Kabanata 1

118 2 0
                                    

Naging inspirasyon ng nobelang ito ang mga taong naghahangad na mahalin din sila ng taong mahal nila.

Nawa ay maging bahagi ang kwentong ito sa patuloy ninyong pagkakaroon ng positibong pananaw sa pag-ibig gaano man kayo nasaktan nito noon.

Ang nobelang ito ay handog sa lahat ng mga naniniwala na balang araw, may magmamahal din sa atin; na balang araw mararanasan rin natin ang mahalin, masaktan, at magmahal  nang paulit-ulit. We shall be loved ❤

_________________________________________

Kahapon, nakita ko sa Facebook timeline ang malagim na katotohanan. Iyong number of friends niya 3, 896.

Hindi. Hindi ko 'yon nakita. Tinignan ko talaga. Sinadya ko! At ngayon, may namumuong galit sa dibdib ko. O inggit. O pagkahiya sa sarili. O pagkahiya sa kanya. Ewan. Nadagdagan ang bilang ng friends niya. 3, 995 na ngayon.

Anong kagaguhan ito Dominic?

Noong Agosto pa lang ako nagpadala sa iyo ng friend request. Oktobre na ngayon. Dalawang beses ako nag pindot ng Add Friend sa iyo. Una nga, noong Agosto. Umabot na ng Setyembre hindi mo pa rin ina-accept. Nag cancel request ako noong katapusan ng buwan na iyon. Pero dahil, gusto pa din kita, inadd friend kita ulit noong September.

Subalit bakit ganun? Hindi naman ako si Liza Soberano na hindi bagay magtanong kung pangit ba ako. Sabihin mo, pangit ba ako? Mahirap ba akong magustuhan?

Sabi ni mama kahapon maganda daw ako. Mothers know best. Ngunit, pagkatapos niyang sabihin iyon inutusan niya akong mamalengke.

It's unfair.

Hindi ako kagandahan. Average-looking lang ako. May pagka pango ilong ko at hindi ako katangkaran. Hindi ako nililingunan ng mga lalaki saanman mapunta. May mga ilang nanliligaw ngunit alam ko ang pakay nila. Gagawin akong panakip butas para mag selos ex nila. Ilang beses ko na iyang na experience. Hindi na ako magpapakatanga ngayon. 

Kahit saan mang dako, madaming pwedeng maging gwapo sa aking mga mata, pero sa akin, wala pa ring papantay sa mukha ni Dominic. Maamo. Matangos ang ilong. Pilipinong-pilipino ang mga mata. Bilugan. Ewan ko lang kung brown o black iris niya, hindi ko masabi kasi hindi ko pa siya natititigan sa malapitan. At makakapal ang kanyang kilay.

Kaya kahit chat ng chat sa akin si Richard, sinasabi niya minsan 'Hi Princess', 'Kumain ka na ba Princess?', 'Princess alam ko na solution sa Math problem no. 4', wala eh. Walang spark. Magaling siyang tumugtog ng gitara, magaling siyang kumanta, okay rin naman itsura niya, pero iba pa rin kapag iyong taong gusto mo ang nagcha-chat sa iyo.

"And yeah, the factors of this polynomial in a general trinomial sense, without using the FOIL method..."

Duh! Aanhin ko ba sa totoong buhay iyan Sir?

"With 5x in the first term, do not be confused with the variable and the coeffecient..."

"Wala akong maitindihan dito," sambit ni Dara.

Tiningnan ko lamang siya.

"Saan mo ba plano mag lunch?"

"Sa carenderia. Dara pag hindi ka tumahimik diyan, malalagot tayo dito."

Bulung-bulungan lamang kami. Hindi mahigpit si Professor Dumbledore, este, si Professor Dino. Dumbledore tawag namin sa kanya dahil may bigote siyang makapal-kapal na din. Ewan ko ba sa school namin, kung bakit hindi sinisita ang katulad niya. Siya lang naman may makapal na bigote sa staff nila. Hindi mahigpit si Sir sa ingay, pero ang crush ni Dara, si England, oo. Naka upo siya sa unahan, Engineering eh, magaling sa Math. At seryoso sa eskwela. Naka eye glass, singkit ang mga mata, medyo moreno ang balat, ngunit matipuno ang mga dibdib. Ayaw na ayaw ni Dara na ma disappoint si England sa kanya.

DominicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon