Kabanata 2

84 2 3
                                    

Tahimik kami ni Dara habang kumakain. Walang umiimik.  Nawalan ako ng gana na makipag-usap o kumain. Ngunit para maibsan ang hiya at maisip niya na hindi ako apektado, tuloy pa rin ako sa pagnguya.

Hindi rin kami nag-usap ni Dominic o England matapos ang eksena kanina. Si Dara naman ay sumusulyap sa kanya paminsan-minsan. Subalit, kahit isang saglit man, hindi ako maka tingin sa kanila.

“Tinanong ko siya kahapon wala siyang ibang sinagot kundi ewan,” saad ni England.

Hindi ko maiwasang hindi makinig sa pag-uusap nila.

“Anong plano mo?” tanong ni Dominic.

“Ikaw?”

“Ewan din.”

Tungkol sa anong bagay iyan na seryosong-seryoso sila?

“Hayaan mo na siya. Tayo na lang dalawa,” ani Dominic.

“I think that's a good idea,” pangiting bigkas ni England.

Mayroon akong naaamoy na paminta. Napasagi sa aking mga mata ang paningin ni Dara. Napangiti ako sa mga narinig, habang si Dara ay pilit na kinikilatis ang aking diwa.

“So tuloy tayo sa ganoong petsa?” tanong ni England.

“Okay lang sa akin. Ikaw okay ba sayo?” sagot ni Dominic.

“Ikaw?”

“Ikaw bahala.”

Pinagpawisan ako nang bahagya kahit malamig sa lugar. Nakakunot ang mga noo ni Dara habang nakapako sa akin ang kanyang paningin. Patuloy lamang ako sa pagsusubo at pakikinig, pilit kinikilatis ang lahat na lumalabas na salita mula sa kanila.

“Gwapo ka ngayon ah. Blooming na blooming,” saad ni England.

Nanghina ako. Masakit pala. Umasa pa naman ako na baka magustuhan din ako ni Dominic.  O di kaya si England lang ang bakla? O bisexual? Tapos itong si Dominic eh straight talaga ngunit kaibigan niya si England kaya sila magkasama ngayon. O di kaya?

“Gago.”

Nakikita ko mula sa gilid ng aking kaliwang mata na nagugustuhan ni Dominic ang naririnig. Yumuko siya habang ngumingiti.

“Hindi ako nagbibiro bro. Talagang blooming.”

Bro ka diyan. Sabihin muna kasi England na higit pa sa bro ang gusto mo. Di kaya mag dyowa talaga sila?

“Kidding aside, you look handsome too bro.”

Gosh! Kailangan pa ba talagang sabihin iyan Dominic? Gusto mo rin ba siya? O nagpapanggap ka lang? Pwede mo naman sabihin iyan mamaya kung napipilitan ka lang, iyong walang babaeng nakikinig. Nanginginig ang mga tuhod ko. Namamanhid ang mga kamay ko. Ayaw kong tapusin ang pagkain.

“Thanks you have noticed,” sagot ni England.

Ang sakit. Hindi ko pa masyadong kilala si Dominic ngunit may namuo ng feelings sakin para sa kanya. Ang sakit kung iba naman pala ang gusto niya.

“May ipagtatapat ako sa iyo,” ani Dominic.

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napalo ko ang baso ng tubig dahilan para ito ay mahulog sa sahig at mabasag.

“Oh my gosh!” sigaw ni Dara.

Nagtinginan ang mga tao sa akin. Pakiramdam ko ay higit pa ako sa isang basang sisiw.

“I’m sorry, I’m sorry.”

Pupulutin ko sana ang mga piras-pirasong basag ng baso, ngunit hinawakan ni Dominic ang mga kamay ko. Malambot. Mainit-init ang banayad niyang dampi.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon