,... hindi niyo kailangang matakot dahil wala siyang gagawing masama satin--"

YOU ARE READING
Your wish is my command
FantasyThis story is all about a Royal wish from a Royal Blood and a Royal Command for a Royal blood.