Chapter 1

2 1 0
                                    


Nagising ako sa tunog ng alarm bumangon para maghanda papasok sa eskwelahan, naghilamos, nagmumog at bumaba para magluto ng kakainin ko. Naisip ko na magluto ng adobo tutal may stock pa naman ako sa ref.

After magluto kumain ako naligo at nag ayos naglagay ako ng eye brow, liptink at powder gora na.
Paglabas nang bahay naglakad na ako hanggang sakayan ng jeep.

Pagdating sa school naabutan ko si ithan sa parking na mukhang kararating lang napahinto ako sa paglalakad ng naghubad siya ng jacket naka sando lang na puti at kitang-kita yung biceps niya at dibdib na medyo malaki.

Nagsuot siya ng uniporme at biglang nagawi ang tingin niya sa kinaroroonan ko,napaiwas ako ng tingin at nagsimula na ulit maglakad papasok.

"Sofiah" si tricia na kasama si Bea nasaan kaya si Liezel.

"Sino tinitignan mo kanina ka pa namin nakitang papasok tatawagin ka nga sana namin kaso ang bilis mo maglakad" si Bea.

"H-ha ano akala ko may naiwan ako sa bahay" sagot ko sabay nakatingin ulit kay ithan na nakasuot na ng sumbrero at nagsisimula na maglakad papasok.

"Alam mo may naiwan ka talaga alam mo kung ano?" tanong niya sakin sabay ngisi na nakakaloko " yung utak mo naiwan mo ata sa bahay niyo gurl lutang ka" sabi niya sabay hila na sa amin papasok ng room.

Pagpasok sa room nagkakagulo pa mga classmate namin dahil wala pang prof, kami nila bea umupo na sa kanya-kanya naming upuan.

"Malapit na sem-break uuwi ka ba sa inyo?" tanong ni bea sakin, ako nakaupo sa gitna kaya narinig ni Tricia na nag lalagay ng power sa mukha.

"Oo namimiss na ako ni lola kaya bibisitahin ko siya" sagot ko may sasabibin pa sana si tricia kaso dumating na prof namin para sa unang subject.

Maganda naman naging takbo ng araw may isang prof na nagpaquiz at lahat nag lecture na. Palabas na kami ng classroom ng may narinig akong nagbubulong-bulungan kaya naman medyo naglakad kami kung saan yun. At kaya pala nakita ko si ithan natutulog magisa sa mga bench malapit sa canteen.

Nakalagay ang sombrero niya sa mukha at mahimbing ang pagkakatulog.

"Si taga mukhang puyat kagabi" sabi ng lalaking sa ibang section.

"Baka napuyat kasi aswang" sabay tawa ng lalaking katabi niya.

"Una na ako sa inyo nandyan na si darwin bye" si bea na nagmamadali habang kumakaway sa amin.

"Sa labas lang iputok!" si tricia na tawang-tawa pa.

Hinampas ko siya sa braso at naglakad na. Siraulo talaga!

Biglang naman bumangon si ithan sa pagkakatulog at nasaktuhan pa na malapit ako sa banda niya, napatingin siya sakin pero pansin kong malamig iyon at para siyang galit.

Nagiwas siya ng tingin at nagsimula ng tumayo at nagsuot ng sumbrero at umalis. Parang biglang sumakit yung dibdib ko na parang hindi ako makagalaw.

"Hoy Sofiah okay ka lang?" sabi ni tricia sabay tapik sa balikat ko.

Napatingin ako sa kanya "Ayos lang ako bilisan na natin mahihirapan na tayong sumakay" sabi ko sabay hila sa kanya palabas ng school.

Ano pa nga bang aasahan ko alam ko naman na hindi niya ako papansinin pero iba may iba sa kanya kanina para siyang may problema. Habang nakatingin ako sa mga mata niya parang may sakit at galit.

Pagbaba ng jeep naglalakad na ako paakyat huminto muna ako sa may tindahan para bumili ng maiinom.

Pagkabili ko nagsimula na ulit akong maglakad habang umiinom sa gitna ng paglalakad nasa tapat na pala ako ng isa village pero teka di ba dito nakatira si...

Scars (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon