Kinabukasan ay maaga akong ginising ng aking inang katabi kong natulog sa kwarto at inayang mag almusal. Ibinigay na sa akin at ipinaliwag ang pagpasok ko sa akademya.
Tingnan mo nga naman, hindi pa nga ako nagtatagal sa palasyo at nakakasama sila heto at napalayo na naman ako. Titira sa loob ng akademya.
"mag iingat ka, preslene kung gusto mo ay ihahatid kit--""hindi na kailangan, kamahalan" putol ko dahil halatang handa talaga itong gawin ang sasabihin niya. "may pagsubok akong kailangang harapin at hindi ko magagawa yon kung aasa ako sa inyo" hinawakan ko ang magkabila nitong kamay at tinitigan siyang maigi.
"uuwi naman ako para dumalaw dito kapag walang pasok-"
"siguraduhin mo rin ang iyong pagsubok at katauhan" putol ng aking ama kayat sabay kaming napalingon sa kaniya.
"alalahanin mong walang dapat na makakilala sayo dahil hindi talaga kami magdadalawang isip na ilayo ka ulit kapag nangyari iyon" walang emosyong wika nito na nagpasikip ng dibdib ko at naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ng aking ina sa aking kamay.
"masusunod kamahalan"
"ganyan mo ba palalakasin ang loob ng ating anak?" may bahid ng galit na wika ng aking ina na ikinatigil ko.
"sapat na ang magkakasama tayo rito, kamahalan" tumayo ito at tumalikod na ngunit bago ito maglakad paalis ay muli itong nagsalita. "kung gusto mong maulit ang pangyayaring ito ay babalik ka"
Umalis na ito at naiwan kami ng aking ina sa lamesa.
Habang kumakain ay paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga katagang sinabi ng aking ama.Paano ng ba, papa?,.....
NYX'S POV.....
"bago ka?"
"oo nga ngayon lang kita nakita"
"bakit wala ka kahapon?"
"bakit ngayon kalang pumasok?"Dama ko ang kuryosidad ng mga kaklase ko na ngayon ay nakangiting nagtatanong sa babaeng tila wala namang pakielam sa presensya nila.
"Siya ba?" wika ni zeran na hindi ko namalayang nasa tabi ko pala.
"hmm" tanging sagot ko bago umalis sa pagkakasandig sa pinto at lumapit sa pwesto nila. Kagabi ko pa iniisip ang bagay na ito, ngunit simula ng dumating si preslene ay tila bumigat ang presensya sa paligid. Ganito naman na siya noon pa pero parang may nagbago.
"leave her alone tinatakot nyo sya" sandali lang akong tinapunan ng tingin nito bago muling ibalik ang tingin sa mga estudyante sa harap niya.
"welcome, welcome" aniko kahit wala naman itong pakialam.
"magkakilala na kayo?"
"pinapa-assist sya sa akin ni Mr. Xai kasi dito nga ang punta nya nakilala ko lang sya kanina at magkatabi lang kami ng kwarto, diba yco?" nakangiting aniko at sandali pa muna itong tumitig sa akin bago tumango.
YOU ARE READING
Your wish is my command
FantasyThis story is all about a Royal wish from a Royal Blood and a Royal Command for a Royal blood.