NANG MAKARATING KAMI sa resto, agad pumili si Dominic ng mauupuan. Doon kami sa sulok kung saan may maliit na mesa na dalawang silya lamang ang magkakasya.
"Gusto mo dito?" tanong niya.
"Ikaw?"
"Sige dito na tayo." Tinanggal niya ang kanyang relo at inilagay sa mesa.
"Anong gagawin mo diyan?"
"Reserved. Ibig sabihin hindi na pwedeng kunin ng iba kasi may nagmamay-ari na."
"Baka nakawin iyan," tugon ko, bakas ang pag-aalala.
"Kaysa naman bag mo ang ilagay natin diyan."
"Pwede naman ako magbantay habang umo-order ka."
"Hindi. Sama tayo. Pipiliin natin yung favorite mo."
Kinilig ako. Ngunit pinipigilan kong mapangiti. Hindi dapat niya mahalata.
"Hayaan mo na relo ko diyan. Kung may kukuha man diyang iba, at least relo ko lang, di ikaw."
I was surprised. Hindi ko pa mapagtanto kung biro lang ba iyon o dapat ko bang seryosohin; kung sasabay ako sa agos o magpapa dala na lamang; kung dapat ba akong matuwa o ipagbalewala na lamang. Nakakatakot mag tiwala. At ayaw kong umasa ulit. Kaibigan lang ang hinihingi niya.
"Halika na. Order na tayo."
Nang maglakad kami patungo sa counter hindi siya nagpa una, tinabihan niya ako. Sabay kaming dumating sa pila.
I was trying to look at the menu on the display board, but I could not help myself from looking, through the corner of my eye, at his face.
"Pili ka na. Kung ano sayo ganun din sa akin."
Tumindig balahibo ko. Hindi ko lubos ma sink-in sa isip sinabi niya. Lutang na lutang ako. Walang pagkakasyahan ang sayang nadarama ko. Ngunit, gaano man ito ka lakas, siya namang mabigat na pwersa ng pagpipigil. Lumingon ako sa kanya, at sakto, nakatitig siya sakin. Nagtagpo ang aming mga mata. Una akong bumitiw sa titig. Masyado siyang attractive. Nakakababa ng self-esteem kasi hindi ka level niya ang itsura ko.
"Nakakahiya, Ikaw na lang pumili." pagpapanggap ko.
"Eto naman. Mukhang natatakot sa presyo. Huwag kang mag-alala. Basta sa ikabubusog mo."
"Ikaw na promise. Whatever you order swak sa akin."
"Sure ka?"
He raised his eyebrows, but damn, he looked so cute. Innocent-looking and at the same time charming, the kind of urban guy you'd love to roam the city with. I just nodded. I was uneasy. His look makes me uncomfortable.
"Good morning sir, good morning ma'am," bati ng crew pagdating namin sa counter. Babae ang crew, at alam ko ang senaryo kung ang isang babae ay nabibighani sa lalake. Ang crew di masyadong makatingin sa mata ni Dominic. Ngunit kaya niyang iangat ang tingin niya sa akin. At pakiramdam ko nagtatanong siya sa isip niya kung sino ako.
Nobya? Mukhang hindi. Hindi sila bagay.
Ito ang sumasagi sa kukuti ko. It made me feel small, pero pilit kung tinatahan ang sarili dahil totoo naming walang kami, at kaibigan lang ang iminungkahi niya.
"Dalawang King Feast nga."
Ang pakiramdam na ito ang hindi ko gusto. Hindi ko nais liit-liitin ang sarili.
"I-se-serve na lang po namin sir, ma'am," huling sabi ng crew. Sumulyap siya sa mata ni Dominic, kitang-kita ko. Kanina hindi niya magawang tignan siya, ngayon gumagawa siya ng paraan upang tuluyang masilayan ang kanyang kagwapuhan. Pagkatapos, tumingin siya sa akin, tila kinukumpirma na hindi ko siya nahuli sa kilos niya. Ngunit nang sa tingin niya ay nasaksihan ko ang pangyayari, parang nahiya siya.
BINABASA MO ANG
Dominic
RomanceMarami sa atin ang pinagtagpo ngunit hindi itinadhana. Nung dumating si Dominic, hinanda ko sarili ko sa anumang mangyari. Pinagtagpo lang ba kami pero hindi itinadhana? O may road to forever ba? Kung ang iba, mabilis ang change of heart, sa akin...