Siya: Baka tinulugan mo na ako diyan ah.
Hindi ko binubuksan ang messenger. Sa chat head na nag pop-up ko lang namataan ang message niya. Gising na gising pa ako. Gising na gising. Nababaliw sa kakaisip sa excuse na pwede kong ipanakip butas. Wala siyang dapat malaman tungkol sa bagay na iyon dahil mapapahiya ako sa kanya. Ayaw kong isipin niya na 'easy to get'ako. Sa ngayon, feelings against reputation, mas mahalaga sa akin ang reputasyon. Kung ibubuhos ko sa kanya ang lahat, baka wala ng matira sa akin. At kung biro lamang ito para sa kanya, ako ang kawawa sa huli.
Pakiramdam ko, kapag napasok ako sa isang relasyon, ako ang magiging pinaka kawawa. Kasi kapag nagmamahal ako, totoo ang pinapakita ko. Tunay ang pag-ibig ko. Hindi ako pumapasok sa isang relasyon kung wala akong nararamdaman para sa isang lalaki. Kagaya ni Richard, nanliligaw iyon sa akin, katunayan pa nga, lagi niya akong mini-message araw-araw, kahit hanggang ngayon. Ngunit hindi ko siya pinapansin kasi wala akong nararamdaman para sa kanya.
Tumatatak sa isipan ko na kapag ako nagmahal, walang magiging kapalit. Kapag ako nagmahal, kung hindi lang ako iiwan, pang habambuhay na.
Siya: Mukhang tulog na nga.
I lifted my phone, press his chat head, and typed a message.
Ako: Hindi pa. Anong binulong ko kanina? Baka sa isip mo lang iyon.
Nabunutan ako ng tinik. Makakaginhawa na ako nang maayos.
Siya: Ang daya mo. Iba ang sinasabi mo sa nangyari kanina.
Kahit anong pagpupumilit mo Dominic, hindi ako aamin. Dapat ligawan mo muna ako at maging boyfriend kita bago ko sagutin ang tanong na iyan.
Ako: Matulog ka na. Antok lang iyan.
Napatitig ako sa kisame, ngunit ang isip ko lumilipad. Totoo ba itong pinapakita niya? O baka laro lamang ito para sa kanya? Gusto ko siyang tanungin kung bakit sa tatlong buwang nagdaan, hindi niya magawang ma accept ang friend request ko. Bakit ngayon lang? At bakit kahit kakikilala lang namin, ang dami na niyang pinapakitang motibo? Maraming katanungan ang naglalaro sa isip ko. Itatanong ko sa kanya iyan sa tamang panahon.
Siya: Ako hindi pa.
Ako: Bakit?
Siya: Ang aga pa kaya.
Ako: Hindi ka sanay matulog ng 9pm no?
Siya: Oo.
Ako: Anong oras kaba kadalasang natutulog?
Siya: Usually mga 10pm.
Ako: Agahan mo na pag tulog mo ngayon para makapag-jogging ka bukas ng madaling araw.
Akala ko 'okay' ang ire-reply niya. Ngnunit bumulagta sa akin ang isa na naman niyang hirit.
Siya: Jogging tayo bukas. 5 AM.
Nababaliw ba ito? Hindi pa nga kami gaanong ka close bilang magkaibigan, sobrang kampante ng mag-aya. Ngunit, kahit anong pagkukunwari ko, hindi ko man masabi ng diretso, o kahit mabigkas man lamang, sa internet man o sa personal, oo palagi ang magiging sagot ko.
Ako: Sure kaba diyan?
Hindi pa man nag-lilimang segundo ang sagot pag send ko nun, may reply na agad siya.
Siya: YES!
Aba'y desidido ang gwapo.
Para magpakipot, gusto kong sabihin na 'Sige dahil minsan ka lang naman dito sa CDO, pagbibigyan kita', ngunit baka isipin niya mahangin akong tao. Iba na lang ang isasagot ko.
Ako: Magpapaalam muna ako kay mama.
Siya: Talaga?
Ako: Sandali
